Chapter 3

51.9K 286 7
                                    

Chloe

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na galing sa bintana ng kwarto na ito. Agad akong napahawak sa gitna ng hita ko. Para akong binubog ng sampung tao sa sakit nito.

Nang maalala ang lahat ay napatingin ako sa tabi ko. Ngunit wala nang tao duon. Mag isa na lang ako sa kwarto. Panaginip lang ba yun? Pero kung panaginip bakit masakit?

Masakit man ay pinilit kong makapunta sa CR at maligo duon. Lagkit na lagkit ako sa sarili ko kaya napatagal ako sa CR.

Nang makalabas ako ay agad akong nagbihis. Nagsuot ako ng simpleng white T-shirt at Black plain pants. Bumaba ako para tignan sila at duon ko naamoy ang niluluto nilang pagkain. Agad kumulo ang tiyan ko.

"Chloe, Halika, Sumabay ka na sa amin kumain dito. Heto't nagluto ako ng tapsilog!" Masayang aya ni Ate Amy. Pinaghandaan pa ako nito ng plato sa lamesa.

"Sighe po. Salamat." Tinignan ko silang lahat duon. Kumpleto at naghaharutan nanaman sila.

Napatingin ako sa dalawang lalaki nga hindi ko pa kilala. Tinignan ko yung mukha nila. Kumakain sila at nakikipag kwentuhan din sa mga ka boardmate.

"Oh! Miss Chloe, Good Morning!" Sigaw ni Noah kaya halos lahat sila ay napatingin sa akin pati ang dalawang bagong lalaki na nakita ko.

"Good Morning." Bati ko din dito. Napansin ko kasing napakamaligayahin nitong si Noah e.

"Oh! Btw Ate chloe, This is Neil and his Uncle. Kuya Rolando.

Una kong tinignan ang mukha nung Rolando. Magkasing edad lang siguro kami nito. Tahimik siya at may pagka masungit ang Awra. Naka pang office suit siya at mukha siyang professional tignan dahil duon. Agad niyang iniwas ang tingin sa akin at nagtaas ng kilay. Nahiya ako kaya binitawan ko na din ang titig ko.

Sunod ko namang tinignan ang Pamangkin niyang si Neil. Mas bata ito sa akin at Gwapo! May matangos na ilong, Mapanga at medyo maputi. Napatingin ako sa mata nito at duon ako kinabahan.

Agad kong naalala ang kagabi. May ngisi ito sa mukha niya na mas lalo kong kinakaba. Hindi kaya.. Hindi kaya..--

"Hi, Neil!" Naglagad siya ng kamay na mas lalo kong ikinagulat. Pero gulat man ay nakipag shake hands pa rin ako.

"C-Chloe." Napapikit ako ng marinig ko ang sarili kong boses. Lahat sila nagtinginan sa akin. Pati yung Rolando.

"Naku, Nahihiya pa siguro si Chloe Neil. Halika na ihja at kumain ka na kasabay namin." Nakangiti nitong saad. Minsan naiisip ko na baka pinaglilihian ako ni Ate Amy. Sobrang bait kasi niya sa akin e.

Tumingin ako sa bakanteng upuan ngunit wala nang bakante. Wala nang bakante maliban sa upuan na katabi ni Neil. Napatingin ako sa titig niyang di pa rin ako binibitawan. Ngumiti ako sa kaniya. Ngiting pampatanggal ng nyerbos.

Nginitian niya rin ako at kumain na siya. Ang Lakas ng tibok ng puso ko at para akong humihigop ng maanghang at mainit na sabaw dahil pinagpapawisan na ako. Dahan dahan ko itong tinatanggal sa noo ko.

"May pasok ka?" Tanong ni Ate Amy at tumango naman ako. "Kung ganon baka late ka na ihja?" Nagaalalang tanong niya.  Umiling ako at tinapos ang lamunin ang nasa bibig ko saka nagsalita.

"Hindi naman po." Nakangiti kong sabi.

"Nakita ko pala yung cctv diyan sa labas. Aba'y alas dose ka na umuwi. Hindi naman sa bawal pero kasi delikado ang Manila, Chloe. Baka mapano ka kaya papaalalahanan lang kita." Napatingin sa akin si Neil na mas lalo akong kinabahan. Wait, Tell me he is not!

Ngumisi siya at tumuloy sa pagkain niya. No! Ang bata pa niya para sa akin! Shit!

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanila at Umalis na. Pumara ako ng Taxi at agad napahilamos sa mukha. Grabe nakakahiya!

Sex Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon