Chapter 1

116K 479 8
                                        

Chloe

"Ano ba talaga chloe hah? gumising ka na diyan at maaga na!" sigaw ni mama. nagtaklob na lang ako ng unan sa ulo ko. ang ingay e.

"Mama! mamaya pa naman pong 1:00 pm ang alis ko" saad ko dito.

"Mamayang 1:00 ehh 11 na!" tinignan ko ang orasan malapit sa table at tama nga si mama it's already 12 na...

Agaran akong tumayo at nagpunta sa banyo para maligo. Ghad! 2 oras na lang meron ako!

"Ma wala na po akong sabon" sigaw ko sa kaniya.

"Ehh bakit di ka bumili hindi yung lagi kang umaasa sa akin. asan yung sahod mo aber!" Bulyaw ni mama

"Nasa sayo po." Tumawa ako ng tumawa. Magtatanong siya asan ang sahod ko e. 10% lang sa sahod ko ata ang napupunta sa akin at ang 90% naman ang sa kaniya.

"Ikaw bata ka. Sino ba ang may sabing ibigay mo sa akin yang buong sahod mo hah?" Sigaw niya ulit at hinampas pa ang pintuan ng banyo ko.

"Mama naman!" Reklamo ko habang tumatawa.

Maya maya ay ikinuha na ako ni mama at natapos na akong maligo kaya dali dali akong nagbihis

Bumaba agad ako at kumain. after nun umalis na....

"Can't you smile?" Ma awtoridad na sabi ko sa isa sa mga model ko

"Kanina pa ako dito ngiti ng ngiti! Napapagod na ako!" Reklamo niya

Ibinaba ko muna yung camera ko at tinaasan ko siya ng kilay. Tinignan ko rin siya mula ulo mukhang paa.

"Bakit ganiyan ka makatingin hah?" Inikot pa nito ang mata niya. Aba! Ikaw pa ang may ganang mag taray ah?

"You?" Sabay turo ko sa kaniya. "Sa ating dalawa sino sa tingin mo ang mas professional? Aber?" Hindi siya nagsalita at napapahiyang tumingin sa mga staff na nakatingin sa amin. "Well, If you don't want to do what I want and What I need you can go! You don't deserve to be a model! Next!"

"Kailangan ba kasing paluwagin hanggang langit ang ngiti na gagawin ko?" Habol pa nito at hinahamon talaga ako.

"I. Said. Next!" Sigaw ko

"Fine. paano ba?" Desperada ang tono ng pagkakasabi niya.

"Paano? Leave!" Naistatwa pa siya sa kinatatayuan niya kaya ang isa sa mga staff namin ay tinulungan na siyang umalis duon at pinalitan ng medyo kabadong babae pero sumusunod naman.

---------

After a couple of hours natapos ko din lahat sila. Naghahanap kasi kami ng magandang maging model for our next project. Syempre, kailangan na ang model namin ay sumusunod kasi kung sa una pa lang di na sumusunod paano siya magiging good model?

"Ms. Del montes, pinapatawag ka po ni Mr. Grey." Isang secretary ang nagsabi sa akin pagpunta ko sa office namin.

Si Mr. Grey ang boss ko. He is handsome. Yes! Kaya nga maraming nagkakagusto sa kaniya e. Malaki din ang katawan at talagang yummy!

"Yeah! Susunod ako!" Ganado kong sabi. Well, kung ang isang hot lang naman ang tatawag sa'yo ay susunod ka talaga.

"Goodluck!" Sabi ko sa model na nagustuhan ko at ipapasa ko kay Mr. Grey.

Kinuha ko yung portfolio ko at agarang pumunta kay Mr. Grey na ngayon ay sumisimsim ng kape niya. Agad naman niya itong binaba at hinarap ako.

"Good Afternoon, Mr. Handsome." Medyo close kami kaya nabibiro biro ko ito. "Here's the girl. Siya lang ang nakita kong may potential sa kanila. Though, medyo mahiyain pero masunurin at may attitude!" Pumalakpak pa ako para ma engganyo siya kunin ito.

Sex Mate (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon