"Paraaaaaa....!!!!"
Biglang napapreno ng malakas si kuyang driver. Lahat yata ng pasahero nawala sa kinauupuan nila. Napadpad sa unahan ng jeep.
"Kuya, magdahan dahan ka naman sa pagpreno!" Sigaw nung isang ateng pasahero.
"Abay papatayin niyo ba kami." Atungal nung isa pang pasahero.
"Aray ko po. Nabali yata yung kamay ko." Atumal ni MayMay.
Nanlaki yung mata ni ateng pasahero ng makita niyang bali yung siko nung katabi niya.
"Hala anong nangyari sayo iha. Nabali na yang siko mo."
Napatingin na rin yung iba sa baling siko ni MayMay.
"Dalhin natin siya sa ospital." Sabi nung isa pang pasahero.
Sumilip na rin yung driver.
"Pasensya ka na ineng. Naku di ko sinasadya."
"Kasalanan mo to Manong eh. Di ka kasi nag iingat magmaneho. Dumiretso na tayo sa ospital."
"Wait lang po ma-"
Di na nakapagsalita si MayMay dahil humarurot na ang jeep.
"Nagkakamali po kayo m-"
Tinakpan ni ate yung bibig ni MayMay.
"Wag kang mag alala. Kami na bahala sayo. Ang importante madala ka namin sa ospital agad."
Tinanggal ni MayMay yung kamay ni ate sa bibig niya.
"Eh kasi p-"
Tinakpan ulit ni ate.
"Konting tiis iha. Malapit na tayo sa ospital. Mabuting wag ka ng magsalita. I save mo yang lakas mo."
Sabi ni ate habang awang awang na nakatitig kay MayMay.
Wala ng nagawa si MayMay. Di niya rin ma explain bakit naglock yung siko niya. Di niya maituwid. Tapos itong si ate pa ni lock jaw na rin siya. Ayaw siyang patapusin sa sasabihin niya. Kung sinuswerte ka nga naman.
Nakarating din sila sa ospital at pinaconfine si MayMay ni ateng pasahero at ni kuyang driver sa general ward. Wala pang doctor na titingin kay MayMay kasi madaming pasyente. Ang ingay nung pasyente at bisita sa kabilang bed.
"Bes ang gwapo nung pasyente dun sa isang bed."
"Talaga? San siya nakahiga?"
"Sa likod lang nito."Gwapo? Ako? Di naman ako lalaki ah. Maganda ako noh. Sa haba ng buhok ko napagkamalan pa akong lalaki? Dapat yata sa mental hospital sila dinala. Mga buang!
Makapagpahinga na nga lang.Humiga si MayMay sa bed niya na nakaharap sa kanan.
Kung gaano kaingay tong pasyente sa left side ko, ganun naman katahimik yung pasyente sa right side ko.
Baka naman? Siya yung sinasabi nilang gwapo. Masilip nga.Dahan dahang bumaba si MayMay sa bed niya, naglakad palapit sa kurtinang naghahati sa dalawang espasyo. Dahan dahang ding hinawi ng konti yung kurtina para masilip yung nasa kabilang bed.
Bushakkk! Di ko makita yung mukha. May bumabakod na libro. Uso pa pala ang pagbabasa ng libro ngayon. Di ko tuloy makita kong lalaki ba o babae. Kung lalaki man, gwapo kaya?
Gwapong Bookworm or Bookbuking Nawong?
Biglang gumalaw yung mga babae sa kabilang bed. Binalik ni MayMay yung pagkahawi ng kurtina. Saka naman binaba nung pasyente yung libro kaya di nakita ni MayMay si Bookworm at di rin siya nakita ni Bookworm.
"Silipin natin yung gwapo. Dali."
Hila nung babae dun sa kaibigan niya.
"Wait lang. Ayusin ko lang damit ko."
Napadapa bigla si MayMay sa sahig para magtago kasi madadaanan siya nung dalawang babae pag si Bookworm nga yung gwapo na pupuntahan nila.
Narinig niyang parang nagpagpag ng kumot si Bookworm at umayos ng higa.
"Tara bes." Naghagikgikan pa yung dalawang babae bago naglakad papunta nga dun kay Bookworm.Bushakkk... Gwapong Bookworm...
Pagdaan nung dalawang babae nagtago ng mabuti si MayMay sa ilalim ng bed para di siya makita.
"Ay tulog ata bes."
"Oo nga. Sayang di mo nakita si Oppa. Ikiss mo kaya para magising."Mga itchuserang palaka!
"Di ba dapat ako yung ikiss kasi ako yung sleeping beauty."
"O sige sleeping beauty bumalik ka na sa pagtulog mo."
Pinagtulakan niya na yung pasyente pabalik sa bed nito.
"Ito naman si bes. Imbiyerna agad."
"Gwapo kasi talaga nung lalaki. Choosy ka pa."
"Mala Enrique Gil ba kagwapuhan niyan?"
"Parang si Enrique Gil nga yata yun eh."
BINABASA MO ANG
MayWard: In Another Lifetime
FanfictionPaano kung hindi nag audition si Mary Dale Entrata sa Pinoy Big Brother? Nagkita kaya sila ni Edward Barber? Meron kayang MayWard in another lifetime?