10. May Gulay!

46 7 0
                                    

"I have plans tomorrow. Is it okay to take a day off from tutorial?" Tanong ni Aren.

Yes! Right timing sya sa paghingi ng day off.

"No problem. May lakad din kasi ako bukas."

"Where?"
"Bat mo tinatanong? May lakad ka rin di ba?"
"Nothing. I just want to know?" Parang not sure pa sya sa mga tanong nya.
"May date ako noh."
"Date? So you have a boyfriend?"

Boyfriend? Wala noh.

"Yes. I have."

Kahit wala sinabi kong meron para wala na syang madami pang tanong. Pulis ba sya?

"Ikaw ba. May girlfriend ka na?"

Saan nanggaling yun? Bibig mo MayMay.

Natahimik sya.

"I have...
a girlfriend. We have a date... tomorrow."
"Saan naman kayo magdi-date?"
"Why you want to know?"
"Wala lang."

Bakit ko nga ba tinatanong? Di ba may boyfriend nga din ako. Di nga lang totoo.

"Okay bye."
"Bye." Dinisconnect nya na yung linya. Atat lang sa date nya bukas. Di man lang nakipagkwentuhan.

Bakit ganun? Medyo nalungkot ako. Hoy MayMay! Ano yan? Wag mong sabihing? Erase erase erase...

So tama pala ang hinala ni Ate Laura. May girlfriend na nga tong si Aren. Kaloka! Napagkamalan pa ako yung girlfriend. Maisumbong nga sa Ate nya.

Kung i-stalk kaya namin ni Ate Laura si Aren. Pero di pala pwede. May date pala ako. Oo may date ako. Totoo yun kahit di totoong may boyfriend ako. Friendly date lang naman.

Nagring yung cellphone ko.
"Hello Marco."
"Ate May, tuloy tayo bukas ha."
Medyo magaling ng magtagalog si Marco. Lagi kasi kaming naghahang out kung saan saan lang pag may time tulad bukas. Naipakilala ko na nga sya sa buong chorale team. Akala nila boyfriend ko. Ayaw kasi maniwala nung sinabi kong kapatid ko. Ang layo daw ng mukha namin. Oo na. Ako na ang ampon na napulot sa tae ng kalabaw.

Oo nga pala. Pasok kami sa first and second round ng song competition. Medyo magulo ang schedule ko ngayon. Napapabayaan ko na yung practice namin sa pagkanta. Pero di naman nila ako masisi kasi kailangan ko rin kumita ng pera pangsuporta sa sarili ko. Mukha ngang di na ako makakabalik sa pag aaral. Ang lungkot pero ganun talaga.

Kinabukasan, di ako makapili ng susuotin. Ano ba yan? Iilan na nga lang ang damit ko nahihirapan pa akong mamili. Buti pa tong bra ko. Iisa lang. Walang hassle. Hehehe

Nagring ang cellphone ko.
"Hello." sinagot ko na agad kahit di tinitingnan kung sino tumatawag.
"MayMay, I can go with you later."

Si Ate Laura pala. Akala ko si Marco.
"Yehey! Pinayagan ka rin."
"Dad said as long as I'm meeting a girlfriend not a boyfriend."
Nagkatawanan kami. Si Ate Laura kasi magkikita din kami mamaya. Dun ko na lang sya ipapakilala kay Marco para mamaya pa lang magiging boy na friend si Marco ni Ate Laura. Edi lusot kami sa daddy nya.

Sa Starbucks kami magkikita kita. First time ko kasing makaka-try nun. Excited na ako.

"1 mocha frapuccino. And you?" Nilingon nya ako. Obviously, tinatanong nya ako kung ano gusto ko.
"Ano ba masarap dito?"
"Mam yung strawberries and creme frapuccino masarap po." Sabi nung cashier/barista.
"Gusto ko chocolate."
"Mocha is a combination of chocolate and coffee. So better order the mocha frappe."
"Sige yun na lang."
"2 mocha frappuccinos. Would you like some cakes too?" nag-cross selling pa si Ate.
"Chocolate cake." naglawas ako bigla dun sa chocolate cake na nakita ko.
"Mocha frappe and then, chocolate cake?"
"Eh gusto ko ng chocolate." angal ko.
"You sing right? Too much chocolate and caffeine can dehydrate your throat making it hard for you to produce the right sounds."

MayWard: In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon