"Ate Laura!" Sigaw ko.
Tumingin naman si Ate Laura sa direksyon ko at ngumiti nung nakita ako at kumaway."MayMay!"
Tumakbo kami palapit sa isat isa na tulad sa mga napapanood nyo sa movies at nagyakapan na akala mo magkasintahan na matagal ng di nagkita. Binuhat ko rin siya saglit at binaba tulad ng mga ginagawa ko sa mga friends ko. Nagulat sya at napalo ako ng pabiro."You're crazy talaga."
"I know.
Tara na. Date na tayo." Tumunog yung tiyan ko. Nagkatinginan kami at natawa.
"Gutom na ako."Hinila ko sya sa Mcdo.
Tatlong beses pa lang kami nagkita ni Laura. Yung una nung in-invade nya yung laptop ni Aren. Pangalawa nung in-invade nya ulit yung laptop ni Aren. At yung pangatlo yung ngayon. Wag na kayong magtaka bakit close agad kami. Di ko rin maintindihan. Basta parang magkapatid kami nung past life namin. Nag-click agad ang mga kabaliwan namin."Kumusta si Aren?" natanong ko lang out of the blue pero tiningnan ako ni Ate Laura na parang nanunukso.
"He's okay."
Nakangiti sya habang nakasip sa straw ng softdrinks nya."Do you like my brother?"
Nabulunan ako sa burger na kinakain ko kaya nag uubo ako. Tinulungan naman ako ni Ate Laura. Hinimas himas nya yung likod ko at pinainom ako ng softdrinks.
"I guess that means no."
"Do you mean like like skrengge."
"What skrengge?"
"Skrengge. Love."
"Yes. Like skrengge."
"Of course no. I don't like him like skrengge." Angal ko.
"He's like my younger brother too."Ano ba kasi naisip ni Ate Laura at ang ganda ng bungad nya na tanong habang kumakain kami.
"I thought you start catching feelings for each other coz you talk like everyday.""Natural. Tutor nya ako. Studyante ko sya. Araw araw talaga kami mag uusap."
Ayaw ko sa mas bata sakin. 3 years ang gap namin ni Aren noh. Tsaka matagal ng not available ang puso ko. Taken na to.Ni Querien ko.
"I think you should remove the masks and continue the tutorial with your real faces."
"Bahala uy. I will not. If he remove his mask and show his face, maybe I will follow. Sya naman nag umpisa nyan."
"Actually, he will show his real face.
I invited him to join us.""What???
Hala bakit?!""Why not?"
"Does he know ba na he will meet me here?"
"No."
"Tah... nabuang na.
Alis na ako Ate Laura. May gagawin pa ako.""Why you're so afraid to meet my brother. He doesn't bite."
"I'm pangit. You are beautiful. I know he is handsome. You got good genes."
"Stop saying you're pangit. You're beautiful MayMay." napalo na naman ako ulit ni Ate Laura sa kamay. This time di na pabiro, pangsasaway na. Wala na talaga yata akong magagawa kundi i-meet and greet si Aren.
Paktay na talaga.
Nag antay kami ng almost 3 hours pero ni anino ni Aren di namin nakita. Ang lakas ko talaga kay Lord. Dininig yung panalangin ko. Si Ate Laura inis na kakatext sa kapatid nyang di na nagrereply.
"I don't know what happened to him. He doesn't respond to all my text messages. Sorry MayMay."
all? So malamang alam nyang may hidden agenda tong Ate nya.
"Its okay Te. Next time na lang."
"Yes. Best of luck next time."
Ang mga sumunod na nangyari ay medyo alam nyo na.
Nalulula man ako sa heights, pilit ko pa ring sinisilip yung gilid ng tulay. Bubuwelo na ako. Naduduling tuwing mapapasulyap sa tubig sa ilalim ng tulay.
"Don't do it!" may sumigaw pero di ko alam na ako na pala ang sinisigawan.
Bigla na lang may nagback hug sakin.
"Bushaakkkk!!!?" umangat ako sa lupa. Binuhat na pala ako.
Dahil di ko kilala sino bumuhat sakin ay nagpumiglas ako pero imbes na makawala ay natisod yung nakayakap sakin at yun na nga.
Natumba kami.Nadaganan ko yung tao at thank you, napakawalan ako.
"Kinsa man ka buanga ka?" biglang tayo ko at hinarap yung lalaki.
"What?" Sabi nung lalaki na napatingin sa mukha ko.
"Ohmaygashhh... ang gwapong foreigner... kamukha ni Enrique..." pabulong na sabi ko habang nakatitig sa mukha ng lalaki.
"What?"
"Ay sorry. Kamukha mo kasi ang Querien ko." Paliwanag ko pero di ko naman alam kung naintindihan ba ako.
Tumayo na rin yung lalaki.
"I'm Edward."
Pati pangalan, gwapo pakinggan.
Biglang abot ng kamay nito para makipag shake hands sakin.
Napatitig ako sa kamay nya ng bigla akong may naalala."Yung pusa!" Nagmadali akong bumalik sa gilid ng tulay.
Si Edward naikamot nalang ang kamay sa ulo pero biglang napasunod sakin ng makitang parang tatalon ako sa tulay.
Bago nya ulit ako yakapin at buhatin ay hinarap ko na sya.
"Ooppss... Diyan ka lang. I'm not suicide you know. That cat is suicide. I'm just rescue the cat." pigil ko kay Edward. Nakaturo ako dun sa pusang kanina pa nakalambitin sa gilid ng tulay.
Sinilip ni Edward yung pusa.
"Meow..." Sambit nung pusa.
"I'm sorry. I thought you'll jump off this bridge."
"Nosebleed."
"Ano?"
"Hala marunong ka naman palang magtagalog."
"Few words lang." napangiti sya.
Ewan ko ha. Pero parang naengkanto ako sa kanya. Napatitig ako sa pantay pantay at mapuputing ngipin nya."Paktay na..." Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
Gising MayMay! Wag kang papadala sa charm nya.
"You okay?"
Natauhan naman ako. May magic ba tong Edward na to? Kaya nya kasi akong mapatulala sa kanya at the same time gisingin ang diwa ko.
"Meow..." Sambit ulit ng pusa.
Kulang na lang sabihin ng pusa.
Ano ba kayo? Wag kayong maglandian diyan. Sagipin niyo muna ako.
BINABASA MO ANG
MayWard: In Another Lifetime
FanfictionPaano kung hindi nag audition si Mary Dale Entrata sa Pinoy Big Brother? Nagkita kaya sila ni Edward Barber? Meron kayang MayWard in another lifetime?