13. Tayo

50 5 0
                                    

"Edward, sinong gusto mo i-pick?"

Pasimpleng nagbabasa ng text messages si Edward sa phone nya.

"Heaven or Kisses?"

"MayMay!"

"MayMay? Who's MayMay Edward?"

"Oh sorry. I'm reading an important message."

"I'd like to be partnered to..." tumingin sya sa mga girls. Nagtataka bakit andun din si Heaven at Kisses. "Mary."

"Sure ka na dyan."

Tumango naman si Edward.

"Okay... sige..."

"Homie, whats wrong with you. Parang wala ka sa sarili mo." tanong ni Marco.

"MayMay go to HongKong without me. That chicken manok. I will lechon her."

"What will she do in HongKong?"

"Modelling. Catwalk. Aawra." kulang na lang itapon ni Edward yung phone nya sa inis.

"When the pig is out, can the chicken play." pang aasar ni Marco. Naririnig nya kasi ang kulitang baboy at manok.

"I will put a leash on her."

"MayMay!" sigaw nya ulit.

At the same day same time in HongKong...

"MayMay!"

"Edward?" nagising ako sa sigaw ni Edward. Tumingin tingin sa paligid dahil baka nga nasa paligid lang yung baboy na yun. Kinukunsensya yata ako kasi di sya nakasama. Bahala sya uy. Its not my fault you know.

Biglang nagring yung phone ko at yun na nga, tumatawag sya sa skype. Speaking of the baboy...

"Hiiiii....." biglang bulaga ni Laura. Si Edward nawala sa screen.

"Ano ba Ate." inagaw ni Edward yung phone nya kay Laura.

"I miss you." nakikigulo pa rin si Laura. "We miss you."

"Uy sino yan?" di ko napansin nasa loob na pala ng dressing room si Ate Elisse.

"Boyfriend mo MayMay?" nakabuntot si Kuya McCoy.

"Hala hindi uy." mabilis pa sa alas quatro ang sagot ko.

"Hi. Sino sila?" tanong ni Ate Elisse. Natahimik naman si Edward at Ate Laura. Bigla yatang nahiya.

"Si Edward at Ate Laura. Si Ate McLisse at Kuya McCoy also known as McClisse. Pinakasikat na loveteam sa Pilipinas."

"Hala grabe sya oh. Hindi naman." tinulak ako ni Ate Elisse natatawa sa pag introduce ko sa kanila.

Natapos ang usapan namin sa skype ng di na nagsalita si Edward. Bakit kaya? Weirdo.

Kinabukasan, nagkaayaan na pumunta ng Disneyland kami nila Kuya Nikko at McClisse. Syempre gustong gusto ko naman. Kinalabasan, tumakas kaming apat. Wag kayong maingay kay Mam Darla. Ssshhhhhh...

Ang saya saya sa Disneyland. Happiest place on earth nga talaga. Parang panaginip lang na nagkatotoo. Lahat yata ng rides tinry ko. Libre kasi nilang tatlo. Tuwang tuwa daw sila sakin. Para daw akong clown. Malaki din pala ang naitutulong ng pagmumukha kong ito.

Nakita ko lahat ng Disney Princesses at ibat ibang sikat na cartoon characters. Nung dumaan yung parade ng Star Wars, basta lumabas na lang sa bibig ko pangalan nya.

"Si Edward." minsan talaga may sariling buhay tong dila ko.

"Aw... si Edward naalala mo." ayan na naman si Ate Elisse. Sabi ngang di ko boyfriend yun.

MayWard: In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon