6. Pig Charming

59 7 0
                                    

"Tagalog English."
"English Tagalog." Panay ang pagtuktok ni MayMay ng pentelpen sa white board.
Hindi pinapayagang magsalita si Edward.

"Gusto kita..."

Saglit na natigilan si MayMay. Tapos dire diretso na naman sa pagtuturo.

"Nothing..."
"I love you..."

"Supaon taka ron." Bulong ni MayMay na kunwari di affected sa narinig niya. Patuloy pa rin sa pagtuturo.

Buang na ning foreigner...

"Affectionate."

Affectionate ka diyan! Tumigil ka nga! Nakakarami ka na...

"Pokus..." Nilakasan ni MayMay ang boses niya.
"Oo na... Pokus..." Ginaya ni Edward ang pagkakasabi ni MayMay ng pokus.

Naiinis na natatawa si MayMay. Siguro kung nasa harapan niya lang si Edward nasabunutan niya na ito. Mabuti na lang nakamaskara siya kaya hindi nakikita ni Edward ang facial expression niya. Nakamaskara din si Edward kaya di niya rin alam kung nagbibiro o seryoso ito. Di niya rin maintindihan bakit ganun ang nararamdaman niya.

Kaw yata tong buang MayMay... dapat naiinis ka lang... wag kang papadala sa charm ni Aren!

"Pig? Charm?" Tanong ni Edward.
"Ano?" Nilingon ni MayMay ang lalaking nagsalita sa screen ng laptop niya.
"I know pig is baboy. Do you mean pigs are charming?"
Kumunot ang noo ni MayMay. Di pa rin magets ano ang ibig sabihin ni Edward.

Oh my baboy! Wag mong sabihin na sinasabi ko ang iniisip ko?

Ngumuso si Edward sa likuran ni MayMay. Napatingin naman si MayMay sa white board.

"Bushakkk..." Biglang binura ni MayMay ang word na charm.
Sinusulat niya na pala ang naiisip niya.

PIG - CHARM

PIG -

"Who's Pig Charming?" Pang aasar ni Edward.

"Edi ikaw..." Napatakip bigla ng bibig si MayMay.

Sabaan man ka May... paghilom...

"What?" Tanong ni Edward.
"Wala... I said you're right and left. Pig is baboy."

Buti na lang may pagkabingi tong si Aren...

Tapos sinulat sa white board ang...

PIG - BABOY

CHICKEN - MANOK

"Combine the two?" Tanong ni MayMay para ma distract si Edward.
"Chickboy!" Tuwang tuwang sagot ni Edward.
"You have good memory. Berry good baboy. Este baby boy." Puri ni MayMay.
Sabi ni Edward 16 lang siya kaya baby boy minsan ang naitatawag niya dito. Nakakapagtaka lang kasi kahit sinabi niyang 19 na siya ay Ikay lang ang tawag sa kanya ni Edward. Di man lang mag Ate. Iniisip na lang ni MayMay na baka sa kultura din ni Edward kaya ganun ang turing sa kanya. Para bang magkalevel lang sila pero may mga pagkakataon na dominante si Edward. Dun niya natatawag na Sir Aren ito.
"I know you know we know easy filipino words. You can ask me hard words." Nagkandabuhol buhol na ang dila ni MayMay.
"Okay. Lets talk about love."
"Buang. Nakakainis ka naman eh."
Natawa naman si Edward.
"Char lang Ikay. Sige serious na." Pinilit ni Edward na maging seryoso pero di niya talaga mapigilan ang sarili na matuwa kay MayMay.

She is my happy pill...

"I know love is Pag-ibig, right?"
"Yes."
"How about crazy?"
"Buang... Ay wrong... Baliw pala..."
Sinulat ni MayMay sa white board.
"Okay next."
"Stare."
"Ano bang stare? Nosebleed naman." Nag isip si MayMay kung ano nga ba ang stare.
"You know like this." Tinitigan ni Edward si MayMay.
Akala niya siguro di naintindihan ni MayMay ang stare. Naintindihan naman ni MayMay ang meaning ng stare. Di niya lang makuha ang filipino word para dito.

Nosebleed talaga...

"Wag mo akong titigan." Tinakpan ni MayMay ng kamay niya yung screen ng laptop.
"Thats it! Titigan... titig!" Sinulat ni MayMay sa white board.
"Okay use these words in a sentence."
Napaisip si Edward.
"Nosebleed naman." Ginaya siya ni Edward.
"Wala kang originality noh. Gaya gaya ka." Nagkibit balikat si MayMay.
"Walang originality. Gaya gaya ka." Nagkibit balikat din si Edward na slang pa ang pagkakasabi sa mga salita.
Nag peace sign si Edward. Baka kasi layasan na siya ng tutor niya.
"Lemme think first."
"1... 2... 3..." Si MayMay naman ang nang aasar ngayon.
"Wait!" Angal ni Edward.
"4... 5... 6... 10..."
"Give me 2 minutes."
"1 minute... 2 min-"
"Ako ay..." Nag interrupt na si Edward sa sasabihin pa ni MayMay. Tumigil naman si MayMay sa pang aasar niya.

"...baliw sa pag-ibig sayo..."

Natigilan si MayMay at Edward.

Long silence...

That awkward moment.

"I'll pee...
"Ihi ako...

Sabay pa silang nagsalita pero sa magkaibang language.

Sabay din umalis sa harapan ng kanya kanyang laptop.

"Nasa kabila pala yung banyo..." Nagkamali pa si MayMay ng pintuan na pinasukan. Palabas pala ng kwarto ang nabuksan niyang pinto.

Nung nasa CR na si Edward.

It felt weird saying I'm crazy inlove with Enrique Gil. Hope she change her mask to Liza Soberano. My celebrity crush.

Nung nasa CR si MayMay.

Chewbacca said he loves me. Baliw na nga talaga siya sa pag-ibig.

Nung nakabalik na sila, tina try nilang maging seryoso.
"Okay... lets continue..." Itinuro ni MayMay yung word na titig.
"Use titig in a sentence." Umiiwas siya ng tingin kay Edward. Di niya pansin umiiwas din ng tingin si Edward sa kanya.
"Ako ay titig...

Oh no... not again...

ng pag-ibig sayo..."

Nagkatitigan sila.
Si Chewbacca at Enrique Gil.
Seryoso pa rin.
Walang umiimik.
Pero this time di na awkward.
Di na nila napigilan.

HA HA HA HA

Nagkatawanan na sila. Nautot pa si MayMay na mas lalong ikinatawa pa nila. Hawak hawak ang kanya kanyang tiyan sa sobrang tawa.
"Perfume..."
"Buang..." Kahit masakit na tiyan ni MayMay at Edward sa kakatawa ay patuloy pa rin sa paghalakhak yung dalawa na parang wala ng bukas.
"I am lost for words."



MayWard: In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon