Nagiging busy na si Edward. Medyo nagbunga na rin ang pagsisikap nya. Napili syang cast sa isang teleserye kasama yung kakambal ko sa pangalan. Si Mary.
Merong ginawang special workshop para lang sa kanila. Mas lalo yatang gumaling umarte tong si Edward. Napapadalas na ang pangpra-prank sakin. Ako naman tong si patola. Laging nahuhulog sa bitag nya. Tuwang tuwa si baboy. Para bang di kumpleto ang araw nya pag di ako kinukulit.
Isa pa. May complain ako sa barangay. Di ba pagtumatagal ka sa trabaho at ginagalingan mo napro-promote ka pero bakit ako parang na-demote yata. Ako bilang tutor/bodyguard ay naging P.A. nya. Personal Assistant a.k.a. Personal Julalay.
"Asan na ba si Mary?" tanong ni Direk Rory.
"Hay naku... yang batang yan. Lagi na lang late."
"Patay na. Galit na yata si Direk Tak." bulong nung isang staff.
Kakambal ko si Mary sa pangalan pero hindi naman sa pagiging late. Early bird kaya ako. I catch early worms.
Sabi ni Edward, consistent daw si Mary kahit sa special workshop nila. Laging late. Pero nalampasan nya yung expectation sa kanya ngayon. Di lang sya late. Absent pa.
Kaya nasayang yung pamasahe namin. Nag-taping sila na di sinama yung part ni Edward at Mary.
The next day...
"For the second time..." napakamot na lang sa ulo si Edward. Wala na naman kasi yung partner nya. Absent na naman si Bloody Mary.
"For the second time..." ginaya ko yung pagkakamot nya. "pag absent pa sya bukas, for the third time na..."
At nagdilang anghel nga ako. Kinabukasan, yung singkit na mata ni Direk Rory ay lalo pang naningkit.
Inilapit ni Edward yung labi nya sa tenga ko. Akala ko naman kakagatin nya tenga ko. Kaya nasabunutan ko sya bigla. Alam mo naman tong baboy na to. Minsan iba rin ang trip kaya on guard ako lagi.
"For the third time..." yun lang pala. Natawa naman ako.
"Grabe lagi si Mary. For the third time."
"MayMay."
Ako ba tinawag? Nakatingin sya sakin eh.
"Yes po?" di ako sure. Baka guni guni ko lang pero sumagot na rin ako.
"Pwede ka bang mag proxy kay Mary ngayon?" tanong ni Direk Tak. Tumingin ako sa paligid ko. Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Ako po?"
"Oo. Baliw to. Tara mag proxy ka muna." tapos ayun hinila na ako ni Direk Tak. Di na ako nakaangal. Ayoko rin naman umangal.
Eto na ba ang umpisa ng pangarap kong maging artista. Small baby steps papuntang love triangle ng LizQuen.
"Camera... lights... action..." pag uumpisa ni Direk Rory.
Sa sobrang kaba ko, para akong kiti kiti na ewan. Ikaw ba naman biglang cast agad ng teleserye. Walang workshop workshop.
"Cut!" sigaw ni Direk Rory. Di pa nga natatapos magsalita yung isang cast. "Ikaw!"
"Me po?" tanong ni Edward.
"Hindi ikaw. Yung katabi mo."
Waaaaahhhhhhh... ako yun... paktay na...
"Bakit po?" sumagot na ako.
"Ang kiti kiti mo. Focus."
"Sorry po Direk."
"Okay." naglakad na sya pabalik dun sa pwesto nya. "Take two tayo."
BINABASA MO ANG
MayWard: In Another Lifetime
FanfictionPaano kung hindi nag audition si Mary Dale Entrata sa Pinoy Big Brother? Nagkita kaya sila ni Edward Barber? Meron kayang MayWard in another lifetime?