4. MayCo

61 8 0
                                    

"Hi I'm Heaven." Sabay abot ng kanang kamay kay Marco.
Nakipagshake hands naman si Marco.
"Kisses." Pagpapakilala ng kasama ni Heaven.
"Marco." Pagpapakilala niya. Tapos biglang siko kay Edward na kausap si Aizan.
Inabot ni Edward ang kanang kamay niya kay Heaven at Kisses.
"Edward."
"Aizan." Nakipagshake hands din kay Aizan si Heaven at Kisses.
"Heaven."
"Kisses."
"Kasama rin kayo sa workshop?" Tanong ni Aizan.
"Ay hindi. Tapos na kami sa workshop. May dinaanan lang kami dito." Pagpapaliwanag ni Heaven.
"You're from Italy right Marco?" Tanong ni Kisses.
"Yes." Sagot ni Marco.
"And Edward, you?" Tanong ni Heaven.
"Me?" Tanong ni Edward.
Tumango naman si Heaven. Mukhang nasa ibang mundo si Edward. Panay ang text sa mobile niya.
"Oh sorry. Germany. I'm from Germany." Biglang nag ring ang mobile ni Edward.
"Sorry I have to take this call." Pagpapaumanhin niya at iniwan na muna yung apat.
"Everyone, pumasok na sa room. Magstart na tayo." Tawag ni Miss Peachy.
"Bye mom. We will start now." Paalam ni Edward sa Mommy Cathy niya.
"Goodluck sa inyo." Pahabol ni Heaven.
"Thanks." Sagot ni Marco.
Nagstart na nga ang workshop level 1. Si Edward at Marco medyo nahihirapan sa Tagalog. Di nila maintindihan ang ibang tinuturo. Pinapatranslate pa nila ang mga sinasabi pag puro tagalog na.
"The struggle is real." Bulong ni Edward kay Marco.
"We will get the hang of it." Mas nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog si Marco kesa kay Edward kaya medyo confident si Marco.
"We need to speak tagalog for us to get better roles." Masaya si Edward sa acting workshop. Iba ang calling sa kanya ng ginagawa nila.
"She's pretty." Sagot ni Marco na wala namang connect sa sinabi ni Edward.
"Heaven?" Tanong ni Edward.
"No." Sagot ni Marco na may tinitigan sa isang sulok ng room.
"Kisses?" Tanong ulit ni Edward.
"No." Nangiti na lang si Marco.
"Rita?" Si Rita yung isa pang kasama nila sa workshop. Nakatingin si Marco sa pwesto ni Rita.
Nakaramdam yata si Rita kaya napatingin din siya kay Marco.
Kunwaring tumingin si Marco kay Edward.
"That girl she's talking to." Sagot ni Marco.
Nangiti si Edward. Alam niya na kung sino tinutukoy ng kaibigan niya.

Pagkatapos ng workshop nababahala pa rin si Edward sa kakayanan niyang magsalita ng tagalog. Determined siyang maging fluent sa pagsasalita ng tagalog para mag excel siya sa acting workshop. Pag nakitaan sila ng potentials pwede silang maging extra sa mga palabas sa ABS at baka dun na siya madiscover. Sabay umuwi si Edward at Marco dahil magkatabi lang pala yung condo na tinitirahan nila sa Makati.
"Ay tipaklong." Biglang hinto ng taxi driver.
"Kuya ano problem?" Tanong ni Marco na may italian accent pa ang pagkakasabi.
Si manong na taxi driver di na sinagot ang tanong ni Marco. Biglang baba ng sasakyan. Parang may nasagasaan nga yatang tipaklong. Sumunod na rin si Marco.
"Okay ka lang ba ineng?" Tanong ni manong sa babaeng nakahawak ng mahigpit sa paa niya.
"Pasensya na po kayo sir. Pinupulikat lang po. Saglit lang po. Bakit kasi sa gitna ng kalsada pa ako pinulikat." Sagot ni MayMay.
"Ate I will help you." Nakababa na rin pala si Marco.
"Tah nabuang na." Nagulat si MayMay sa biglang pagbuhat sa kanya ni Marco. Ibinaba siya dun sa gilid ng kalsada para hindi nakaharang sa daan.
"Kuya can you wait for 5 minutes?" Sabi ni Marco kay manong.
"Okay lang." Sagot ni manong.
Hinilot ni Marco ang paa ni MayMay.
"Aray. Masakit." Biglang pinalo ni MayMay ang kamay ni Marco.
"Ate calm down." Saway ni Marco.
Nakinig naman si MayMay. Tiniis niya yung sakit para mawala yung pulikat sa paa niya sa paghilot ni Marco.
Papikit pikit pa si MayMay habang hinihilot ni Marco ang paa niya.
Tapos biglang ngiti.
"Okay na." Sabi ni MayMay.
"Sure?" Tanong ni Marco.
"Okay na nga." Singhal ni MayMay.
Nabitawan tuloy bigla ni Marco ang paa ni MayMay.
"Aray..." Nagulat si MayMay sa pagbagsak ng paa niya.
Natawa na lang si Marco sa reaksyon ni MayMay.
"Salamat baby boy." Nakangiting sabi ni MayMay. Okay na nga talaga siya.
"You're welcome." Sagot ni Marco.
Tinulungan niyang makatayo si MayMay. Sinuot ng maayos yung backpack niya.
"Pasensya na po manong ha. Pasensya na sa inyo. Naku malilate na ako. Alis na ako." Pagpapaumahin ni MayMay. Tinry maglakad ni MayMay kaya lang umiingka ingka siyang maglakad.
Biglang inunahan siya sa paglalakad ni Marco at umupo sa unahan niya.
"I will carry you Ate."
"Buang na."
"What?"
"Nothing." Sagot ni MayMay at nagpiggyback sa likod ni Marco. Di rin maintindihan ni MayMay pero ang gaan ng loob niya kay Marco. Napasunod din siya agad.
Habang buhat buhat si MayMay nilingon ni Marco si manong.
"Kuya I will be back after 10 minutes."
"Okay lang."
"Watch over my brother while I'm gone."
Nag thumbs up naman si manong at bumalik sa loob ng taxi.

Brother?

Napatingin si MayMay sa likod ng taxi pero buhok lang nung brother ni Marco ang nakikita niya. Tulog mantika yung lalaki.
"Marco."
"Huh?"
"Marco is my name Ate. You?"
"Just call me Ate May, okay."
Nangingiti si MayMay. Ang pogi kasi ng nagpiggyback sa kanya.

Kung ganito ka gwapo ang magpiggyback sakin, sana araw araw na lang ako pinupulikat sa gitna ng kalsada. Ang kereee....

Siguro gwapo din nung brother nito? Sana sa susunod siya naman maging knight in shining armor ko. Kaya lang tulog mantika. Daming ganap di pa rin nagising?

"Ate where are we suppose to go?"
Tanong ni Marco.
Si MayMay lumilipad pala ang utak. Nasa ibang planeta na pala.
"Hala sorry. Mali na way natin. Dun tayo sa kabila." Turo ni MayMay sa kabilang daanan.
"Ate May you have no sense of direction."
"Sorry naman Marco uy."
Natawa na lang si Marco.
Habang naglalakad naikwento na yata ni MayMay ang buong buhay niya. Kung bakit nasa Manila siya. Na baka matigil siya sa pag aaral. Na sa Manila siya dinala ng tadhana para sa song competition. Na naghahanap siya ng part-time job para may income siya kahit papaano.

Sa wakas, nakarating din sila sa building kung saan nagpapractice ang chorale team.
"I guess 10 minutes was not enough." Biro ni Marco kasi ang layo ng nilakad niya na buhat buhat si MayMay.
"Sorry Marco for the inconvenience. Thank you very much for the convenience." Pagpapasalamat niya sa tulong nito.
Nagkatawanan si MayMay at Marco.
"Its okay Ate May. You're light as a feather."
"Feather duster? Dahil kasing payat ko ang feather duster?" Pagbibiro ni MayMay.
Natawa ulit si Marco.
Si MayMay naman may kinuha sa loob ng backpack niya.
"Here take this Marco as a thanksgiving." May inabot si MayMay na lunchbox kay Marco.
"What about you?" Nag alala si Marco na baka walang pagkain si MayMay.
May kinuha ulit si MayMay sa loob ng bag niya.
"Meron ako noh." Nakangiting pinakita ni MayMay yung isa pang lunchbox.
Natuwa naman si Marco. Sa payat kasi ni MayMay kailangan nitong kumain ng madami para tumaba taba naman kahit konti.
"Whats inside this?" Nakatingin si Marco sa lunchbox na iniisip kung ano ang nasa loob.
"Naku surprise na lang. Special yan. Kainin niyo ng brother mo pagkauwi niyo."
"Alright. Thank you Ate May. I will go na."
Nagulat naman si MayMay sa biglang pagyakap sa kanya ni Marco.
"Sige. Thank you ulit ha. Bye."
"Bye Te May."
Paalis na si Marco ng biglang may naalala. Buti na lang di pa nakapasok ng building si MayMay.
"Te May, give me your number." Biglang bumalik si Marco.
"Bakit?" Nagtaka naman si MayMay. Kahit gwapo si Marco brotherly love ang nafefeel niya para dito. Walang malisya.
"You're looking for a part-time job. I will help you."
Nakampante naman si MayMay at binigay niya na ang mobile number niya. Napakabait naman ni Marco. Kakikilala lang nila ay tinutulungan na siya nito. Nahihiya man ay kailangan niya talaga ng tulong.
"Thank you talaga Marco ha."
"Its okay Te May."
"Bat ang bait bait mo sakin eh kakikilala lang naman natin?" Naiiyak na tanong si MayMay.
Ngumiti si Marco.
"Its like you're the Ate that I never had." Niyakap ulit siya ni Marco.
"Sige alis na po ako." Umalis na si Marco. Natatouch din kasi siya. Baka maiyak pa siya.
Kumaway si Marco nung malayo na siya. Kinawayan din siya ni MayMay.

SA CONDO...

"Nasobrahan siya sa asim at wala siyang lasa." Komento ni Christian sa sinigang na dala ni Marco.
"Where did you get this Marco?" Tanong ni Aizan.
"From Kisses?" Tanong ni Christian. Kasama nila si Christian sa workshop at nakita niya rin pala si Kisses. Nahiya siyang makipagkilala kaya di siya lumapit nung magpakilala ito.
"No. The girl I helped. She gave it to me. She said for thanksgiving." Natawa si Marco ng maalala kung paano sabihin ni MayMay ang thanksgiving.
"Lets put sugar." Kumuha na pala ng isang kutsarang sugar si Christian at lalagyan na yung sinigang.
"Wait. Let me taste it first." Pinigilan ni Edward si Christian at binalik ang isang kutsarang sugar sa lalagyan nito.
Tinikman niya yung sinigang. Natigilan saglit.
Ninanamnam ang lasa ng sinigang.
Yung tatlo naman naghihintay sa sasabihin ni Edward.
"Its good." Sabi ni Edward na kumuha na ng rice at nilagay sa plato niya.
Nagkatinginan naman si Marco, Christian at Marco. Nagulat sila sa kakaibang reaksyon nito.
"Gutom lang?" Sabi ni Christian.
Napatikim tuloy ulit si Aizan ng sinigang.
"Ikaw talaga Christian. Talaga namang maasim ang sinigang tapos lalagyan mo ng asukal."
Nagkatawanan si Christian at Aizan.
"Thats how it should taste like, already. Its good." Sabi ni Edward habang nag eenjoy na sa kinakain. Alam niyang nakatulog siya sa taxi kanina siguro sa sobrang pag iisip kung papano siya matututong magsalita ng tagalog fluently. Nagising siya nung nakarating na sila sa condo. Siguro gutom lang talaga siya kaya lakas ng kain niya ngayon.
"Its good." Sabi rin ni Marco sa lasa ng sinigang.
"Lalagyan ko ng sugar yung sakin." Sabi ni Christian na hinaluan na nga ng sugar yung sinigang na kinuha niya.
"I know its not perfect but thats whats makes it so special. Thats the way I like it."

MayWard: In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon