"Oh my God they will see my pangit face in TV." nakadapa ako ngayon sa bed ni Ate Laura at pinagpapalo ko yung kama. Para akong inaatake ng epilepsy sa ginagawa ko.
"Don't say you're pangit. Thats not good. You're pretty." -Ate Laura
"I'm pangit... ugly... pangit... ugly..." minasahe ko yung mukha ko pataas pababa kaya panay na naman ang tawa ni Ate Laura.
Bigla ba naman akong tinulak. Muntikan na akong mahulog sa bed. Buti na lang nakakapit ako.
"You're pretty."- Ate Laura
"I'm ugly."- ako
"You're pretty nga."- Ate Laura
"Waaaaahhhhh... pangit..." - akoNagkukulitan kami sa bed ni Ate Laura. Pilit akong tinutulak sa gilid ng bed nya para mahulog ako.
"Huy... tama na yan..." biglang may ulong nakasilip na sa may pintuan. Di namin napansin na nabuksan na pala nya yung pinto.
"Pangiiiiitttttt....!!!!" sigaw ko sabay bato ng unan na napulot ko sa bed.
At dahil baboy si Edward, mabagal kumilos, natamaan sya nung unan. Nahuli sya sa pagsarado nito.
Napikon si oink oink pero nakangiti pa rin. Sinugod kami at nakisali na rin samin ni Ate Laura sa kulitan. Ganito po kami araw araw. Wag na kayong magtaka.
Niyakap ako ni Ate Laura tapos bigla ba naman akong pinalo ng unan ni Edward sa may braso ko. Ayun siguro bugbog na talaga yung unan kaya nabutas ito tapos lumabas yung mga feathers. Akala ko magagalit si Ate Laura kasi unan nya yun pero bigla nyang pinulot yung mga feathers at isinaboy sa hangin.
Parang snow yung puting feathers. Feeling ko nasa north pole ako. Yung feeling na parang isa kang prinsesa sa isang fairy tale tapos tatawagin ng prinsipe ang pangalan mo.
"MayMay."
Paglingon ko... sinalubong ako ng sandamakmak na feathers. Napunta lahat sa mukha ko. Idagdag mo pang nakanganga ako kaya yung iba pumasok sa bibig ko.
"Pweh...
pweh..." pangit pala ng lasa ng feathers.Ayokong maging prinsesa kung sya rin lang magiging prinsipe ko.
Si Edward yung ngiti hanggang langit. Tuwang tuwa at na-prank nya na naman ako.
Kinuha ko nga yung unan na nabutas at may feathers pa sa loob tapos pinagpapalo ko sa kanya. Ginawa nya namang panangga yung kamay nya.
Napalingon sya sa wrist watch nya habang pinapalo ko sya.
"It's time."
Nagkatitigan kami at tumango tango sya means "yes". Ako naman umiling iling means "no". Para kaming aliens na nag uusap sa isip. No words. Mata sa mata lang sapat na para magkaintindihan kami.
Nagpaunahan kami ni Edward sa pintuan. Nagtutulakan kung sinong unang makakalabas ng kwarto ni Ate Laura.
"No...! you cannot do that." sigaw ko.
"Why not?!" pilit nya akong tinutulak para makalusot sya.
"Basta NOOO..." sinasara ko yung pinto pero nakaharang sya kaya di ko magawa.
"YESSS..." pagpupumilit nya.
"Let me go out first. Then you can continue this." request ni Ate Laura na pinagbigyan ko naman. Kaya ayun nakalusot si Edward.
Nag unahan kami hanggang sa sofa at nag aagawan sa remote control. Buti na lang talaga wala si Daddy Kevin at Mommy Cathy. Baka napagalitan na naman kami sa kakaharot naming dalawa. May designs na kasi yung braso ni Edward kakakurot ko sa kanya. Pinapagsabihan naman sya na wag na akong harutin. Makulit lang talaga tong baboy na to ayaw akong tantanan.
BINABASA MO ANG
MayWard: In Another Lifetime
FanfictionPaano kung hindi nag audition si Mary Dale Entrata sa Pinoy Big Brother? Nagkita kaya sila ni Edward Barber? Meron kayang MayWard in another lifetime?