5. IkayArenLamang

58 6 0
                                    

"Everyone of you did a great job this past days." Puri ni Miss Peachy sa lahat ng teens na nagwoworkshop.
Nagpalakpakan ang lahat.
"And now..." Patuloy ni Miss Peachy.
Kinakabahan na si Edward. Ito na yung pinakahihintay niya.
"I will announce who are the lucky teens..."

are?
Means more than one.

"That will have the chance to be part of Direk Rory's short film."
Lahat kinakabahan na. Alam nilang ginawa nila ang lahat ng best nila sa workshop nitong mga nakaraang araw.
Sabi kasi ni Direk Rory, meron daw silang nakitaan ng potential dito sa batch na to.
"Ang swerte naman nung makakakuha ng roles." Bulong ni Fenech.
"Sana ako yung makuha." Sambit ni Kristine habang nakatikom ang dalawang kamay na parang nagdadasal.
Minsan lang ang ganitong chance at naswertehan pa ng batch nila.
Kinuha ni Miss Peachy ang isang white envelope.
"Oh parang Miss Universe lang. Ready na ba kayo?" Ramdam niya na kabado na ang lahat.

Please let it be me.

Sinilip ni Miss Peachy ang nakasulat sa papel sa loob ng envelope. Kunwari na shock sa nabasa.
"And the 2016 Miss Universe is..."
Di na makahinga ang lahat.
"Dan dan dan dadadan..."
Si Aizan nagdrum roll pa sa mesa na mas lalong nagpakaba sa lahat.
"Congratulations."
"Vivoree Esclito."
"Ako?" Di makapaniwalang sabi ni Vivoree.
"Oo ikaw." Tulak ni Christian sa kanya. Si Christian ay parang bestfriend na rin ni Vivoree sa workshop. Pareho silang bisaya kaya mas lalo silang naging close.
Di pa rin makapaniwala si Vivoree na siya yung napili. Tumayo siya at nakipagkamay kay Miss Peachy bago bumalik sa pwesto niya.
"Congrats Vivoree." Bati ni Yong.
Kinuha ni Miss Peachy ang isa pang white envelope at nilambitin sa kamay niya.
"There's one more guys and its for one lucky guy."
Kinabahan lalo si Edward. Parang may mga dagang nagtakbuhan sa tiyan niya.
"I will give you a clue."
Nag ingay bigla ang mga teens.
"Tao ba to?" Sigaw ni Kristine. Nagtawanan ang lahat.
"Hayop?" Nakisali na rin Rita.
"Bagay?" Nakatawang tanong ni Vivoree.
"Oo, bagay. Bagay na bagay sayo Vivoree." Panunukso ni Christian. Napalo naman ng pabiro ni Vivoree si Christian.
"Ayieee sino kaya yan." Tinukso na rin ni Kristine si Vivoree.
"Okay guys eto na." Biglang hila ni Miss Peachy sa papel sa white envelope.
"Dan dan dan dadadan..." Sabay sabay na kanta ng mga teens.
"Ooohhhh...
half half..." Kunwaring nagulat si Miss Peachy.
"Euro boys kayo yata yan. Half half daw eh." Turo ni Kristine kay Edward at Marco.
Nagkatinginan yung dalawa.
"May the best man win." Sabay pang sabi ng euro boys at nagshake hands.
"Mr Universe is..."
"Marco tumayo ka na..." Biglang announce ni Miss Peachy.
Medyo nagulat yung iba kasi parang mas inexpect nilang si Edward ang mapipili.
Nagyakapan pa si Edward at Marco na akala mo nanalo sa Famas Awards.
"Congrats bro."
Tumayo na si Marco at nakipagshake hands din kay Miss Peachy.
"Halika dito Vivoree." Aya ni Miss Peachy kay Vivoree na tumayo din at tumabi sa kanya.
"Bagay na bagay nga." Panunukso ni Christian.
"Buang." Sabi ni Vivoree.
Kahit di man napili si Edward. No hurt feelings naman siya. Masaya siya na si Marco ang nakakuha nung role. Gagalingan niya na lang siguro sa susunod na mga araw.

SA KWARTO NI EDWARD...

"Here's your username and password. And the website." Nagtype si Marco sa mobile ni Edward.
"www.chickboytutor.com? Is this for real?" Nagtataka si Edward sa pangalan ng website.
"Don't worry. That's genuine site. I've tried it already." Pag aassure ni Marco kay Edward.
Pero panay pa rin ang pagcheck ni Edward sa website sa laptop niya.
"Goodluck." Tumayo na si Marco galing sa bed ni Edward.
"Ciao!" Yun na last na narinig ni Edward bago sumara ang pinto. Kailangan kasi tahimik daw ang lugar para maabsorb ang mga tinuturo.
"Its time... Here we go..." Pinatunog pa ni Edward ang mga daliri niya bago nag umpisang i type ang username at password sa website.
"Logging in..." Wala na ring nagawa si Edward. Bayad na siya sa 3 months online tutorial sa tagalog language sa weird website na to.
Nung nakalogged in na siya, pinili niya ang name ng tutor based sa sinabi ni Marco. Siya daw pumili nung name na yun para mamotivate siyang mag aral ng tagalog.
"Oh wait..." Bigla siyang may naalala at pumunta sa cabinet niya. Hinalungkat ang mga gamit sa loob ng cabinet.
"Hello. Tao po." May nagsasalita na sa website.
"Hold on." Sigaw ni Edward habang patuloy sa paghahanap niya.
"Hala may nagsasalita kahit walang tao." Natakot na yung tutor.
Nahanap din ni Edward ang hinahanap niya at sinuot ito. Bumalik siya sa harap ng laptop pero nung nakita siya ng tutor bigla itong nagtatakbo.
"Mamaw..." Napatago ito sa ilalim ng kumot pero nakasilip ng konti sa laptop.
Nabahala naman si Edward. Obviously, di kilala ng tutor yung mukha sa maskara na suot niya.
"Hey don't be scared. This is just a mask. Actingan lang to." Pinakita niyang mask lang ito at kaya niya itong matanggal pero di niya naman tinanggal. Tumayo din siya para makita na mukha niya lang ang natatakpan. Sino ba naman kasi di matatakot. Mask ni Chewbacca ang suot ni Edward.
"See. Props lang."
"Eh marunong ka naman pala magtagalog." Tuluyan ng tinanggal ng tutor yung talukbong niya pero nakatakip ang ilong at bibig nito ng kumot.
"Konti lang." Sagot ni Edward na medyo slang pa ang pagkasabi.
"Why you're only showing your eyes." Nagtaka na rin si Edward bakit nakatakip pa rin yung tutor ng kumot na parang may sakit.
"I'm shy. I'm ugly. I have small nose. Not like you oh. Pointed." Angal ng tutor habang nakaturo sa ilong ni Edward na parang nasa harapan niya lang ito.
Natawa naman si Edward.
"Don't say that. You're beautiful." Bat parang nawala saglit ang eyeballs ni tutor.

Bushaakkk... Nakakainis ka naman eh...

"Nagcontact lense ka?" Nilapit ni tutor ang mukha sa screen ng laptop pero nakatakip pa rin ng kumot ang ilong at bibig.
"Yes. Why?"
"Marco said malabo mata mo. You need to wear contact lenses." Nilayo niya na mukha niya sa screen. Nagtaka si Edward bakit kilala ng tutor si Marco pero naisip niya baka niregister ni Marco yung sarili niyang name para sa tutorial niya at naglagay ng comments about sa mata niya.
"Not really malabo but yes I'm wearing contact lenses now.
So I can see you even better."

Where that come from? It just came out of my mouth.

Titig na titig si Edward sa mata ni tutor habang sinasabi niya to.

Ice ba ako? Bat parang natutunaw ako sa mga titig ng Mamaw na to? Tagos sa screen bes.

MayMay, defrost ka na!

"Okay lets start na." Si MayMay na umiwas ng titigan nila sa screen ni Edward.
"First tell me whats with chickboytutor?"
Diretso naman ang pagsagot ni MayMay. Alam na alam niya ang history ng online tutorial company na pinagtratrabahuan niya ngayon kaya nga natanggap agad siya.
"Chickboytutor is an online tuto-"
"I mean what does it mean. Chickboy?"
"Ah chickboy?"

Ano nga ba MayMay? Isip isip.

"Chickboy is a restaurant in the Philippines. Chickboy means chicken and baboy. You know chicken..." Umaktong manok pa si MayMay na parang lilipad. Gusto niya sanang i acting din yung baboy sa pagpapakita ng butas ng ilong niya pero tinatago niya pala yung small nose niya kaya manok na lang.
"And pig..." Sinabi na lang ni MayMay. Tingin niya naman naintindihan naman ng kausap niya yung pig. English word naman yun.
"Ah pig. Like this..." Si Edward na ang nagpakita ng butas ng ilong niya na ikinatawa ni MayMay.
Natawa din si Edward.
"You have green inside your nose." Pang aasar ni MayMay. Naiinis siya kasi ang tangos ng ilong ni Edward.
"Really?" Bigla namang naconcious si Edward. Kumuha ng tissue at suminga.
"Char lang uy." Nabahala agad si MayMay. Naniwala kasi agad si Edward.
"Char?"
"Means joke joke lang."
"I see you like pranks." May naiisip na si Edward. One of these days siya naman ang mag-Char kay tutor.
Si MayMay naman sinearch pa online meaning ng prank bago sumagot.
"Medyo lang po sir."
Nanonosebleed siya sa usapan nila. Napapaisip tuloy si MayMay kung tama ba tong pinasok niyang trabaho.
"Sir Aren you from Italy din po ba?" Tanong ni MayMay.
"No I'm from Germany."
"So di po pala kayo magkapatid ni Marco."
Strike two. Twice ng namention ni MayMay si Marco. Nabuo na ang hinala ni Edward.
"You know Marco?"
Medyo nadulas si MayMay. Sabi pala ni Marco wag muna sabihin na magkakilala sila. Baka daw kasi siya tuksuin pag nalaman na si MayMay yung nagbigay ng sinigang. Kinukulit kasi ni Edward si Marco kung sino yung girl na tinulungan ni Marco.
"Ay hindi po."
Nagtaka si Edward. Nahalata niyang may tinatago si MayMay.
"Whats your real name?"
"My username. Thats same same with my name. Ikay po." Bawal kasi sa kanilang online tutors na ibigay ang tunay na pangalan nila for confidentiality. Si Marco talaga ang may ideya ng Ikay na name para mamotivate daw si Edward. Ikay at Aren ang name ng lead roles sa short film ni Direk Rory. Ang nakuha ni Marco at Vivoree ay supporting roles.
"Ikay, di ka nagiging totoo sakin. Show your face."
Nilapit ni MayMay ang mukha niya sa screen.
"Your whole face." Ibig sabihin ni Edward ay tanggalin na ni MayMay ang kumot na nakatakip sa ilong at bibig nito pero makulit talaga si MayMay. Iiling iling si MayMay na ibig sabihin ay ayaw niya.
"Kayo po muna Sir Aren." Panghahamon niya kay Edward.
"Sorry I cannot show my face to you." Ayaw din ipakita ni Edward ang mukha niya dahil pag nakuha siyang extra or nabigyan siya ng bigger roles ay makikilala agad siya ng tutor pag nakita siya nito sa television.
"Edi hahanap na rin po ako ng maskara dito. Wait lang po." Biglang umalis si MayMay at naghanap nga ng maskara.
"Hey. You don't need to do that. I don't mind if-"
"Bulaga..." Biglang balik ni MayMay sa screen na nakamaskara na ng mukha ni Enrique Gil na kinagulat naman ni Edward.

MayWard: In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon