Chapter 12: When the sweetness begins

407 10 4
                                    

Chapter 12: When the sweetness begins

Yana’s POV

Nakapag-decide na ako about my feelings. And I think what’s important is the present so, napag-isip isip ko na i-enjoy na lang ang company ni Nico and ni James. Kung kami talaga ni James, I’m sure naman mararamdaman ko din yun later, but as for me and Nico, I can’t let myself fall for him. DUH???! Para ko na ring isinakripisyo ang pagkababae ko kung ganun. Kaya naman napagdesisyunan ko na na I’ll just enjoy his company. Tsaka isa pa, there are many fishes in the sea.

“YAM! Gising na!” Nabigla naman ako ng lumundag sa kama ko ang makulit na si Nico.

“Gising ako, Yam.”

“Ow. I … d-didn’t know.”

Halata naman ang pagkabigla niya nang makita niya nga akong gising kaya naman nagtalukbong na lang ako ng kumot para hindi na niya titigan pa ang mukha ko.

 “Woooooi Yam! Wag mo nga akong tignan ng ganyan!!” sabi ko matapos kong makapagtago sa ilalim ng kumot.

Bigla-bigla ko namang naramdaman na nagtalukbong din siya kaya naman humarap ako sa aking kanan since nasa kaliwa ko siya.

“Bakit naman?” narinig kong tinanong niya ng mahina.

BAKIT??! Tanong pa ba yan?! Eh, kasi kinikilig akoooooo!

“Che!!” Dahil ganuon lang ang sagot ko sa kanya, naramdaman ko namang bigla niya akong niyakap mula sa likod.

“O-Oooi!!! Wag k-kka ngang ganyan!”

Unti-unti kong naramdaman ang hininga ni Nico na palapit ng palapit sa leeg ko.

“NAKIKILITI AKO NICCOLO!!!!!” sigaw ko habang tinatanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.

“Wala namang masama sa ginagawa natin ah. I’m still your boyfriend, Yana.” Sinabi niya iyon ng may coldness sa kanyang boses.

Alam kong bumangon siya sa pagkakahiga sa kama kaya naman tinanggal ko ang pagkakataklob ng kumot sa’kin.

“Ui, Yam ko. Galit ka ba?”

Hala! Hindi niya ako sinasagot. Tsk. Ayaw ko pa namang mag-away kami nitong bakulaw na to!

Dahil ayaw niya akong kausapin, binato ko nga ng unan sabay sabing, “Sorry na kasi, Nico.”

Hindi pa rin ako pinapansin!!!! Anong gagawin ko?

Napansin ko na lang na paalis na siya ng kwarto ko kaya naman agad-agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Pagkalapit na pagkalapit ko, niyakap ko agad siya mula sa likod.

“Oi, tampo naman ‘to kaagad!! Sorry na! Dali na, please!! Bati na tayo, Yam!”

Hindi pa rin siya sumasagot kaya naman hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

After a few minutes, I heard him chuckled, then he turned around.

Dahil nga nakayap ako ng mahipit sa kanya, our bodies are touching.

Nang tumingala ako to see his face, I saw him smirking down at me.

He wrapped his arms around me. “Hindi mo rin pala ako matitiis eh.” He said, still smirking.

WOOOAH! Moment namin to. Ayaw ko namang sirain ang moment na ‘to kasi … kinikilig akooooo!

“Miss Kian, gising na po at baka ma-late ka p- AAAAHHH !!” Nagulat naman kami pareho ni Nico sa sigaw ni Gigi kaya naman napahiwalay kami kaagad sa isa’t isa.

“Sorry po! Sorry po! Aalis na po ako! Sorry po!” Patuloy na paghingi ng tawad ni Gigi na agad namang umalis din.

---

Puppets of Love (Formerly MMTCP) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon