Chapter 11: Long hair day

376 10 1
                                    

Nico's car ---->

Chapter 11: Long hair day

Nico’s POV

It’s already Yana and I’s eight day as a “couple”. As expected, Grandpa was so ecstatic when he found out that Yana and I would try to be lovers and that we decided to be together. Nung nalaman ko na bumuti pala ang kalagayan ni Grandpa dahil sa “good” news namin, lumuwag ang aking paghinga. At least ngayon, may maganda din naman na nadulot ang pagpapanggap namin ni Yana.

Because of Grandpa’s rapid health improvement, laging maayos at magaan ang pakiramdam namin ni Yana. Maybe that’s the reason why after a week, eh  hindi pa rin kami nag-aaway.

Akala ko matapos naming gumawa ng kasunduan na magpapanggap kami bilang mag-kasintahan, magbabago na ang pakikitungo naming sa isa’t isa. It’s either magiging sweet kami or magiging awkward.

But I was wrong. Dead wrong.

We’re like the best of friends now. Para kaming tanga pag magkasama kami. Bangayan at tuksuhan. And another thing I like about Yana is that she never judges me for being a playboy. In fact, alam niya kung may ka-date ako or what. At ganun din naman ako sa kanya. Hindi kami naghihigpit sa isa’t isa just because we’re “together”.

Actually, everyday akong may kasamang mga babae at si Yana ang lagi kong pinagbabantay sa mga bata. Haha !! Hindi niya magawang makipag-date sa iba kasi busy siya sa kambal. Hahahahaha!!!!

Anyway, it’s already 2:30 in the morning pero pauwi pa lang ako. Nakipagdate eh- or should I say my date and I sent the whole time in her condo unit and made out? But even though I made out with some girl, si Yana pa rin ang naiisip ko ngayon.

Hmmm. Madaling araw na ah pero bukas pa din ang mga ilaw sa kwarto niya. Ano na naman kayang ginagawa nung babaeng yun?

Pagbukas ko sa kwarto ni Yana, nakita ko agad yung kambal na nakatulog na sa kama. Mukhang nakatulog to sa kakapanuod ng anime. Bukas pa kasi yung tv at nagple-play pa yung DVD ni Yana. Pinatay ko ang tv at DVD player at saka hinanap si Yana.

Nasan na ba yung babaeng yun??

Hinanap ko si Yana sa kwarto niya and guess what?

Nakita ko siya sa kabilang side ng kama. Nakaupo siya at nakapatong ang ulo niya sa table na ginagamit pag gustong mag-breakfast in bed.

Pinuntahan ko siya at marahang ginising.

“Hoy Yana! Gumising ka na diyan.”

“Mmmmmm.”

“Yana” tawag ko sa kanya habang inaalog ko siya.

“Mmmmmm.”

Pssssh. Tulog mantika naman tong babaeng to! Pero nakakatuwa siyang tignan. Parang hindi makabasag pinggan pag tulog. She looks like an angel.

Huh??! *Shakes head*

Ano na naman bang iniisip ko?

Niyugyog ko ng napakatagal si Yana hanggang sa magising siya.

“Mmmmm. Bakit ba?”

“Hoy, wag ka diyang matulog.”

Humarap siya sa’kin at nagkuskos ng mata na parang bata.

“Bakit nam- TEKA !!! Anong oras na??!”

“2:55. Bakit?”

“OH, MY GOSH! Oh Em!!! Hala! Hindi na naman ako nagising ng alarm clock!!!! Tsss. What the-”

I immediately covered her mouth using my hand and hissed, “Sssssh! The twins are sleeping.”

She took away my hand from covering her mouth and said, “Sorry. I forgot. Nagulat lang kasi ako eh.”

Puppets of Love (Formerly MMTCP) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon