2nd Dust: No String At All
In every story laging nag sisimula sa "Once upon a time" tapos nag tatapos sa "The end", yan yung natural na daloy ng isang kwento marahil ay kapareho din nito ang kwento ng buhay ng mga tao may simula, may gitna, may wakas.
Pero there are story na bigla na lang nagsimula hindi man lang nag warning na once a upon a time yun, swertihan na lang kung may magandang ending yun.
Sa mga libro malinaw lahat kung anong nangyari sa dalawang character, madaling isulat kung anong ending ang gusto mong mangyari sa kwentong isinusulat mo, choice mo yun eh.
Sana ganoon din sa buhay no? Yung ikaw masusunod kung anong gusto mong mangyari, yung masusunod yung expectations mo.
Pero hindi eh.
Ibang- iba pag usapang reality na.
***
" Vanah, tara na baka mahuli tayo sa meeting." Nagmamadaling aya sa akin ng kaibigan at slash kaklase kong si Ariane.
" Baka mahuli sa meeting, sabihin mo, excited ka kasi nandoon siya! Wag ako!" Sabi ko sa kanya.
" Tse! Dali na kasi!"
"Oo na, ito na."
May meeting kami sa club namin ngayon, which is English Club. Pag uusapan kasi yung mga gagawin tapos mag a assign na ng mga pwesto for representatives para Mini Olympic para sa mga club dito sa school. Grade 12 ang may pasimuno ng event na yun, last year na daw kasi nila, gusto man daw nila na kahit papaano ay mag enjoy dito sa school tutal wala na rin naman daw sila next year.
Grade 11 pa lang ako, I was elected as the auditor sa club namin, swerte ko na nga lang nun eh. Karamihan kasi ng officers sa bawat club ay Grade 12 na, tapos yung ibang lower years nagpapa member na lang, dagdag grades din kasi.
Kasabayan ko yung iba kong classmate papunta sa headquarter ng club namin, nasa sampu kami, yung iba sa kanila ay members. Malaki rin kasing benefit yung nakukuha namin dito sa English club. Nai enhance yung skills namin sa English writing at speaking.
Nakarating na nga kami sa headquarter, tatahi-tahimik lang kami kasi hindi rin namin ganun ka close yung Grade 12 officers and members. So nagsimula na yung meeting, nagsimula na silang mag assign kung sinong representative sa bawat sports na lalaruin sa Mini Olympics.
Wala naman akong alam pagdating sa sports, ang alam ko lang ay ang umiwas pag tatamaan na ng bola and lucky me meron nga nun, batuhan bola daw edi pinalista ko name ko tapos kinailangan daw ng Muse and Escort para sila yung representative para sa parade before the olympic starts. To be fair daw idadaan sa botohan.
Maraming magaganda sa amin, lalo na sa aming Grade 11 so may ilang mga na nominate na classmate ko. Si Jade at Lea, may na nominate pa sa Grade 12 na dalawa. Eh lima dapat yung pagpipilian namin.
Napansin ko na nagbubulungan classmates ko, may binabalak silang masama sa akin!
Mahina akong bumulong sa kanila.
"Nagmamakaawa ako sa inyo kung ano man binabalak nyo wag niyo ng ituloy kasi Ayoko. I Swear. Friendship Over na tayo guys pag ginawa niyo yan." Sabi ko.
Nagtinginan sila.
" Oh sino pa?" Tanong ng Club President namin.
"Si Vanah." Biglang sabi ni Cristha.
"Oo nga, dali na kasi Vanah." Pilit ni Ariane sa akin .
"Please please, ayoko." Pagmamakaawa ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Writer's Dust
Short StoryWriter's Dust A compilation of One shot stories about love, pain, hope, mystery and unexpected turn of events. It lies between fiction and reality. (Taglish)