3rd Dust: Ang Parusa

16 3 1
                                        

3rd Dust: Ang Parusa

Sa harapan nilang lahat ngayon nakatayo ako.

Nagtataka at natatawa.

"Rayne Mariano, the defendant is now entering the trial court." announce ng Court reporter.

Sa Trial court booth ito. Hindi naman ako mahuhuli , at maisasalang doon kung walang nagdemanda sa akin. Wala akong matandaang ginawan ko ng kasalanan dito sa school para idemanda ako ng ganito.

Nakaayos ang loob nito na para talagang trial court. May Judge na nakaupo doon sa gitna. May mga spectator sa likod, at yung mga jury sa gilid.

May lumapit sa aking babae na pormal ang bihis.

"Hi! Ako si Phoebe Marquez. Ang iyong Attorney." pagbati sa akin.

Napataas ako ng kilay. Ibang klase rin proseso dito. Hindi ko nga alam kung anong kaso ko, may attorney na ako agad, at nasalang pa ko dito. Kalokohan.

Mamaya't-maya eh merong baklang nagwala.

"Ikaw! Ikaw! Ang may kasalanan sa nangyari kay Ynigo! Walang hiya ka!" tinuro-turo niya ko.

Hindi siya makalapit sa akin dahil may mga pumipigil sa kanya. Siya na siguro ang Plaintiff,ang nag-demanda sa akin. Tsaka anong nangyari kay Ynigo?

Ang kilala ko lang naman na Ynigo dito eh yung si Ynigo Fuentes. Yung captain ng varsity team dito sa amin. Laging dikit ng dikit sa akin, yung epal na yun.

Ano bang ginawa ko doon?

Pinaupo na ko sa designated chair ko, katabi ni Phoebe.

"Let's start the trial, you may now all sit." sabi ng judge.

Tsaka nagsimula ipukpok ng judge kung ano man yung tawag niya sa pamukpok na yun. Nagsimulang tumayo na din yung Attorney ng kabilang panig. Lumapit siya sa jury atsaka nagtanong. Gayundin ang ginawa ni Phoebe.

"I'm a Love Expert."
"I'm a love potion maker."
"I'm a love doctor."
"I am a writer of love."

Sa mga naunang tanong eh puro profession ng jury ang tinanong nila.
Nasa play ba ko? Hindi ako na-inform. Mahal pa naman talent fee ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipigil ng antok ko, nang nag announce ang court reporter na papasok na daw ang unang witness ng nag-demanda.

"Ako si Abigail Soriano. Bestfriend ni Ynigo Fuentes."

Tumayo yung attorney sa kabila at nagtanong.

"Maaari mo bang isalaysay sa amin kung paano nagsimulang makaramdam ng kakaiba si Mr. Ynigo Fuentes towards Ms. Rayne Mariano?"

Pumangalumbaba ako sa lamesa sa harap ko, para makinig.

"Nagsimula yun noong nasa Cafeteria kami ni Ynigo. Kumakain at nagkukwentuhan. Masaya pa ang atmosphere namin noong unan nang biglang dumaan si Rayne Mariano sa harap ng table namin. Sa puntong yun kitang kita ko kung paano unti-unting hinawakan ni Ynigo ang dibdib niya, habang nakatingin kay Rayne Mariano. Unti-unti rin namula ang mukha niya. Ka-"

"Baka may hika. Makakasisi naman to! Porket pumasok lang ako, nagka ganun na agad?" umapela ako. Dahil nandito na din naman kaya might as well, sasabayan ko sila.

"Order in the court! You're not allowed to interrupt Ms. Mariano." Sabi ng Judge. Kaya tumahimik na muli ako.

"--kaya inabutan ko siya ng tubig ngunit hindi niya ko pinansin. Sa halip ay bigla siyang tumayo at tumakbo palabas ng Cafeteria."

Ano bang meron kay Ynigo?

Una kong nakilala si Inigo dahil sa isang echoserong schoolmate ko na pakealamero.

Writer's DustMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon