6th Dust: Tagpuan: Sa Daanan

20 2 1
                                        


6th Dust: Tagpuan: Sa Daanan

Bakit may mga bagay na simple lang naman pero pinapa kumplikado ng ibang tao?

Bakit?

Bakit sinabi niyang Mahal niya ko pero ito yung ginagawa niya, pinapakita niyang hindi, na parang ayaw niya na ko makasama.

Bakit?

Para kong nakakapit na iisang daliri na lang ang gamit. Ang sakit.

Yung akala mo may kakapitan ka pa, na meron naman talaga kaso yung kinakapitan mo gusto ka ng pabitawin.

Ang sakit. Punyeta.

Ang gusto ko lang naman mag work pa kami ulit. Siya naman unang nang iwan eh binigyan ko ng second chance pero isang pagkakamali ko lang, umayaw na agad.

Na kesyo sobra na daw ako o kung minsan naman nagkulang na ata ako.

Bumuntong hininga ako, pang ilan na buntong hininga ko na ba to?

Bakit sa lahat ng tao yung taong mahal na mahal ko pa yung magpaparamdam sa akin nito?

Yung pakiramdam na yung buong pagkatao ko mali, na kailangan kong mag-ingat sa mga gagawin at sasabihin ko kasi isang pagkakamali ko lang iiwanan ako ng mga taong nasa paligid ko, na may mga taong mas better kaysa sa akin, na maari akong mahalin ng kahit sino pero ayun hindi ako worth it ipaglaban.

Tumingin ako sa ulap. Ano kaya pakiramdam ng maging ulap?

Tang ina nababaliw na ko. Unang buwan ng bagong taon tapos nagkakaganito ako. Anong date ngayon?

Nilabas ko cellphone ko para I check. Okay, January 5.

Nasa rooftop ako ngayon ng Gateway, nakaupo sa isang bench mag-isa. Nagbabakasaling makahanap ng peace of mind.

Pero ito ayaw tumigil ng isip ko eh, ayaw tumigil kakaisip sa kanya na katulad ng puso ko ayaw tumigil kakatibok para sa kanya. Ang korny ko kainis.

Hawak-hawak ko yung band-aid na binigay niya na ang cute dahil may design na angel.

"Hi mga band-aid! Pwede ba kayong idikit sa loob nito? Tsaka dito?" Tanong ko sa mga banda-aid sabay turo sa sentido at sa kaliwang parte ng dibdib ko.

Nagmamahal lang naman ako? Bakit parang nababaliw na ko?

Tumalon na lang kaya ako sa rooftop na ito? Para deadbolls na kaagad, baka sakali, pag namatay ako,marealize niya na yung halaga ko. Baka sakali lang naman.

Baka lang, sa english just a cow.

Mamaya maya ay may dumating nalalaki na naka blue na hoodie tapos nakatingin sa cellphone at umupo sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko.

5:45 PM na, nadito pa rin ako.

Nag i-expect ako na sundan niya ko dito pero paano niya ko masusundan dito diba? Kung ang alam niya nasa bahay na ko at nakauwi pero sabagay malaman man niya na nandito ako, hindi naman siya magkakaroon ng pakealam.

Gusto ko ng kausap. Siguro pwede na tong si kuya.

"Hi! This may seem a bit weird but I just wanna ask, to rest or to stop?" panimula ko.

Napatingin siya sa akin sabay natawa.

"Bakit sa akin mo tinatanong? Hahaha." sagot niya na talagang natatawa pa. Aba!

"May tanong ako." kasunod niyang sabi. Ako unang nagtanong diba?

"Ano yun?" tanong na sagot ko.

"This may seem a bit weird but I just wanna ask, to rest or to stop?" tanong niya. Talaga naman.

"Ay loko."

Writer's DustMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon