1st Dust: 13th Wish

707 22 18
                                    


1st Dust: 13 th Wish

"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12 and 13" Pagkabilang ko ng pang 13 na star. Pumikit na ko at nagsimulang humiling.

"Sana Mapansin niya ko."

Sino ba nung Tinutukoy ko? Si Drake Salvacion. Transferee siya sa school namin at saktong kaklase ko pa. Gwapo,Matalino at Mabait si Drake.

He's almost Perfect pero syempre tao din siya may imperfections din siya.

First day of class pa lang noon pinagkaguluhan na siya ng mga babae dito sa school. Binansagan na nga siyang 'Hearthrob' dito eh.

At aaminin ko sa inyo noong una, ewan ko ba pero para kasing naasar ako sa kanya parang mayabang kasi kumilos pero lahat ng yun nagbago noong time na.

Cleaners ako , dahil nga mababait ang mga kaklase ko ako lang ang nagwawalis kayganda lang ng buhay, tapos habang nagwawalis ako yung kaklase kong lalaki na puno ng kakulitan at kaharutan sa katawan eh takbo ng takbo sa Room.

Ilang beses niya na kong nababangga nasasanggi tuloy nung kamay ko na kasalukuyang hawak nun ang walis tambo,kaya yung winawalis ko nagkalat nanaman .

Pero Syempre dahil hindi likas sa akin ang pagiging maldita kaya ayun pinalampas ko yun kasi transferee din yun ayoko naman na awayin baka kasi pumangit ang first impression niya sa akin.

Pero noong pangalawang beses niya na kong nasangga sasawayin ko na sana siya ng unahan ako ng isang tao....

Guess Who?

Si Drake.

"Uy,Wag ka naman kasing makulit kita mong may nagwawalis oh,hindi na nga ikaw nung naglilinis eh" sabi niya dun sa kaklase kong makulit tapos sabay tumingin siya sa akin.

Sabi niya,

"Ako na lang magwawalis"tapos yung kamay niya nakalahad naghihintay na ibigay ko sa kanya itong walis.

"Ahh..Hindi salamat na lang, Wag na lang kaya ko na ito"sabi ko sabay balik sa pagwawalis pero sa kabila nun napangiti ako. I never thought na mabait pala siya.

At sa simpleng pangyayaring yun nabago ang pagtingin ko sa kanya.

Alam mo yun? Yung tipong gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.

Pero dahil nga masyado siyang sikat at madami ang nakapaligid sa kanya Ni-minsan hindi ako nagkaroon ng chance na makausap siya. Hanggang sa may mga bagay na pumasok sa isip ko.

Wishes?

Oo mga hiling pansin ko lang kasi madami ng mga paraan na ginagawa ng mga tao para makapagwish katulad na lang nung 11:11 , Paghulog ng coin sa wishing well , Tracing someone's name on stars, Nine Stars at iba pa.

Hindi ba't gawa-gawa lang din ang mga iyon? Kaya't nagbuo ako sa sarili ko ng sarili kong paraan kung paano mag-wi-wish alam kong malaki nung possibility na hindi mag work out itong paraan ko, Pero why not try diba?

Malay natin Effective.

Dahil ang favorite number ko ay Thirteen sa loob ng Thirteen nights I have to count thirteen stars and make a wish after counting. So ang kakalabasan nun I have my 13 wishes.

At Ito nung First Try ko, Ayun din nung First Wish ko..

"Sana Mapansin niya ko."

Another Day here in school usual lesson there, Lesson everywhere.

Hanggang sa In-announce ng teacher namin na may lipatan ng section na mangyayari. Syempre kinabahan naman ako nun ayoko kasing malipat pero nung in-announce ng teacher namin na ang lilipat lang ng section ay nung may General Average Last School year na 85 pababa ang lilipat. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang Gen. Ave. ko last year ay 89.

Writer's DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon