5th Dust: Speak Now
Abigail's Point Of View.
Hindi ako yung klase ng tao na basta basta na lang maninira ng kasal PERO ito ako ngayon nakatayo sa harap ng lahat ng tao sa simbahan.
Nang tinanong ng pari na 'May Tututol ba?' automatiko akong napapunta sa harap ng pintuan ng simbahan na ito.
"Sehun.." banggit ko ng pangalan mo. Nakatingin ka lang sa akin hindi kita mabasa di katulad ng ibang tao sa loob ng simbahan na nakatingin din sa akin alam ko na ang iniisip nila nagtataka sila kung sino ako, kung anong pakay ko, kung manggugulo ba ako pero wala akong pakealam sa iisipin nila.
Ikaw nung iniintindi ko ngayon.
Please Sehun dont just look at me Please Speak Now..
Speak the words i want to hear...
This is the last chance for us...
i hope you wont waste it.
Because me?
Ito, na kahit alam kong masama ang magiging kalabasan ko dito. I'm willing to take the risk para sa ating dalawa..
Napaluha ako. At unti unting inalala kung bakit ba napunta tayo sa ganitong sitwasyon..
***
Dito din sa simbahan na ito,I once came up here alone and crying.
Nakipag break ang boyfriend ko sa akin that time sa reason na nagsawa na siya sa akin. Ang sakit nun sobra mahal na mahal ko yun eh and actually yun ang First Boyfriend ko.
Nabulag ako that time siya din kasi ang first love ko at talagang I cannot help na ganun ang nangyari. Then a boy from nowhere came up, its you, lumapit ka sa akin inalok mo ko ng panyo sabay ng tanong mo na..
"Miss okay ka lang?"
but instead hindi kita sinagot nun tumalikod lang ako at dun pinagpatuloy ang pag-iyak pero sadyang makulit ka ata kinalabit mo ko nadala ako ng emosyon ko naasar ako sayo kaya humarap ako at sinapak ka pagkatapos nun ay tumayo na ako at umalis palabas ng simbahan.
Narinig ko pa nga ang pagsigaw mo eh.
"Miss! Im just offering a comfort here! and pleasing you to speak now about your problem but what the fudge! you just suddenly punch me ?!"
***
Makalipas ang ilang araw pasukan na naman pero this time college na ko sa kursong Tourism at kung minamalas nga naman ako hindi ko naman inakalang nung Ex-Boyfriend ko at nung bago niyang girlfriend ay magiging ka blockmates ko. Nakakaasar lang.
Oo, i admit bitter pa din ako sa kanya hindi pa din ako nakakamove-on. In the Process pa lang pero The hell? paano ako makaka-move on kung ganito?
Ako pa lang ang mag-isa sa upuan wala pa kong katabi nang pumasok ka na tarantang taranta at pinagpapawisan. Pagkapasok mo pa nga nun may mga babaeng nagtilian at nag bulong-bulungan.
'Shit.Ang Hot niya'
'Oh my...asan nung towel? pinagpapawisan siya dali..'
'Swerte natin! ka blockmate natin siya!'
'Gwapo niya talaga!'
Napailing na lang ako hanggang ngayon pala may mga Fangirls pa din? akala ko wala na ngayong college eh.
Naghanap ka ng upuan nilibot mo nung tingin mo at sakto napatingin ka sa tabi ko. Tsaka ka diretso pumunta dun at tumabi sa akin bago ka pa nga umupo bigla mo pa kong kinindatan kaya inirapan kita. Ang feeling mo kasi.
Nung first day nagkaroon ng activity at tinatawag yun na 'Your-First-Impression-To-Your-Seatmate' napairap na lang ulit ako. The Eff. wala akong planong kilalanin ka.
BINABASA MO ANG
Writer's Dust
Historia CortaWriter's Dust A compilation of One shot stories about love, pain, hope, mystery and unexpected turn of events. It lies between fiction and reality. (Taglish)
