4th Dust: Tied Together with a Smile

18 2 1
                                    

4th Dust: Tied Together with a Smile


Cleon's Point Of View.

"Hindi, kasi ganito talaga yun ang katunayan niyan kaya siguro kami cool off ng boyfriend ko kasi masyado na daw akong Hot para sa kanya, nagpapalamig muna siya, Sa tuwing nandyan kasi ako lagi siyang pinagpapawisan."-Nicole

"Loko ka talaga Nicole!"

"Hanep ka rin Nicole eh."

"Jongdae pa more! Nicole Push mo yan!"

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Nicole at napasandal sa upuan ko habang kinakausap siya ng mga kaklase namin.

"Heto nanaman siya,pasimpleng tingin sabay ngiti sa biro ng iniirog niya~ yay!" Bulong sa akin ng kaibigan kong si Jimin na kakaupo lang sa upuan niya.

"Loko." Tanging nasagot ko.

"Balita ko cool off daw sila ng Boyfriend niya ah, chance mo na yan! Pormahan mo na!"

"Baliw ka, Cool Off nga lang diba, hindi naman sila nag break." Sagot ko.

Tinitignan ko lang siya nang madako ang tingin niya sa akin,nagulat pa nga ako. Shit lang, nahuli niya kong nakatingin sa kanya pero nginitian niya lang ako at ako ayun tumango lang.

Men! Hindi ako handa! Kinabahan ako nun ah!

"Hahahhahaha! Lakas talaga ng tama mo kay Nicole Choi ah! Ibang klase ka! Andaming nagkakandarapa sayong babae dito oh tapos si Nicole lang na hindi kayang ibalik nung nararamdaman mo sa kanya nung nagustuhan mo."

Hindi ko na lang siya pinansin,kung hindi ko lang ito kaibigan malamang sinapak ko na ito.

Pero sabagay totoo naman yung sinabi niya na sa dinadami daming may gusto sa akin, yung taong gusto ko yun pa yung hindi napabilang sa kanila. Haist. Ang Unfair ng buhay.

Si Nicole Choi?

Unang beses ko siyang nakita ay nung first day of school na dito sa college pareho kami ng kinuhang kurso, business management. Naliligaw siya nun at saktong ako ata yung nakita niya kaya sa akin siya nagtanong,nagpresenta akong sabay na lang kami tutal pareho naman kami ng papasukan.

Grabe ang kaba ko ng kasabay ko siyang maglakad. Hindi ko nga maintindihan eh pero natameme ako bigla sa kanya samantalang siya ayun puro kwento ng adventure niya daw dito sa school dahil kanina pa daw siya naliligaw, tumatawa siya sa sarili niyang mga biro ako napapangiti na lang.

Si Nicole simpleng babae lang siya, shirts at jeans ang kadalasan niyang porma pero maganda siya lalo na kapag nakangiti. Hindi siya katulad ng ibang babae na pala-make up. Hindi rin siya maarte sa katunayan hindi siya natatakot na magmukhang katawa-tawa.

Noong una ang balak ko makipag-kaibigan sa kanya kaso ayun iba talaga nung epekto niya, pag nandyan talaga siya lagi akong natatameme kaya ayun hindi rin natuloy yung plano ko, pero tinuring niya rin akong isa sa mga kaibigan niya. Marami kasi siyang kaibigan dito eh.

Friendly siya atsaka marami rin ang gustong makipag kaibigan sa kanya mabait kasi siya at masiyahin.

Yung tipong siya yung mood maker or nung happy virus namin dito sa klase, pag pare pareho na kaming pagod dahil sa thesis at mga project siya nung nag a-up at nag i encourage sa amin.

"Gusto ko kasi na nung mga nasa paligid ko maging masaya." Yan yung minsan na naging sagot niya dati noong ininterview siya dahil ni feature siya sa School paper namin.

Lagi siyang ganun kaya hanggang ngayon na graduating kami, siya pa rin ang mahal ko.

Kaso ayun hindi kasi lahat ng gusto natin nakukuha natin.

Writer's DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon