7th Dust: He Just Moved

20 3 2
                                        

7th Dust: He Just Moved

  I never moved even when everyone is pushing me to death.
Until something happen and it move everything away from me.
  I wasn't aware, while I'm being pushed down and living in oblivion of knowing the reasons why they're doing this fucking tricks on me, something happened.
  And this something ends and changes.
But afterall, I'm still breathing.

**

5 Years ago, Isang hamak na commoner at laging nabu-bully nila Maera Sada ang buhay ko sa Terestan Academy.

5 taon ang nakalipas ngayong araw na ito tandang tanda ko pa ang lahat ng nangyari.

Kung paano nito binago ang buhay ko at kung paano tinapos ang buhay niya.

Ang nangyari 5 years ago ang naging dahilan kung bakit nasa magandang estado ang buhay ko ngayon.

Wala akong ginawa para mai pagtanggol ang sarili ko sa pang-aapi nila sa akin, pero siya ang kumilos para sa akin.

Buhay ako ngayon.

Dahil sa kanya.

August 12, 2016/ Friday / 11:51 Pm.

   Simula pa lang ng araw ko sa Terestan Academy, tanggap ko na, na hindi biro ang eskwelahang pinasok ko. Isa lang akong commoner, nakaka survive sa paaralang ito sa pamamagitan ng scholarship. Unang araw ko pa lang na-bully na ko, dahil nga ako ang pinaka naiiba sa kanilang lahat, ang school na ito ay paaralan ng mayayaman at hindi ng isang tulad kong umaasa lamang sa scholarship, piliin ko man umalis ngunit hindi ko magawa, katulad nga ng sinabi ko mahirap lang ako, kami ng pamilya ko.

Ang ama ko'y may lung cancer at ang ina ko naman ay nagta trabaho bilang labandera, kung saan kinukuha namin ang pang araw-araw naming tatlong magkakapatid.

Na-bully ako, halos araw-araw na pinaparamdam sa akin ng mga estudyante sa paaralang iyon na hindi ako nararapat doon.

Marami silang bagay na ginawa sa akin, gaya na lamang ng minsan ay binuhusan nila ako ng isang baldeng tubig na ginamit sa paglilinis ng school janitor namin habang nasa cubicle ako ng comfort room namin, halos araw-araw din pag bubuksan ko ang locker ko ay madadatnan ko ang mga basura sa loob nito, nilagyan na rin nila ng daga ang bag ko habang nasa klase ko kaya napasigaw ako nun at saktong ang pinaka striktong guro ko pa ang naroon, nagalit siya sa ginawa kong ingay kaya't na-detention ako, dahil kasama sa class rules na bawal gumawa ng unnecessary noise, ang sabi pa niya na sa susunod ay linisin ko daw ang bag ko para naman hindi daw pinamamahayan ng daga, sabi naman ng mga kaklase ko napaka pet lover ko daw at dinadala ko pa daw sa school ang alaga ko.

Masakit.

Sobrang sakit sa parte ko na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ito ang nararanasan ko pero kailangan kong magtiis alang-alang sa pangarap ko at pamilya ko. Para sa kanila.

At ngayong araw na ito, may kakaibang nangyari. Sa halos tatlong taon ko sa eskwelahang ito ngayon lamang tumahimik ang lahat.

Sobrang nanibago ako sa lahat, dalawang araw lang naman akong absent dahil nga sa sinugod nanaman sa ospital ang aking ama at kailangan ko siyang bantayan.

May nangyari ba noong mga araw na wala ako?

Gusto ko man magtanong ngunit para namang may sasagot sa akin.

Wala si Maera Sada, anak ng isang pulitiko, ang palaging nangunguna sa pambu bully sa akin. Una kong naisip nun na baka absent siya o hindi kaya ay late.

Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Riri Won, bestfriend ni Maera, ang katu-katulong nito sa pambu bully sa akin, nagkatinginan kami, malalim ang binigay niyang tingin sa akin na agad niya ring binawi nang malagpasan niya ko. Agad-agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng oras na yun. Napakalalim ng tingin niya para akong malulunod pagtinignan ko pa siya.

Writer's DustMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon