Nowadays, sa 21st Century na meron tayo ngayon lahat ibang-iba na kumpara sa nakasanayan ng mga lolo't-lola natin noon. Ang dating love letters napalitan na ng sweet text messages, chat, post, tweet, blog and anything na may kinalaman sa social media na ginagamit para makapag send ng message para sa mga taong mahalaga sa atin.
Pero sabagay hindi naman lahat ng tao may lovelife yung iba mema lang sa post or tweet.
Katulad ko.
Meron naman akong taong gusto kaso sa kasamaang palad kasama ako sa samahan ng mga one sided love lang ang meron, sad life nga sabi nila.
Kaya ito, I decided na sa Fictional Character na lang magkagusto. I bought a book sa isang bookstore malapit sa amin, hindi ito kasing sikat ng mga librong na halos lahat ng tao ay alam ito, actually medyo ripped na nga ang cover nito pero nababasa pa rin tsaka mura lang kasi ang halaga " His Name Is Shannon" ang tittle. Wala itong summary na nakalagay sa likod, ang cover nito ay simple lang pigura ng lalaking nakatanaw sa sunset.
Hindi ko alam kung bakit ko binili ito basta na lang kinuha ito ng mga kamay ko at parang may nag uudyok sa akin na kailangan ko itong basahin.
Pinagbigyan ko ang sarili at hindi naman ako nagsisi.
Isang linggo akong nag suffer sa saya, lungkot at kilig. Love story ito ni Shannon, isang lalaki na akala ng lahat ay masungit at tahimik lamang pero sa kwento na-meet niya si Shana na nag tiyagang makipag kaibigan sa kanya at ang nagpatunay na ibang iba si Shannon sa iniisip ng lahat ng naroon sa kwento.
Gaya lang din ng ibang love story, typical lang din ito kung saan nagsimula sa pagkakaibigan, hanggang sa naging denial sila sa feelings nila, nagka problema at ayun nagka aminan. Ngunit kahit ganoon, kahit na cliché na tagos tagos pa rin ang pakiramdam ko.
Lalo na sa character na si Shannon! Samu't- saring pakiramdam ang binigay niya sa akin kahit na binabasa ko lang siya, buhay na buhay siya sa imahinasyon ko.
Naroon ang mga oras kung kailan kinilig at nainis ako sa kanya pero in the end minahal ko siya. Kaso nga ayun Fictional Character siya.
Kundi man ako na Friendzoned before ito naman ngayon Fictionzoned. Pero kahit papaano umaasa pa rin ako or di kaya nag i imagine na darating si Shannon sa buhay ko.
Masyadong imposible, lakas kong maka pipe dream. Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Nagbago ang lahat, dumating siya.
As in.
The way na nilarawan ng libro ang mukha at kilos niya ay katulad na katulad ng Shannon na nasa buhay ko ngayon at ang mas matindi Shannon din ang pangalan niya.
Minsan tuloy naiisip ko kung ako ba si Shana.
Pero hindi.
Ako si Linelle.
Nasa reyalidad ako at wala sa fiction.
My beloved fictional character is here! Here in my reality.
And I am sure,
Gising ako.
**
2nd day na ng pagiging Grade 9 student ko at hanggang ngayon windang pa rin ako. Nandito talaga si Shannon! As in! Tapos yung upuan niya eh sa likod ng katabi kong si Dave. Kaya para akong tuod dito sa upuan ko, hindi ko alam kung bakit para akong na e-estatwa pag naririnig ko siya sa likod.
Katulad nga doon sa librong nabasa ko, masungit ang itsura niya pero may mga kaibigan siya kadalasan babae, mas malapit siya sa babae kaysa sa mga lalaki kasi may ugali siyang mahilig mang asar, sa libro nga may mga napikon na lalaki sa kanya kasi palaasar siya.
BINABASA MO ANG
Writer's Dust
Short StoryWriter's Dust A compilation of One shot stories about love, pain, hope, mystery and unexpected turn of events. It lies between fiction and reality. (Taglish)