“Mama!” sigaw ni Lily habang bumababa sa hagdan ng kanilang bahay.
Nadatnan niya ang kaniyang ina na nag-aayos ng bulaklak at inilalagay ito sa isang babasaging vase. Dali-dali siyang lumapit rito saka hinagkan ang ina.
“Bakit, ‘nak?” tanong ng ina niya saka inilagay sa isang tabi ang ginagawa. Nakita nito ang hawak na suklay ng anak kaya naman nalaman na niya agad ang nais nito.
“Tara na, umupo ka na sa harapan ko.”
Nagbigay muna siya nang matamis na ngiti bago umupo si Lily sa harapan at iniabot ang suklay sa ina. Sinimulan ng kaniyang inang si Mina na hagurin ang kaniyang buhok gamit ang suklay.
Noon pa man ay gustong-gusto nang maramdaman ni Lily ang pakiramdam na sinusuklayan ng sarili niyang ina ang kaniyang buhok. Kaya naman simula nang magtagpo ang landas nila ni Mina, palagi na siyang nagpapasuklay rito dahil bilang isang batang babae, napakasarap sa pakiramdam na sinusuklayan at inaayos ng kanilang ina ang kanilang buhok.
“Thank you, ma. Sorry kung lagi akong nagpapasuklay sa'yo kahit kaya ko naman.” Napayuko si Lily dahil nahihiya siya sa ina at naaabala niya pa para lang magpasuklay.
Ngumiti ang kanyang ina saka iniangat ang mukha niya. “Lily, alam mo naman na kulang pa ‘to sa mga taon na wala ako sa tabi mo. Pabayaan mo na lang kami ng papa mo na makabawi sa'yo.”
Hindi mapapantayan ang sayang nadarama ni Lily noong nalaman niya na sina Mina at Raff ang kaniyang tunay na magulang. Simula noong mabangga ng kotse nila Mina si Lily ay kinupkop na nila ito dahil nalaman nilang pinalayas ito at walang matitirahan. Naalala nila ang anak nilang nawawala kay Lily.
Nang makauwi sila mula sa ospital ay namalagi na sa kanila si Lily. Magpa-file na sana sila para sa adaption nito nang may makitang litrato si Lily. Ang sabi niya ay nanay niya raw ang babae sa litrato. Kinutuban ang dalawang mag-asawa dahil ang nasa litrato ay ang katulong nilang may sakit sa matres at walang kakayahang manganak. Ang babaeng iyon rin ang huling kasama ng kanilang anak at pinaniniwalaang ito ang kumuha sa kanilang anak.
Hinanap nila ang katulong ngunit nalaman nilang namatay ito at hindi nila nalaman kung saan na napunta ang bata. Nang pinagkwento naman nila si Lily, sinabi nitong pagkamatay ng kaniyang ina ay inampon na siya ng kaniyang tita. Ngunit hindi maayos ang pagtrato ng mga ito sa kaniya pagkatapos ay pinalayas siya.
Hindi malaman ng mag-asawa kung ano ang mararamdaman dahil sa mga nalaman. Napagdugtong-dugtong nila ang kwento at iisa lang ang tinutumbok nito. Kaya naman kinabukasan ng araw rin na iyon, nagpa-DNA test sila. At tama nga ang kanilang konklusyon. Si Lily nga ang anak na matagal na nilang hinahanap. Naisip nila, kaya pala magaan ang loob nila sa bata at may kakaiba silang nararamdaman para rito noong una nilang kita. Iyon pala ay naramdaman nila ‘yung tinatawag na “lukso ng dugo”.
Nag-aya ang kaniyang ina na kumain sa labas sa may hardin nila. Hindi maipagkakailang mayaman talaga ang kaniyang mga magulang. Pero tuwang-tuwa talaga siya sa kanilang bahay. Malaki kasi ito. Kaya naman nasabi niya sa sarili na kapag marunong na siyang gumawa at magdisenyo ng mga bahay ay gagawa siya para sa sarili.
“Ma, kukunin ko lang po ‘yung mga gamit ko. Gusto ko po kasing mag-drawing pagkatapos kumain.”
“Ganoon ba? Gusto mo ipakuha ko na lang?” tanong nito.
“Ako na po, ma. Kaya ko po,” pagkasabi niya nito at mabilis siyang umakyat sa kwarto saka kinuha ang gamit. Regalo ito ng mga magulang niya noong ika-walo niyang kaarawan. Nalaman kasi ng mga ito na nais niyang maging arkitekto kaya naman binilhan siya ng iba't ibang klaseng ruler, sketchpad, pens at kung anu-ano pa. Natawa nga siya dahil hindi pa naman niya alam gamitin ang ibang gamit doon pero dahil mahigit dalawang taong na niya itong gamit, medyo sanay na siya.
Kumokopya siya paminsan ng mga larawan ng mga bahay at pinagsasalo ang ang dalawang katangian ng dalawang blueprint ng mga bahay na nakikita niya sa internet. Kaya kahit bata pa ay may compilation na siya ng mga gawa. Simple lang ang mga gawa nito at hindi ganoon kakumplikado. Pero may ginagawa siya na hindi niya matapos-tapos.
Pagkakuha niya ng mga gamit ay dumiretso siya sa garden ng bahay nila. Sa lamesang may umbrella siya dumiretso kung saan nakita niya ang ina at ilang katulong na naghahain ng mga pagkain.
Inilapag niya sa upuan sa kaniyang gilid ang gamit na dala-dala niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang papa niya. Lumapit siya dito at nagpakarga. Tumatawang hinalikan siya ng ama sa pisngi at nagsalita.
“Ang bigat na ng baby ko, a,” sabi nito. Magpapababa na sana siya dahil baka nga nabibigatan na ang papa niya pero hinigpitan lang nito ang pagkakakarga sa kaniya.
“Ito naman, biro lang ‘yun, baby ko. Alam mo namang lahat gagawin ni papa para sa'yo kahit magpabuhat ka pa kapag dalaga ka na.”
Lumapit si Mina sa kanila at kinurot ang ilong ni Raff.
“Hmm. Ikaw kasi pinapasama mo ang loob ng anak mo.” Humalik si Raff sa pisngi ng kaniyang asawa.
“Joke lang naman ‘yun, ‘di ba, baby?” Napangiti na lang si Lily sa kinikilos ng mga magulang niya saka napatango.
“Tara na nga't kumain na tayo. Lalamig ang pagkain.”
***
Pagkatapos kumain ng agahan ay umalis na si Raff para pumasok sa kaniyang trabaho. Si Mina naman ay nagpaalam kay Lily na may gagawin siya sa loob ng bahay at babalik na lang kapag natapos na. Naiwan si Lily sa garden at nagsimula muling gumuhit.
Noon pa man ay may gusto ng iguhit si Lily. Paulit-ulit na niya itong ginagawa pero hindi niya makuha ‘yung tamang itsura ng gusali. Kaya naman pauliy-ulit na nasasayang ang pagpapakapagod niya. Hindi niya alam kung saan niya nakita ang gusali ngunit sa tuwing aalalahanin niya ay kulang ang naaalala niya. Minsan blanko. Para siyang nag-iisip ng isang bagay na hindi niya malaman kung mayroon ba talaga o wala.
Habang gumuguhit ay naramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. Inilibot niya ang paningin at nakita ang isang batang lalaki na nagtatago sa likod ng halamanan. Ngumiti ito sa kaniya kaya naman nginitian niya rin ito. Balak sana niyang lapitan ito ng tawahin siya ng kaniyang ina. Paglingon niya ay wala na ito. Napakunot ang noo niya.
“Nasaan na ‘yun?”
“Lily, aalis muna ako. Okay ka lang ba maiwan rito?”
“Opo, ma.”
“O, sige. Mauuna na ako. Kapag may kailangan ka tawagin mo na lang sila Aling Lourdes, ha?”
“Opo.”
Niyakap muna siya ng ina bago umalis. Pagkaalis na pagkaalis nito ay pinuntahan niya ang pwesto ng batang lalaki kanina. Hinanap niya ito pero wala siyang ibang nakita maliban sa papel na nasa lapag.
Nanlaki ang mata niya dahil sa nakita. Nakaguhit sa papel na napulot niya ‘yung istraktura ng gusali na gusto niyang iguhit. Perpekto ito tulad ng kung paano niya ito gusto. Hinanap niya muli ang bata pero wala na talaga. Hindi na niya ito mahagilap.
Muli siyang napatingin sa nakaguhit.
“ang ganda,” sambit niya habang sinusuri ang larawan. Simple ngunit maganda ang pagkakagawa ng gusali.
Habang sinusuri niya ito ay may nakita sila sa ibabang bahagi ng papel sa kanan. May makasulat rito pero dahil maliit ay hindi niya mabasa. Ilang ulit niya itong tiningnan at pinilit basahin.
“No one,” basa niya.
Muli siyang napatingin sa gusaling nakaguhit at sa malaking pangalan na nito.
“DreamInn…”
~jadestarstories~
BINABASA MO ANG
DreamInn [Completed]
Fantasy"I choose him for you. Kasi hindi tayo pwede..." Threeeighths series # 1