345

233 16 4
                                    

“Thank you po.”

“Thank you rin,” nakangiting tugon niya.

Umalis ang babae sa harap ni Lily at muli na namang napalitan ng dalawang babae na parehong may hawak-hawak na libro.

“Hello po ms. Lily! Sa wakas nakita ka na po namin!”

“Oo nga po. Sobra po kaming natutuwa sa sinulat ninyo,” hindi matanggal ang mga ngiti ng mga dalaga sa kanilang mukha kaya naman ngumiti rin sa kanila si Lily.

Inabot nito ang mga libro saka niya sinulatan ng maikling mensahe at ng kaniyang pirma.

Ngumiti sa kanila si Lily bago ibinalik ang mga libro.

“Pa-picture po, a.”

“Sure.”

Tumayo si Lily sa kinauupuan saka lumapit sa dalawang dalaga sa harapan. Iniangat ng isang babae ang kaniyang cellphone at saka sila tumingin roon. Nakailang pindot at pose rin sila sa picture bago magpaalam ang dalawa at nagpapirma na naman ang nasa harap niya.

Muling tiningnan ni Lily kung gaano kahaba ang pila. Ang puso niya ay nagagalak sa tuwa dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito karami ang susuporta sa libro niya. Ni hindi nga pumasok sa utak niya na papasukin niya ang pagsusulat pero heto siya at pumipirma ng mga libro.

Muli siyang napangiti. Pero sa loob-loob niya, nakaramdan siya ng kirot sa kaniyang puso. Muli niyang naalala ang kaniyang inspirasyon pati na rin ang pangako niya at dahil doon kaya nandito siya.

“Ito na, Noah. marami nang nakakakilala sa ‘yo,” bulong niya sa sarili.

Tumagal pa ng ilang oras ang book signing niya hanggang sa naisipan na lang na mag-cut-off dahil sa dami pa ng nais magpapirma.

Napainat si Lily at napahikab pa. Pagkatapos umalis ng huling  tagahanga.

“Pagod na yata ang fiance ko.”

Napatingin siya sa nagsalita at napangiti ng malaman kung sino ito. Lumapit ito sa kaniya saka siya hinagkan sa pisngi. Lumayo si Chase sa kaniya ngunit yumakap siya dito at pumikit.

“Mukang hindi na lang gusali ang binubuo mo, a. Kahit mundo, binubuo mo na rin.”

“Hmm... ang kaso fiction lang.”

Naramdaman niyang naistatwa si Chase sa kinatatayuan. Napamulat siya.

Shit.

“Sorry,” bulong niya saka tumingin kay Chase.

“D-don’t be…”

Ngumiti ito ngunit iba ang sinasabi ng mga mata nito. Nakita niya sa mga mata nito ang sakit at takot. Nakonsensiya siya kaya naman ikinulong niya ang mga pisngi nito sa kaniyang mga palad at dahan-dahang lumapit hanggang sa magdikit ang kanilang mga labi. Hinalikan niya ito. Halik na binibigyan sila pareho ng kasiguraduhan sa kanilang nararamdaman. Lumayo siya muli nan kaunti at ngumiti. Ang mga kamay niya, nananatiling nasa pisngi ni Chase.

“Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? Mas mahal kita.”

Nabanggit na ni Lily ang lahat-lahat kay Chase noong nagkabati sila. Naikwento niya dito si Noah at kahit nag-aalangan, sinabi niya dito ang nararamdaman niya sa ibang lalaki. Akala niya ng araw na ‘yon, magagalit sa kaniya si Chase at makikipaghiwalay pero tinanong lang siya nito.

DreamInn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon