88

289 14 7
                                    

Nagising si Lily nang wala sa sarili. Nakakunot ang noo nito nang lumabas sa DreamInn. Naguguluhan siya. Masyadong okyupado ang kaniyang isip sa lahat ng nangyari. Napapaisip siya kung ano 'yung napanaginipan niya.

Ano 'yung napanaginipan ko? 'Yon ba ang hinaharap ko? inosenteng tanong nito sa sarili.

Lumingon si Lily ngunit nabigla siya nang makitang ang kinatitirikan ng DreamInn noon ay biglang nawala. Ang tanging nakikita niya lang ay isang malaking bakanteng lote.

Lalong nagulo ang isip ng batang si Lily. Nararamdamn niya na unti-unti'y nananakit na ang kaniyang sentido.Sa dami ng iniisip ay hindi niya napansin ang kotseng parating habang tumatawid siya. Huli na ng marinig niya ang busina ng sasakyan at ang tanging nagawa na lang niya ay titigan ito.

Mabilis na bumaba sa kanilang kotse ang mag-asawa upang masaklolohan ang bata sa unahan ng kanilang kotse. Ang mga tao sa paligid ay nagmamadali ring pumalibot sa bata.

Pakiramdam ni Lily ay tumigil ang mundo. Naririnig niya ang mga tao sa paligid ngunit hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Pagkalipas ng ilang sandami ay naramdaman niya ang mainit na likido na umaagos mula sa kaniyang ulo. Nakita niya ang isang babaeng tumulong sa kaniya.

Pamilyar ang mukha nito at sigurado siya na ito cyung babae sa panaginip niya.

"Mama..."

Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niya ang isa pang pamilyar na lalaki.

Noah.

Ngumiti siya rito bago tuluyang mawalan ng malay.

DreamInn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon