888

255 12 6
                                    

Tirik ang araw at malumanay na humahampas ang alon. Pino ang mga buhangin at umaalingawngaw ang halakhak ng mga batang naglalaro sa tabi ng dagat.

Nanghihina ngunit masayang ngumiti si Lily. Ang tanawing nasa harap niya ay tila isa sa mga itsura ng mga paraiso na naiisip niya.

"Lola, gusto mo po mag-swim?" Naagaw ng bata sa tabi ng kaniyang inuupuan ang kaniyang atensyon.

Ngumiti lang ito saka marahang umiling.

"Baby, anong sinasabi mo kay mama?" Napaangat ang kaniyang ulo ng marinig ang nagsalita. "Hi, mom!" Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka nagmano. "Anong kinukwento sa'yo nitong si IU?"

"Mama, tinatanong ko po si Lola kung gusto niya po mag-swim."

Napatawa si Annie sa sinabi ng anak. "Hindi na pwede si lola, IU e. Kung gusto mo si Leon na lang ang ayain mo."

Biglang bumagsak ang mga balikat nito at bumakas ang lungkot sa mukha.

"Ayaw niya po, mama e," nakalabing sabi nito at parang kaunti na lang ay iiyak na.

"Ganoon ba? Sila tita Marry mo ba natanong mo na? Baka gusto nila mag-swim."

"Hindi pa po, mama. Sige po tatanungin ko sila, mama!" Ngumiti ito bago masiglang tumatakbo paalis sa kaniyang lola at mama.

Napangiti si Lily sa nasaksihan kaya naman ng lingunin siya ng anak ay nagtanong ito.

"Why, mom?"

Madahan lang siyang nakangiti dahil nanghihina na siya ay tila hindi na kayang magsalita. Natutuwa siya dahil alam niyang naging mabuting ina siya sa kaniyang anak kaya naman naging mabuting ina rin ito sa kaniyang apo.

Ilang taon na nga ba ang lumipas? Tila parang kahapon lang ang lahat ng pinagdaanan niya ngunit heto siya at nananatiling nagpapakatatag.

Ilang sadali lang ay may lumapit sa kanila. Si Ariel, ang asawa ng kaniyang anak na si Annie.

"Hi, Mama! Masaya ka ba?" Sabi nito pagkatapos magmano.

Gustuhin man niyang magsalita ay wala na siyang magawa. Tila ginawa siyang pipe ng kanyang kahinaan.

Masaya ka ba? Paulit-ulit itong narinig ni Lily sa kaniyang isipan. Masaya nga ba siya?

Bumalik sa kaniya ang lahat ng alaala niya noon. Simula noong bata pa siya. 'Yung mga panahong nakilala kiya ang mga magulang niya. Mga alaala niya sa paaralan maski ang araw na unang nagkita sila ni Chase.

"Ma, sandali lang po pala, magluluto lang kami."

Tumango lang si Lily bilang tugon sa mag-asawa at nagpaalam na ang mga ito. Nang makaalis ang mga ito ay muli niyang nilunod ang sarili sa mga alaala.

Si Chase. Napangiti siya ngunit may pait. Nasaan na kaya siya? Maayos kaya ang kalagayan niya? Sana ay masaya siya. Ilan lang ito sa mga bagay na nasasabi niya sa sarili kapag naiisip ang pinakamamahal na lalaki. 'Yung lalaking dinala siya sa altar at pinangakuan siya sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos. 'Yung lalaking nangakong panghabangbuhay sila. 'Yung lalaking nangakong hindi na mauulit ang kasalanan niya noon.

Masakit mang isipin pero hindi niya mapigilan. Dahil hindi niya pwedeng alalahanin ang lalaking mahal niya nang hindi kasama o kaya nama'y nasusundan ng masasakit na alaala.

Parang sariwa pa ang lahat ng sakit at hanggang ngayon ay gumuguhit pa rin ito sa pagkatao niya. Sa muling pag-alala niya sa nakaraan ay kasabay ang muling pagbuka ng sugat ng kahapon.

Tanda niya pa ang lahat.

Limang taon na ang nakalipas simula ng ikasal sila. Masayang-masaya si Lily dahil sa wakas, dumating na ang matagal nilang iniintay. Sa wakas, magkaka-anak na sila ni Chase. Inisip niya na isakto sa ikalimang anibersaryo nilang mag-asawa ang pagsasabi ng mabuting balita. Pinaghandaan niya ang araw na iyon. Inintay niya ang asawang makauwi. Makailang ulit na siyang napapatingin sa orasan. Lumamig na ang pagkaing inihanda niya at bumabagsak na ang talukap ng kaniyang mga mata pero wala pa rin ito.

DreamInn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon