EPILOGUE

1.7K 55 1
                                    

Masayang naglalaro ang apat na taong gulang na batang si Jason sa malawak na carpet malapit sa isang sikat na ilog sa San Sebastian. Nakasuot ng sandong puti, shorts at cap na kulay pula. Kasama niya ang kaedad na batang si Harvey. Palipat-lipat sila ng pagpasa ng nilalaruang bola habang panay ang hagikhik ng mga ito. Sa may di kalayuan ay nakaupo sa isang mahabang upuan ang nagbabantay sa mga ito na sina Hilda at Helen, kapwa magkapatid subalit nagtratrabaho bilang mga babysitter sa magkaibang pamilya, bakas sa mukha nila ang sayang idinudulot habang pinagmamasdan ang dalawa sa kabila ng pagod na dinanas nila nang araw na iyon sa pagbabantay sa mga ito. Kinuha ni Helen ang wristwatch sa bulsa ng suot na bestidang pinaglumaan na ng panahon. Naisip niya na kailangan na niyang bumili ng bago dahil hindi na niya maisuot ang relong sira ang strap na nabili niya sa bangketa dalawang taon na ang nakakaraan at nakailang palit na siya ng baterya dito. Alas-kwatro y medya na pala ng hapon. Dapat na silang umuwi at baka galitan na siya ng amo niya.

"Ate Hilda, anong oras na oh, kailangan na nating umuwi pala. Baka magalit si madam sa akin kapag nadatnan niyang wala pa sa bahay si Jason." Sabi ni Helen sa kapatid.

"Oh, okay sige, kukunin ko lang 'yung mga gamit." Sagot naman ni Hilda at umalis para pumunta sa shade house sa may di kalayuan.

Saglit na napatingin si Helen, malapit nang lumubog na araw. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa talahiban na nasa likuran lamang niya. Napatayo siya, gumalaw ang mga talahib. Nilapitan niya ito para makita kung ano iyon. Napapitlag siya nang may lumabas na asong kalye. Nakahinga siya ng maluwag. Kasabay noon ang pag-iyak ng batang si Harvey. Tumakbo siya palapit dito habang itinuturo ang talahib malapit sa ilog. Niyakap niya ang bata. Nanlaki ang mga mata ni Helen, hindi makapaniwala sa nakikita, ilang metro lang ang layo mula sa kanya, sa likod ng talahib ay ang mapupulang mga mata na kasabay ng tunog ng parang galit na galit na hayop. Nagtatakbo naman si Hilda palapit sa kanya.

"Helen! Anong nangyayari ????"

"Ate, si Jason! Si Jason!" sabi nito na nakatingin sa kapatid. Pagtingin niya sa kung nasaan ang mga mata ay wala na ito roon.

"Jason!!!! Jason!!!!" malakas na pagtawag ulit ni Helen. Kasunod noon na nakita na lamang niya ang pulang sombrero ni Jason na lumulutang sa ilog.

The Case of Jason LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon