Sino kaya ang misteryosong babaeng iyon?
Iyon ang tanong nilang tatlo sa kanilang mga sarili habang tumatakbo ang sasakyan. Pabalik na sila sa lodge ng mag-asawa. Matapos ang pagtatalo ni Marco at Sam ay napagdesisyunan nilang umuwi na lamang at hindi na ituloy ang road trip, lahat ay nawalan na ng gana dahil sa nangyari. Hindi pa rin nag-iimikan ang dalawa, at ramdam ni Jake ang awkwardness sa pagitan ng dalawang kaibigan. Nang makarating na sila sa lodge ay dumiretso na agad si Sam sa kwarto.
Napansin naman ito ni Matilda na hawak ang kahahango lamang na chicken pie mula sa oven.
"Ang bilis naman yata ng road trip n'yo." Bati nito.
"Naku Madam, hindi na po natuloy." Sagot ni Jake.
"Oh bakit? May sakit ba si Samantha?"
"Ah.. opo." Pagsisisnungaling ni Jake.
"Ay pupuntahan ko para matingnan, may lagnat ba? May halamang gamot ako rito na mabisa pampawala ng sakit."
"Ah naku, wag na po. Napainom na po namin siya, magiging okay din po 'yun, salamat na lang."
"Sigurado kayo huh. Oh siya kumain muna kayo habang mainit pa itong pie, dalhan n'yo na lang si Samantha sa kwarto." Sabi ng matanda habang hinihiwa ang pagkain.
"Ah sige po, maraming salamat."
Ilang sandali pa ay dumating na si Joaquin, pawisan ito habang hawak ang rifle. Nakaramdam ng takot si Jake. Naalala niya ang komprontasyon nila ng dating kaibigang si Jesse.
"Naghunting ka na naman?" tanong ni Matilda.
"Oo eh. May malaking usa akong nakita, sayang hindi ko natamaan, napakailap eh." sagot naman ng asawa.
"Hay naku, tama na itong mga pinatuyong hayop mo rito sa bahay, ang dami na kaya. Wala ka nang mapaglalagyan."
"Hayaan mo na." wika nito at napansin ang dalawang lalake na nakatayo. "Ang bilis naman ng gala ninyo."
"Hindi raw maganda ang pakiramdam nung babae kaya bumalik na sila. Oh may balita na ba tungkol sa nawawalang bata?"
"Wala pa nga eh. Nahihirapan ang mga pulis na tukuyin ang kinaroroonan ng bata, walang potensyal na saksi maliban sa magkapatid na kasambahay."
"Nakakalungkot naman. Sana maibalik na ang bata sa mga magulang nito."
"Oo nga eh, kung kidnapping naman, hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag ang mga dumukot sa bata."
"Pumunta ka ba sa police station para masagap ang mga balitang 'yan?"
"Oo, kailangan eh. Yun lang ang sinabi sakin noong pulis na si Santos na siyang may hawak ng kaso."
"Ah tito ko po 'yun." Sagot ni Marco.
"Talaga? Biruin mo nga naman ano? Magaling na pulis ang tito mo, kaya malamang malulutas agad ang kaso."
"Sana nga po." Sabi nito at pumasok na sa kwarto. Nadatnan niya si Sam na nakahiga at natatakluban ng unan ang ulo.
"Alam ko naririnig mo ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa'yo dahil sa nangyari kanina. Nasaktan din ako sa mga sinabi mo pero naiintindihan kita. When we were in college, I'm so selfish and self-centered." Sabi niya at umupo sa gilid ng sariling kama habang tinatanggal ang sapatos. Hindi pa rin kumikibo si Sam. "Masyado lang akong concern sa kalagayan natin.... Sa kalagayan mo." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
The Case of Jason Lorenzo
Mystery / Thriller(5th case of "THE CASE" SERIES) Bumalik sina Sam at Marco sa Pilipinas para matulungan ang kanilang kaibigang si Jake upang makalimot sa mga masasamang nangyari rito. Nagdesisyon silang pumunta sa San Sebastian subalit isang kaso ang kanilang maeeng...