Chapter 15: "Forgive and Forget?"

849 46 2
                                    

Nasa salas si Ramona Herras habang nanunuod ng telebisyon nang mapansin nila ang isang lokal na balita. Nasa sahig naman si Harvey habang naglalaro ng mga toy cars nito. Panay ang paandar sa isang maliit na kotse at ibinubunggo sa paa ng ina habang ginagaya ang busina ng totoong sasakyan.

"Hon! Halika rito, bilis!" pagtawag niya sa asawa. Kaagad naman dumating ang asawa na nagpupunas ng basang pantalon.

"Saan ka galing at basa ka? Anyway, tingnan mo 'yung balita!"

Pinanood at pinakinggan nila ang pahayag ng reporter. "Breaking news. Sa wakas ay natagpuan na ang batang si Jason Lorenzo na pinaniniwalaang nakidnap subalit kritikal naman ang mga magulang nitong sina Arturo at Cleo Lorenzo matapos silang atakihin ng hindi pa nakikilang suspek sa loob ng kanilang bahay."

"Karma 'yan sa kanya. Buti nga 'yan." Matinding komento ni Ramona.

"Bakit nagsasalita ka ng ganyan? Hindi ba dapat ay panahon na para magkabati kayo? Tingnan moa ng nagyari sa pamilya nila. Maswerte tayo kasi walang nangyari sa atin o kay Harvey." Wika ni Donald at binuhat ang anak para iupo sa kanyang hita

Napaisip si Ramona. Panahon na nga kaya para isantabi na nila ang hidwaan? Panahon na kaya para magpatawarna na sila? Handa ba siya? Kaya kaya niyang ibaba ang pride at ego? Magiging ganoon din kaya si Cleo sa kanya? Kahit paano naman ay naging matalik silang magkaibigan ng matagal na panahon. Tinutok niya ang atensyon sa panonood.

***********

Hindi maimulat ng maayos ni Cleo ang mga mata nang magising. Tila binubulag siya ng liwanag na nasa tapat ng mukha niya.

"Anak." Bumungad kay Cleo ang pamilyar na boses ng babae na iyon. "Sa wakas at gising ka na. Ilang araw ka ring nasa ICU bago ka ilipat sa kwarto mo. Mabuti at maayos ka na."

Nang makapag-adjust na ang kanyang mga mata sa liwanag ay nakita niya ang inang matagal niyang hindi nakausap. Inang ikinamuhi niya noon. Inang sa tingin niya ay naging makasarili sa desisyon sa buhay. Subalit bakit ngayon tila nawala ang galit na matagal na niyang kinikimkim ditto?

Mangiyak-ngiyak na niyakap siya ng ina. Sa likuran nito ay ang kanyang aman naman. Pareho siya ng nararamdaman sa kanyang mag magulang noon pero ngayon ay iba na. Sa palagay niya iyon na ang panahon para magkapatawaran sila. GInantihan din niya ito ng yakap. Iyong mahigpit na mahigpit. Namiss niya ang mainit na yakap na iyon.

"Patawarin mo kami, anak." Paghagulhol ni Matilda.

"Okay na po. Patawarin nyo rin po ako." Lumabas na ang kanyang mga luha na matagal na niyang ayaw ilabas. Sa pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nawala ang lahat ng kanyang katapangan.Subalit nag-iba na naman ang kanyang pakiramdam nang matanaw si P/Insp Larry Verano.

"Anong ginagawa n'yan rito?" galit na tanong niya.

"Ehem." Paunang sabi ni Verano bago lumapit kay Cleo. "Narito ako para kumuha ng impormasyon patungkol sa nangyari sa'yo."

"Ang asawa ko, nasaan na ang asawa ko?" bigla niyang tanong.

Si Verano ang sumagot. "Nasa ICU pa rin. Matindi ang tama niya sa ulo. Base sa mga duktor, nagkaroon siya ng internal head injury marahil ay sa matinding pagkakapukpok sa kanya."

"Mommy, ang anak ko? Nahanap na ba ang anak ko?"

Si Verano muli ang sumagot."Nasa kustodiya na namin si Jason. Maayos na ang kanyang kalagayan."

"Hay salamat naman! Gusto kong makita ang anak ko." Wika niya na sinubukang bumangon.

"Anak, wag kang mag-alala. Makikita mo rin siya, sa ngayon ay magpahinga ka muna."

The Case of Jason LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon