Nasa hapag kainan na sila at pinagsasaluhan ang luto ni Jake.
"Iho, napakagaling mo naman pala talagang magluto eh. Ang sarap nito! Ibahagi mo naman sa akin ang secret recipe mo." Natutuwang sabi ni Matilda sa kaharap na si Jake.
"Hahaha. Oo naman po, ituturo ko po sa inyo kung paano mapapasarap ang timpla ng kaldereta at ito naman pong fruit shake ninyo napakasarap din po. Kakaiba sa lahat ng fruit shakes na natikman ko. "
"Ganun ba? Normal na fruit shake lang naman yan, mangga, pinya at kung anu ano lang."
"Ah ganun po ba, itatry ko po pag-uwi sa San Ildefonso. Oh Marco tikman mo 'yung shake."
"No thanks. Actually wala nga akong ganang kumain eh." Saka napatingin si Marco sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Nalungkot siya kasi hindi nila kasabay kumain si Sam. Kahit na pilitin nila ay ayaw nitong kumain kaya dinalhan na lamang ito ng noodles sa kwarto. Alam niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw kumain ni Sam. Alam niyang galit pa rin ito sa kanya.
*************
Walang tigil sa pag-iyak ang batang si Jason. Ang dating bilugan nitong pangangatawan ay tila lumiit na, halatang pumayat dahil sa kakulangan ng tulog at pagkain. Maya-maya pa ay dumating ang taong nakahooded jacket. May dala itong plastic bag na puno ng mga gamit at pagkain.
"Oh bakit ka umiiyak? Heto nga at may dala akong laruan para sa'yo." Sabi nito at ibinigay sa bata ang maliit na teddy bear.
Hindi pinansin ng bata ang laruan at nagpatuloy sa pag-iyak. "Mommy. Mommy."
"Sssshhhh. Wala rito ang mommy mo! Ano bang problema mong bata ka?! Ako na ang mag-aalaga sa'yo ngayon!" galit na wika nito at itinumba ang upuang malapit sa kanya. Lalong lumakas ang iyak ng bata.
Naghanap na lang ito ng pagkain sa loob ng plastic bag. "Heto masarap ito." Mahinahon na nitong sabi at ipinakita sa bata ang isang haba ng tsokolate.
Tila umepekto iyon at biglang tumigil ang bata. Hinalikan niya sa noo ang bata at binuhat para iupo sa hita niya. "Pasensya ka na ha." Sabi nito at muling hinalikan si Jason.
************
"Napakahirap pala ng signal dito." Saad ni Jake habang nakataas ang kamay na may hawak na cellphone. Nasa labas siya ng bahay.
"Oo, itong kasing lugar naming ay hindi naaabot ng signal." Paliwanag ni Joaquin na kalalabas lang.
"Ay naku! Nakalimutan nating maghanap ng mekaniko sa bayan!" sabi ni Marco na nakaupo sa rocking chair.
"Oo nga pala ano?"
"Kasalanan mo 'to Jake, kung hindi ka nawala ng basta basta eh di sana may nag-aayos na ngayon nung kotse."
"Eh a-----"
"Oh wag na kayong magtalo. Pupunta naman ulit ako sa bayan mamayang mga alas singko ng hapon. Ako na ang maghahanap para sa inyo."
"Okay lang po sa inyo 'yon?"
"Oo naman."
***********
"Ate Hilda, anong gagawin natin? Under investigation pa rin tayo." Nababahalang tanong ni Helen. Magkaharap sila sa mesa. Naroon sila sa maliit na bahay na pagmamay-ari ng mga Herras. Doon naninirahan ang mga kasambahay ng mga ito. Pasikreto lang ang ginawa nila roon base na rin sa pakiusap nila sa amo ni Hilda na si Donald na ibang iba ang ugali kay Ramona. Sinabihan sila ng mga pulis na hindi pa sila pwedeng umuwi ng San Mateo o lumabas ng San Sebastian dahil hindi pa cleared ang pangalan nila sa listahan ng mga suspek. Bakas pa rin sa mukha ng magkapatid ang problemang pinagdaraanan.
BINABASA MO ANG
The Case of Jason Lorenzo
Misterio / Suspenso(5th case of "THE CASE" SERIES) Bumalik sina Sam at Marco sa Pilipinas para matulungan ang kanilang kaibigang si Jake upang makalimot sa mga masasamang nangyari rito. Nagdesisyon silang pumunta sa San Sebastian subalit isang kaso ang kanilang maeeng...