"Jake! Ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit nagkakaganyan ka?" tanong ni Marco habang nakaupo sila sa mahabang couch sa loob ng bahay ng mag-asawa. Patuloy lang ang pagluha ni Jake.
"Nakita ka raw ni Ed sa gilid ng kalsada na basang basa ng ulan at tulala lamang. Hindi ka niya makausap. Akala niya kung ano nang nangyari sa'yo kaya dinala ka na rito pauwi." Paliwanag ni Joaqs.
Tila natauhan si Jake at tiningnan silang lahat. "Si Hannah. Nakita ko na si Hannah!" sigaw niya.
Nagtaka silang lahat. "Sinong Hannah? Si Hannah Jane? Yung dating girlfriend mo????" tanong ni Sam.
"Oo, siya nga! Nakita ko na rin siya sa wakas!"
"Imposible. Saan?"
"Sa isang eskinita sa bayan. Doon siya naglalagi!"
"Sigurado ka Jake? Baka naman kamukha lang o ibang-----"
"Sam, sigurado ako! Nakausap ko siya! Nakita ko ang mukha niya! Siyang siya 'yun!"
"Okay sige, sige sabihin nating siya 'yun pero anong nangyari sa'yo?"
"Hin-hindi ko alam. Matapos ko siyang makita ay di ko na alam ang sunod na nangyari. Bukas na bukas din ay susunduin ko na siya."
"Kung nagtatago man siya ay dapat sabihin natin sa mga pulis! May mga pinatay na tao ang ex-girlfriend mo Jake!" suhestiyon ni Marco.
Sa sinabing iyon ni Marco ay nagalit si Jake. Tumayo siya at inundayan ng suntok si Marco sa panga. "Tarantado ka!" bulyaw ni Jake.
Susugurin sana siya ni Marco para gantihan ng suntok subalit naawat sila ng mag-asawa at ni Sam.
"Tama si Sam! Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao! Tinuturing mo silang basura! Kung wala kang pakialam nun sa girlfriend mong si Andrea kaya namatay, pwes ako, ibahin mo ako, hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Hannah!"
"Kaibigan mo ako. Concern ako sa'yo Jake!"
"Concern? 'Yan ba ang concern? Hindi ko kailangan ng concern mo at lalung lalo na, hindi na kita kaibigan! Wala kang kwenta!" huling sinabi ni Jake bago pumasok sa kwarto at iniwan ang lahat na gulat na gulat.
"Ano bang nangyayari sa inyong magkakaibigan at away kayo ng away?" nag-aalalang tanong ni Matilda.
"Hindi na nga po naming alam. Naguguluhan na kami sa mga pangyayari." Sagot ni Sam bago tumayo at sinundan si Jake sa loob. Nadatnan niya ito na naglalagay ng gamit sa backpack nito.
"What are you doing?" tanong ni Sam subalit hindi siya sinagot nito. "We can fix this, right?" dagdag pa niya subalit patuloy lang si Jake sa ginagawa. "Aalis ka?" tanong pa niya.
"Oo." Matipid na sagot ng kausap.
"Saan ka pupunta? Bumabagyo oh!"
"Pupuntahan ko si Hannah."
"Are you really insane????"
"'Yung totoo, kanino ka ba kampi? Sa akin o kay Marco?"
"Wala akong kinakampihan sa inyo!"
"Well, I guess I'm on my own now. I don't need you and Marco anyway." Huling sinabi ni Jake bago isuot ang backpack. Padabog siyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Case of Jason Lorenzo
Misterio / Suspenso(5th case of "THE CASE" SERIES) Bumalik sina Sam at Marco sa Pilipinas para matulungan ang kanilang kaibigang si Jake upang makalimot sa mga masasamang nangyari rito. Nagdesisyon silang pumunta sa San Sebastian subalit isang kaso ang kanilang maeeng...