Naalimpungatan si Jake nang maramdaman ang pagpatak ng tubig sa kanyang mukha. May tumutulo pala mula sa itaas. Nakahiga siya sa malamig na sahig ng kwartong iyon. Nakagapos pa rin ang kanyang mga kamay. Lalong kumirot ang tama sa kanyang ulo dahil sa lamig. Nakabukas ang maliit na ilaw na tanging nagsisilbing liwanag sa lugar kaya kaagad niyang hinanap ang bata kahit hirap siyang makakita sa dilim at napansin niyang nasa kama ito at mahimbing na natutulog. Iginala niya ang mga mata sa palibot ng kwarto; wala roon ang misteryosong babae na kumidnap sa bata at humampas sa kanya.
Kahit na nahihirapan siya ay gumapang siya patungo sa kinaroroonan ng bata. Gumalaw ang kama at ilang sandali pa ay nagising ito pero nagsimulang umiyak.
"Mommy! Mommy! Huhuhuhu."
"Ssssshhhh, wag kang maingay. TuTulungan kita. Dadalhin kita sa mommy mo."
Tila nakinig naman ang bata at tumahan sa pag-iyak. Napansin niyang hindi nakagapos ang bata. "Kaya mo bang kalagan itong tali sa mga kamay ko?"
Tumalikod siya at sinubukang alisin ng bata ang pagkakatali kay Jake subalit sobrang mahigpit ang pagkakatali sa kanya.
"Di-di ko... kaya..." wika ng bata at nagsimula na namang umiyak.
"Sssshhh, no, it's okay. It's okay. Anong pangalan mo?"
"Ja-Jason."
"Nice to meet you Jason. I'm Jake. Call me Kuya Jake." Inisip niyang makipagkwentuhan sa bata para hindi ito mafrustrate sa pagsubok na kalagan siya.
"Kuya Jake. Ma-mahahanap a-ako nila mommy, right?"
"Of course. They're trying to find you. Brave ka di ba?"
"Opo!"
"Sino favourite mong Superhero?"
"Si Superman!"
"Really? Me too! Do you want to be like Superman?"
"Yeah. Yeah."
"Superman is very strong. He never gives up."
Sa maliliit na mga kamay at mga payat na daliri ng batang si Jason ay nagawa niyang maluwagan ang pagkakatali kay Jake at maalis ito. Nakahinga siya ng maluwag.
"Wow, you're really good. Ang galing ni Superman!"
Maya-maya pa ay nakarinig sila ng pagbukas ng pinto. Bigla silang nangamba.
"Jason, Jason, are you good in acting?" pabulong na tanong niya sa bata habang hawak ito sa mga balikat nito.
Tumango ito.
"We will pretend that we're asleep. Do not move unless I say so, Okay?"
Humiga na ang bata sa kama samantalang siya ay bumalik sa pagkakahiga sa sahig, sa dating pwesto nang magising siya. Itinago niya ang mga kamay sa likuran at dinaganan para hindi makita na wala na siyang gapos. Iminulat niya ng kaunti ang mga mata para makakita pero nagpanggap pa rin siyang natutulog.
Nakita niya ang taong nakahooded jacket na pumasok dala ang isa ring itim na bag. Inilock nito ang pinto mula sa loob pagkatapos ay ipinatong ang susi sa kalapit na mesa. Basang basa ang damit nito ng ulan. Mula sa anggulo niya ng pagkakahiga ay nakita niyang inalis nito ang jacket. May kaputian ito at mahaba ang nakapuyos na buhok ng babae. Nakaitim na blouse ito. Hindi niya makita ang hitsura nito sapagkat nakatalikod sa kanya. Kumuha ito ng panibagong jacket at maong na pantalon at naglakad patungo sa isa pang kwarto. Dahan-dahang bumangon si Jake at kinuha ang susi. Kaagad siyang nagtungo sa pinto at maingat na binuksan ang lock, habang nakatingin sa pinto kung saan pumasok ang babae. Nang masiguradong hindi na nakalock ang pinto ay binuksan niya ito ng kaunti. Tumakbo siya palapit kay Jason para kunin ito. Bubuhatin n asana niya ang bata ng marinig ang pagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Case of Jason Lorenzo
Mystery / Thriller(5th case of "THE CASE" SERIES) Bumalik sina Sam at Marco sa Pilipinas para matulungan ang kanilang kaibigang si Jake upang makalimot sa mga masasamang nangyari rito. Nagdesisyon silang pumunta sa San Sebastian subalit isang kaso ang kanilang maeeng...