Chapter 14: "Secret Recipe"

845 40 6
                                    

Malalim na paghinga ang ginawa ni Jake nang magising. Napangiwi siya nang maramdaman ang kirot sa sugat niya sa leeg, resulta ng pakikipag-agawan niya sa kidnaaper sa kutsilyo pero napukpok naman niya ito kaya siya nakatakas. Napansin niyang wala na naman ang bata, nagsimula na namna siyang mangamba.

"Jason! Jason!" pagtawag niya sa kadiliman subalit wala siyang nakuhang sagot maliban sa ingay ng yerong nagtataas-baba sa harap niya dahil sa malakas na hangin. Hirap na tumayo siya habang hawak ng isang kamay ang kanyang leeg. Mabuti na lang at hindi siya napuruhan. Paika-ika siyang naglakad para hanapin ang bata.

Sa may di kalayuan ay natanaw niya ang pigura ng tatlong taong naglalakad. Dalawang matangkad at isang mababa. Napaatras siya sa takot.

"Jake..." pagtawag ng boses.

Nangilid ang mga luha ni Jake nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Kahit hirap siyang maglakad ay tumakbo siya palapit sa mga ito. "Sam!" sigaw niya.

Nang makumpirmang sina Sam at Marco nga ito ay mahigpit silang niyakap nito. Hawak ni Marco ang batang si Jake na nakangiti.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sabi niya sa dalawa.

"Wala 'yun, dadalhin ka muna naming sa ospital para magamot 'yang sugat mo." Wika ni Marco.

*********

Sa loob ng ospital na iyon ay nagkakagulo ang mga tao. Marami na ring nakaabang na mga media. Kalat na agad sa buong bayan na natagpuan na ang batang si Jason Loreonzo.

"Magpahinga ka ulit. You've done a lot." Sabi ni Sam kay Jake na nakahiga na sa kama nang magising at may tapal na ang leeg. Nasa loob na sila ng isang kwarto ng ospital.

"Pareho na nga tayo eh. Hahaha" pabirong wika ni Jake.

"Loko ka. Mabuti na nga at nagamot na itong sugat ko sa leeg."

"Nasaan na nga pala si Jason?"

"Nasa kustodiya na ng mga pulis. Nasa mabuting kalagayan na 'yung bata." Sagot ni Marco na nasa isang upuan malayo sa kanila.

"Teka nga, paano n'yo nga pala nahanap 'yung bata?" nagtatakang tanong ni Jake.

"We were trying to look for you kasi nga nag-aalala na kami. Then out of nowhere, we heard a child crying. Akala naming noong una, 'yung hangin lang pero nung sinundan namin, nakita naming 'yung bata, umiiyak siya, basang-basa ng ulan. He said someone needs help kaya ayun." Mahabang salaysay ni Sam.

"Natanong na ba kayo ng mga pulis?"

"Oo, nasabi na namin kung ano 'yung sinabi ko sa'yo."

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto. Nang pagbuksan iyon ni Marco ay bumungad si P/Insp Larry Verano.

"Maaari ba akong tumuloy?"

Bagaman nag-aalangan si Marco ay pinapasok na niya ito nang senyasan ni Jake na papasukin ito. "Well, Mr. Lopez, great job on finding the missing child. You made my job a lot easier." Wika nito habang pumapalakpak.

Napasimangot si Sam sa pagiging insincere ng pulis.

"So tell me, paano mo nahanap ang bata?" nakangiting tanong nito nang umupo sa harap ni Jake.

"Why do you still need? Isn't finding Jason the most important thing?"

"Yeah importante 'yun, but I need to know how. I need it in my reports. Saka nag-aabang ang media sa kasagutan.... Unless ikaw mismo ang gustong magsabi para sumikat ka at ituring na bayani! Hahaha"

The Case of Jason LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon