Chapter 2: "That Thing Called FOREVER"

1.1K 51 0
                                    

Madaling araw pa lang ay nagbyahe na sila patungo sa San Sebastian, dalawang oras ang layo mula sa bayan nila. Gusto kasi nilang maabutan ang pagsikat ng araw mula sa burol ng nasabing lugar bago magpicnic sa ilog na siyang may pinakamalinis na tubig sa buong probinsya.

Napansin ni Marco na tulala pa rin si Jake na nakatingin lamang sa labas. "Dude, wag mo nang isipin ang mga nangyari." Sabi niya, hawak ang manibela.

"Oo nga naman, magsasaya tayo diba? Isa pa naman sa mga naiisip kong plano ay huwag nang bumalik sa Amerika at doon na lang sa San Ildefonso magsimula ng panibagong buhay." Wika naman ni Sam na nakaupo sa likuran.

"It's just so hard. Do I really deserve this? I've been through a lot. Akala ko kasi si Hannah na 'yung forever ko."

"Dude, accept the fact. WALANG FOREVER." Seryosong sabi ni Marco.

Bago mag-alas singko ay narating na nila ang San Sebastian. Kaagad na ipinarada ni Marco ang sasakyan sa ibaba ng burol, may mga nadatnan na rin silang ibang mga tao, halatang turista ang iba dahil sa walang sawang selfies at group pictures samantalang ang iba naman ay naroon para magworkout. Hinila agad ni Sam si Jake sa medyo mataas na burol, hindi mahirap akyatin sapagkat may ginawang hagdan na yari sa kahoy sa kaliwang bahagi at may mahabang tali na nagsisilbing hawakan para sa mga aakyat at bababa.

Napangiti si Jake nang makita ang kagandahan ng kalikasan mula sa taas, nananalig siya na tulad ng bagong umaga, may bagong pag-asang darating sa kanya. Alam niyang malalampasan din niya ang lahat. Matapos ang isang oras na pagmamasid ay nagbyahe na ulit sila ng ilang minuto at nakarating na sa ilog kung saan sila magpipicnic. Nang makababa sila ay napansin ulit nila ang maraming taong nagtipun-tipon sa riverbank. Lumapit sila para makiusyoso.

"Pagpasensyahan n'yo na po kung off limits muna ang lugar na ito dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng pulis." Sagot ng isang may katandaan ng lalake na puro uban ang buhok at nakasuot ng outfit na parang sa cowboy.

Lahat ng mga naroroon ay umangal ng marinig ang sinabi ng matanda. "Magsiuwi na po kayo." Huling sabi nito para nagpulasan ang mga tao.

"Uhmm, excuse me Lolo, bakit mo off limits na ito? Ano pong nangyari?" tanong ni Sam.

Tumaas ang kilay ng matanda, "Iha, hindi pa ako lolo, I'm only 65." Sambit nito at tiningnan din ang dalawang lalake sa likod ni Sam. "Halatang hindi kayo mga tagarito, siguradong pumunta lang kayo rito para magpicnic." Dagdag pa nito.

"Ah opo. At sorry kung natawag ko kayong-----"

"Oh well, hindi n'yo pa alam na may nawalang bata rito."

"Na-nawala?"

"Noong isang araw, dito mismo sa lugar na ito." Sagot nito at inakit ang tatlo na maupo sa isang malaking troso. Hinarap sila ng matanda, "Ako nga pala si Mr. Joaquin, Joaquin Ternales, tawagin n'yo na lang akong Sir Joaqs (Whacks). Ako ang punong barangay kung saan sakop ang ilog na ito."

Napatawa ng palihim si Sam nang banggitin ng matanda ang palayaw nito, napansin niyang nakangiti ang dalawang kasama at sumunod ay nagpakilala rin sila. "Ahmm, Sir----Sir----" hindi maituloy ni Sam ang sasabihin dahil baka matawa siya sa pangalan ng matanda. "Uhmm, sir.... Ano'ng nangyari?"

"Yung yaya nung bata, hindi yata nabantayan ng maayos ang alaga kaya ayun, nawala, hindi malaman kung natangay ng ilog. Nag-iimbestiga pa rito ang mga pulis kaya bawal pang maligo, nagsasagawa pa sila ng intensive search."

"Ah ganun po ba, sayang naman ang dinayo namin dito, taga San Idefonso pa po kami, sayang naman ang bakasyon kung babalik lang kami roon."

"Oo nga malayo pa ang dinayo n'yo. Ahh, ganito na lang, pwede pa naman kayong makapagnature tripping, marami pa rin namang magagandang lugar dito, doon na lang kayo sa bahay ko. Welcome doon ang mga dayo."

"Naku, wag na po, maghohotel na lang kami."

"Hahaha, please be my guest, at alam ko namang mababait kayong mga teenagers." Nakangiting sabi ni Joaquin. "Nakakalungkot lang na habambuhay nang mababahiran ang imahe ng aming lugar dahil sa kasong ito."

Tumayo si Sam, "Sir, once na mahanap ng mga pulis ang bata, babalik na sa dati ang lahat. Magiging masigla na ulit ang turismo dito."

Nang makarating na sila sa bahay ni Joaquin ay namangha sila kung gaano kaganda ang bahay nito na mukhang lodge sa itaas ng kabundukan sa mga pelikula. Gawa sa malalaking troso ang dingding at bubong at may chimney pa. Lumabas mula sa bahay ang isang matanda na ring babae, nakangiti ito sa kanila, "Oh Joaqs, may mga bisita ka yata."

"Yes, Matty." Sabi nito at bumulong sa tatlo, "Asawa ko 'yan, si Matilda."

Bumati ang tatlo sa babae.

"Mga ke gagwapo at ang ganda ng mga kasama mo ah. Sino sila?" tanong nito habang pinupunasan ng maliit na tuwalya ang mga kamay.

"Mga dayo mula sa malayong bayan. Saka ko na ikukwento."

"Oh siya, sige, pasok na kayo. Tamang tama, may hinanda akong fruit shakes."

"Ang ganda mo raw!" tumatawang sabi ni Marco kay Sam.

"Ulol!"

**************

Habang nasa hapagkainan sila at pinagsasaluhan ang mga kakanin at fruit shakes ay nagkwento na si Joaquin sa asawa. Ang tatlo naman ay namamangha pa rin sa ganda ng bahay, mas elegante ito kung titingnan sa loob, may mga nakasabit na taxidermy o mga pinatuyong ulo ng hayop katulad ng mga lobo at usa sa dingding, may mga rifle din na nakadikit, may mini bar sa loob at fireplace sa gitnang bahagi. Kung mas papipiliin si Sam ay mas gusto niyang tumira sa ganoong bahay, napakasimple.

"Sigurado po kayo na okay lang dito muna kami?" tanong ni Marco.

"Oo naman. Kami nitong si Matty ay hindi nabiyayaan ng anak kaya mas okay na may mga bata dito. May instant mga anak na agad kami. Hahahaha."

Nagkatinginan ang tatlo. Pilit silang ngumiti. Matapos silang kumain ay dinala na sila sa isang malaking kwarto. May tatlong kama ito kaya tig-iisa sila.

"Maiwan ko muna kayo. Kung gusto n'yo dito na kayo forever, hahahaha" Sabi ni Matilda sa kanila.

"Si-sige po, salamat."

Nang umalis na nag matanda ay nag-usap-usap na sila. "Tama ba itong ginagawa natin? She's kinda creepy for me." tanong ni Sam.

"Well, this works for me, the place is nice and cozy." Sabi ni Marco at humiga sa malambot na kama.

"Eh ikaw, Jake, okay lang sa'yo? We barely know them."

"Okay lang naman sakin, mukha naman silang mababait lalo na si Joaqs."

At napahagihik sila sa sinabi ni Jake. Kahit papaano ay nakakangiti na ito.

"Thanks guys for dragging me into this." Ani ni Jake. "You are really my best friends, forever." Dugtong na pa niya pagkatapos ay niyakap si Sam at inihiga sa ibabaw ni Marco. Malakas ang halakhak nilang tatlo.

�߾"��(

The Case of Jason LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon