Chapter 3: "Sisters' Acts"

984 39 0
                                    

Marahang nilatag sa kahoy na mesa ni P/Insp. Larry Verano ang profile identity ng mga suspek sa pagkawala ng batang si Jason Lorenzo. Tinitigan ni P/Insp Enrico Santos ang mga ito.

"Hilda Dimalanta, 34 years old, taga Sitio Barung-Barong sa bayan ng San Mateo, kasambahay sa Pamilya Herras, ang mag-asawang Donald at Ramona ay may-ari ng isang department store dito sa San Sebastian. May isa silang anak, 4 years old, si Harvey Herras-----"

"Pero hindi dapat sa kanya tayo tumutok, bagkus ay dito." Wika ni Verano at itinuro ang larawan ni Helen.

"Helen Dimalanta, 26 years old, sa kaparehong address ni Hilda naninirahan, kasambahay rin, sa pamilya naman ng mga Lorenzo, ang mag-asawang Arturo at Cleo naman ay may-ari ng isang construction company. May isa ring anak, si Jason Lorenzo, apat na taong gulang, ang nawawalang bata." Wika ni Santos at tinitigang mabuti ang nakangiting larawan ni Jason. "Could it be kidnapping? Mayaman ang pamilya ng mga Lorenzo." Dagdagpa niya.

"Pwede, ayon sa report, no one was at the riverbank that time maliban sa dalawang bata at sa magkapatid kaya walang nakakita kung sino ang kumuha sa bata, pero isa iyong malaking posibilidad."

"Pero lampas ng 24 hours, wala pang natatanggap ang mga Lorenzo na tawag mula sa mga kidnappers----"

"Unless nga walang ibang kidnappers kung hindi ang dalawang ito. Ayon sa background ng dalawa, galing sila sa mahirap na pamilya sa San Mateo kaya namasukan silang kasambahay. Pero sabi ng tagapag-alaga ni Jason na si Helen, nakarinig siya ng mga kaluskos sa talahiban bago mawala ang bata."

"Well, who could it be?"

"Hindi niya alam, maaaring hayop lang o may iba pang tao malapit sa ilog ng mga oras na iyon."

"Kung consistent naman ang sinsabi ng kapatid niyang si Hilda, bakit sila ang mga naging suspek? Dahil ba maaaring ang motibo ay makakuha ng pera mula sa mga mag-asawang Lorenzo sa madaliang paraan?"

"Pwes, malaki nga ang posibilidad na kidnapping ang kasong ito, maaaring may kasangkot sila sa pagkuha sa bata."

"Di ba nainterrogate mo na ang dalawa?"

"Oo at sinasabi nilang inosente sila, na wala silang kinalaman sa pagkawala ng bata. Ikaw ang itinalaga ni Chief na partner ko sa kasong ito kaya dapat malutas agad natin. Kailangan nating mahanap agad ang bata." Sabi ni Verano sa nakaupo sa harap.

"Well, maswerte ang division namin sayo Verano after you solved the case of Andrea Miller."

"It was a team effort pero thank you."mayabang na sinabi nito.

***********

Maraming pasa at galos ang mukha ni Helen nang magtungo ulit sa police station, dahil ito sa tinamong pananakit mula sa among si Cleo Lorenzo nang malamang nawawala ang anak. Kung hindi pa siya napigilan ng asawa ay maaaring napatay nito ang kasambahay. Umiiyak siyang umupo sa harap ni Verano para mahingan pa ng mga karagdagang pahayag.

Sa labas naman ng interrogation room ay naroon ang mag-asawa, bakas sa mga mukha nito ang galit at pagkamuhi sa babae.

"Papasukin ninyo ako! Papatayin ko 'yan!" galit na sabi ni Cleo.

"Relax lang ho kayo madam, hindi pa natin sigurado na may kinalaman talaga siya sa pagkawala ng anak ninyo." Awat naman ni Santos.

"Anong relax? Sa tingin mo makakarelax ka pa kung nawawala ang anak mo at hindi mo alam kung nasaan?"

The Case of Jason LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon