Mag-aalas dos na ng madaling araw subalit ang lahat ng tao sa loob ng bahay na iyon ay mulat na mulat pa ang mga mata. Makikita si Matilda na nasa kusina at naghahalo ng mga sangkap para sa gagawing puto. Si Marco at Jake naman ay nakabantay sa may pintuan habang hawak pa rin ang mga baril. Nag-aabang sila kung sakaling muling umatake ang aswang.
Si Sam naman ay nagdesisyon nang bumalik sa kanilang kwarto at matulog na ulit.
"Kailan pa po nagkaroon ng aswang dito sa bayan n'yo?" natanong ni Marco pagkatapos humikab.
"Ilang taon na ang nakakaraan. Marami na 'yang nabiktima hindi lang sa bayang ito." Sagot ng matanda.
" Sa tingin ko po ay ibinalita na rin ito sa local television, parang napanood ko na nga eh." Sambit naman ni Jake.
"Oo, tama ka."
"Eh bakit ganun po? Hindi pa rin napapatay ang aswang o di kaya naman ay nahuhuli?"
"Sadyang mailap ang halimaw na iyo----."
Napahinto si Joaquin sa pagsasalita nang marinig nila ang tili ni Sam. Nagmamadali silang nagtungo sa kwarto at laking gulat nila nang hawak si Sam ng nilalang mula sa nakabukas na bintana.
"Tuloooonnnngggg!" sigaw ni Sam na pilit kumakawala. Hawak siya sa leeg ng nilalang na may pakpak habang sinusubukang ilipad palayo. Kaagad naming tumulong ang dalawang kaibigan para alisin ang mga kamay nito kay Sam. Nagmamadaling inabot ni Matilda ang isang bolo kay Joaquin.
"Tabi kayo dyan!" sigaw nito at tinaga ang braso ng nilalang subalit naialis agad nito ang kamay kay Sam kaya nadaplisan lamang ito sa kanang braso. Isang makapanindig balahibong sigaw ang narinig nila mula rito bago lumipad palayo. Kaagad nilang isinara ang bintana.
Naghahabol pa ng hininga si Sam dahil sa pagkakasakal habang umiiyak. Kaagad siyang niyakap ni Marco para patigilin sa pag-iyak. Napansin niyang may bahid ng dugo ang damit niya. May mahahabang sugat si Sam sa may leeg na parang malalalim na kalmot na marahil ay dahilan ng mga kuko ng nilalang.
"Sam, may sugat ka! Kailangan kang madala sa ospital!" nababahalang sabi ni Marco habang hawak ang balikat ng kaibigan.
Inalis ni Sam ang kamay ni Marco. "I'm okay." Nasabi na lang nito na hindi nakatingin kay Marco.
"Sam, sigurado ka?" si Jake naman ang nagtanong.
"Oo. Okay lang ako."
"Mas makabubuti kung doon muna tayong lahat sa sala. Tatapalan natin ng halamang gamot yang sugat mo." Wika ng matandang babae.
Naupo sina Jake at Marco sa sofa at nag-usap ng pabulong. Inalalayan naman ni Matilda si Sam sa upuan. "Sandali lang, ihahanda ko ang panggamot sa'yo." Sabi nito bago umalis.
Napagdesisyon ng dalawang lalake na uuwi na lamang sila ng San Ildefonso pagsikat ng araw.
"Pasensya na kayo kung kailangan ninyong maranasan ang ganitong pangyayari." Paumanhin ni Joaquin.
Hindi umimik ang dalawa. Ilang minuto pa, dumating si Matilda dala ang dahon na pantapal sa sugat. Malapad ito na animo'y dahon ng puno ng pili. "Mabisa itong gamot. Saka para makaiwas na rin sa impeksyon. Ilang araw lang gagaling na 'yan." Sabi nito habang pinapatungan ng malinis na benda ang dahon.
"Ano pong dahon ito?"
"Basta. Saka heto may dala akong pinaglagaan ng dahon. Para mas mabilis ang paggaling." Nakangiting sabi nito habang inabot ang basong may kulay dilaw na laman na nasa kalahati."
BINABASA MO ANG
The Case of Jason Lorenzo
Mystery / Thriller(5th case of "THE CASE" SERIES) Bumalik sina Sam at Marco sa Pilipinas para matulungan ang kanilang kaibigang si Jake upang makalimot sa mga masasamang nangyari rito. Nagdesisyon silang pumunta sa San Sebastian subalit isang kaso ang kanilang maeeng...