Hi! First time kong tatapos ng story. Sana magustuhan nyo. Lahat ng ito ay puro galing lang sa imagination ko. Sana magkaroon ako ng reader. Hahaha. Sorry for all the typos and wrong grammar. Hindi perfect si Author. Hehe enjoy!
*Kriiiiiiinggggg*
-_-
O_-
-_O
O_O
Ha!!! Alas nwebe na! Jusko Alas syete ang pasok ko, may accounting subject ako! Naknangpatiiiiiiing!
Nagkukumahog akong bumangon at pumasok diretso sa C.R. Isang buhos pa lang ng tabo ay nagshampoo na ako agad grabe namaaan bakit alas nwebe ko inalarm yung alarm clock ko. Nakakapang hina.
After ilang minutong paliligo, pagbibihis at kung anu ano pang paghahanda, bumaba na ako at dumiretso sa dining area, I saw our maids na naglilinis na, at wala na sila Mom and Dad, pati yung dalawa kong kapatid, wala na rin.
"Manang, anong almusal? Sorry po di na ako makakapag agahan kasi late na po ako"
"Ah ganon ba iha. Naku sayang naman pala itong waffles na itinira nila sa iyo."
"Nag agahan na po ba kayo? Manang sorry talaga, kung gusto nyo po kayo na lang ang kumain ng itinabi nila para sakin, sa cafeteria na lang po ako kakain"
"Oh sige pala. Anjan na si Kuya Bert, inaantay ka at ihahatid ka na sa eskwela. Pinapasabi pala ni Daddy mo, always take care and he loves you so much"
Hay nako, si Daddy talaga, hindi na nagsawa sa araw araw nyang sinasabi sa akin. That's why, I am so contented of what life I have.
Lumabas na ako ng gate at nakita si Kuya Bert na nag aantay na sa kotse. Nang makita nya ako ay agad syang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
And we are on our way to Elite Academy.***
Nakatapat na ako sa pintuan ng classroom ko, at rinig na rinig ko na ang prof kong terror na nagdi discuss about sa Trial Balance.
Paano ako papasok?! Alam kong pag 10 mins late ka na, wala ka nang ibang magagawa kundi tumambay sa kung saan dahil hindi ka na pwedeng pumasok.
I made a plan. Shet talaga. Sa harap ako nakaupo so paano ako gagapang papunta sa upuan ko. Malamang sa malamang huling huli na ako sa akto! Shetshetsheet of paper talaga!
Nakita ko naman si Sir Austero na papunta sa room namin at doon ako nakaisip ng bright idea. Mwahahaha!
*Toktok*
"Come in! Sino ba yan! Panira sa subj ko alam nang nagka klase ako eh"
"Si Sir Austero po ito."
"Come in sir" Jusko prof bakit mo papapasukin si Sir Austero! Pano ako papasok!
Magmamakaawa na ko kay Sir Austero, pakapalan na ng mukha ito!
"Sir sabihin niyo po kay Prof na sa labas na kayo mag usap. Kailangan ko pong makapasok pleaseeee"
Please sir pumayag ka pleaseeeee.
"Sir dito na lang tayo sa labas mag usap."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Pagkalabas na pagkalabas ni Prof. Marquez ay agad agad akong pumasok sa room.
Hayyy sawakas!
Nakapasok na ako at agad akong binatukan ng katabi ko."Hoy! Kalahating oras na lang dismissal na natin, anong pumasok sa kokote mo bakit gantong oras ka na pumasok?"
Oo nga pala, siya si Rikzei Alona Xander. Bestfriend kong ubod ng ganda pero bato kung umasta hay nako.
Maya maya pa ay narinig ko na ang bell ibig sabihin non...
Dismissal na!!!!
Yahooo!
"Friendship! Tambay tayo sa music room!" Pagyaya ko kay RAX. (Meaning po nyan ay Rikzei Alona Xander okay? Huwag kayo malilito)
"Naku bilisan natin baka maunahan tayo!"
Ayan na at kumaripas na kami ng takbo. Wala na kaming pake sa suot naming uniform na mukhang sailormoon basta ang goal namin ay mauna sa music room.
Tanaw na tanaw ko na ang music room kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko nang biglang ...
*WAPAK! PLAKATTT! BOOOGSHH!*
OMG. MAY NABANGGA AKO.
"ARAY!!!! Honuyeta ka! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Kababaeng tao nanananching sa gwapong katulad ko!"
"Hoy! Wala akong pake sayo. Tumabi ka jan! Pupunta ako sa music room! Naiwanan na ako ng bestfriend ko! Saka HINDI KA GWAPO! MUKHA KANG UNGGOY!"
Bago pa sya makapag salita ay agad kong kinuha ang blackshoes kong isa at agad na binato sa kanya at kumaripas na ko ng takbo papuntang M.R. dinig na dinig ko nman ang pagcu curse nya sakin.
Hahahaha.
Ako si Kathleine Aristotle Sayeira Yap. Wala nang papantay pa sa kakulitan na taglay ko. Hahahaha!