Chapter 2- Bonding of the fam

0 0 0
                                    

Pagkatapos namin tumambay sa Music room ay nagpunta na ako sa mall kasama itong si Kuya Bert. Nag shopping na ako ng mga damit na "in" ngayon.

Iba't ibang boutique ang pinasukan ko, at sa kada papasukan ko ay namimili ako kahit isa or dalawang damit nila.

Some of the clothes I bought are off shoulder, dress, maxi dress, skirts at crop tops. Bumili na rin ako ng keds shoes, wedge na 5 inches at havaianas, pati bagong blackshoes dahil nga ibinato ko iyon sa panget na mukhang unggoy na jerk na nilalang na yon. Binilhan ko rin si Kuya Bert ng damit para sa kanya at sa family nya. Kitang kita ko naman ang tuwa ni Kuya Bert and it makes my heart pound.

At dahil matakaw ako, pero hindi ako tumataba (I'm lucky to be one haha) pinayagan ako nila Mom and Dad na maglagay ng refrigerator sa kwarto ko dahil malawak naman yun, kaya naisipan ko na ring mag grocery.

Punong puno ang cart na dala ko. Nutella, pringles, piknik, biscuits, chips, chocolates, nachos, mogu mogu na malalaki at mga instant cup noodles ang pinamili ko. Syempre pinag grocery ko na din si Kuya Bert kaya ayun sobrang saya nya.

I was about to pay the bills when I saw the jerk I bumped. Nandilim paningin ko letchugas pero agad kong na control ang sarili ko.

Pagkatapos ko gumastos at halos naka 10k ako, yari nanaman ako kay Daddy nito, ay agad na kaming pumunta sa parking lot ng biglang tumawag sakin si Mommy.

"Kasy, where are you?"

"Mom, I'm at the mall but we're ready to go home. Saka po I'm with kuya Bert why?"

"Tell kuya Bert to drop you at Lexin's Restaurant. We'll have our dinner there okay? Huwag na kayo umuwi sa bahay, we're on our way na"

"Okay mom. Iloveyou!"

"Iloveyou more my little princess see you. Daddy can't wait to see you haha."

I ended the phone call. Agad ko namang sinabi kay Kuya Bert na dumiretso na kami sa Lexin Restaurant. Pero wth? Naka uniform pa ako, ewww so nag stop over kami ni Kuya Bert sa Jollibee at nagpalit ako doon saka kami dumiretso sa venue.

Simple lang ang suot ko, nag off shoulder ako na dress color royal blue at ginamit ko yung keds na white.

After ilang minuto, ay nakarating na rin kami at nakita ko na ang table nila Mommy.

Pagkakita ko sa kanila ay agad ko silang niyakap at hinalikan. Lalo na si Daddy.

Everyday kaming nagkikita sa bahay pero ganito lang talaga ang pamilya namin. Kaya super blessed ko talaga dahin ganito ang family na meron ako ngayon.

We ordered the foods we want and nag salo salo na kami. Tawanan dito, tawanan doon, basta sobrang saya lang namin.

My mom's name is Karina while my dad's name is Aian.
Yung dalawa kong kapatid ay sina kuya Kaiser Aevee at ang bunso namin na si Krishna Ariella.

Super memorable ng dinner namin dahil pinakanta nila ako sa Restaurant kahit na hindi lang kami ang kumakain doon. At inofferan ako ng restaurant na minsan ay mag gig doon at pinayagan naman ako ni mom and dad basta daw ay masaya ako sa ginagawa ko.

A Journey To LoveWhere stories live. Discover now