-KASY-
"Grabe ka bessy! Hahaha di ko kinaya ang ginawa mo! Ang paglagay mo ng ketchup sa upuan ng isang gwapong nilalang na si Aesth Jamesford Howard grabe! IKAW NA!"
"Ano ba Rax, syempre bumabawi lang ako sa kahihiyan ko last time. Nakakatawa dahil nakisama ang araw na yun sa akin, nag white pants pa talaga sya! Hahaha ang sarap pagtripan ng unggoy na yun!"
Andito kami ngayon sa Field at inaalala yung nangyari kay Unggoy. Sobrang humagalpak kami sa katatawa ng may unknown # na tumatawag sakin.
Should I answer the call?
Sinagot ko dahil kinukutuban ako.
"Uhm.. Hello?"
"Is this Ariella's sister?"
"Yes po this is Kathleine ano pong nangyari sa kapatid ko?"
"Sorry for informing you a little late but we are here at St.Lukes Hospital, we found out na may Tumor sa utak ang kapatid mo. I am her Nurse Iyrell."
Napamura ako sa isip ko. Sht yung kapatid ko!
Dali dali akong nagpaalam kay Rax at tinawag si Kuya Bert sa parking lot. Umalis na kami at kinontact ko na rin si kuya Aevee.
Lord...
Tulungan niyo po ang bunso namin.
***
Nandito kami ni kuya ngayon sa St.Lukes at pinagmamasdan ang bunso naming natutulog. Ang angelic ng mukha at parang walang dinaramdam. Pauwi na rin sila Mom and Dad sa Business Trip kahit na dapat next week pa ang uwi nila. Buti na lang at nakausap nila ang mga business partners nila doon na kung pwede ay umuwi muna dahil sa emergency.I sigh.
Bakit kailangan pang mangyari to.
Di ko namalayan ay nakatulog nako.
"Dad! Wake up! Wake up! Lumaban ka daddy, alam kong kaya mo yan!"Nakikita ko ang sarili ko na humahagulgol at niyayakap si Daddy.
I see that he's hurting.Pero bakit nasa Hospital kami? Ano bang nangyari kay Daddy? Saan ba si Mommy? Kinocomfort ako ni Kuya, but I also see in his eyes na paiyak na sya. What.. What happened?
"Kuya what happened to Dad? Ba bakit sya naka higa bakit?"
"Because ..."
"Kasy wake up. Gising na si Ariella andito na ang doctor"
So it was a dream?! What a nightmare.
"Sila daddy? Nandito naba sila sa Pilipinas?"
"Last contact ko pa sa kanila eh pasakay na sila ni Mom. Don't worry maybe they are too tired kaya nakatulog sila sa plane."
"I see."
Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong nangyayari sakin?
I miss my Mom and Dad. Please come here as soon as possible.