Author's note: Sana may readers na ako. Para super ganado ako sa paggawa ng story.
Sa mga napapangitan, okay lang po. This is my first time to write a story here in Watty World. Pagpasensyahan nyo na po.
Thankyou sa mga nakaka appreciate ng story ko. I hope basahin nyo hanggang huli. :)
Wala na pong book 2 ito. Ipinapangako ko. Enjoy reading!***
Agad akong pumasok sa comfort room at tinungo ang isang cubicle saka ko sinampal sampal ang mukha ko.
"Ang malas ko naman. Wahhh nakakaasar talaga. Bakit yung unggoy pa na yun! Di kami pwedeng maging mag asawa! Mamamatay ako ng maaga dahil sa ka highbloodan ko sa kanya."
"Naku nakakainis talaga! Pwede bang umatras? Pwede naman siguro yun tapos yung allowance ko for this month ibibigay ko na lang sa pagtayo ulit ng restau. huwag ko lang maging asawa yon!"
Napahilamos na lang ako sa mukha. Wahhh gusto ko umiyak dahil sa lahat ng lalaki sa mundo bakit sya pa!
Lumabas na ko sa C.R. at nagpretend na masaya at napaka bubbly kong tao. Hue.
Natanaw ko agad si Unggoy. Tsk nababadtrip talaga ako parang gusto ko na umatras na lang!
Pero iba ang pag outfit nya today ha? Ano sya mapagpanggap? At ang matindi di pa ako pinapansin! Aba pa do I know you do I know you pa syang nalalaman porket nakaganti na ko sa kanya ah. -_- Hay makaupo na nga.
Tinitigan ko sya at naka poker face lang sya. Pero nung nakita nya akong nakatitig sa kanya ay nginitian nya na ako at biglang lumabas yung mga napakalalim nyang dimples.
Oh? May dimples pala itong mokong na to! Lalo tuloy gumagwap.. Este pumapanget! Grabe di bagay! Mukhang Jose Manalo. -_-
Ano ba yung sinasabi ko na gwapo sya? NAKO HINDI KAYA!At dahil may sariling mundo sila mom and dad pati na rin ang mom and dad ni unggoy ay nagopen na lang ako ng phone saka nag tweet.
"Ayoko netong kaharap ko. Malas"
Tweet sent.
Pinatay ko na ang phone ko saka hinarap sya.
"Oy! Di ka ba nagulat na ako ang mapapangasawa mo?"
"Why should I?" Aba kung maka english kala mo di ko kakilala eh.
"Saka bakit englishero ka dito? Duh kala mo bagay mo? Pwe mukha kang pwet"
"What are you talking about, do I know you?"
"Hoy tigil tigilan mo ko, ano ka nagka amnesia? Di moko mapag titripan ngayon. Peste ka saka bakit sabi ni Dad galing ka ng Canada eh schoolmate kita e. Siguro nagsinungaling si Mom and Dad mo sa Mom and dad ko noh?"
"Huh?"
"Ewan ko sayo. Pwet ka pweeeet!"
"Mom what is pwet?"
Tanong ni Unggoy sa mom nya. Kala mo naman di nya alam? Painosente amposa. Grr kapang gigil!"Who told you that word?"
Kinakabahan ako peste."My soon to be wife? Hehe"
Yak ba sya? Soon to be wife? Asa!Biglang nagsalita yung mommy nya.
"Ay oo nga pala. Iha what's your name?"
"I'm Kathleine Aristotle Sayeira Yap po. You can call me Kasy."
"We are his parents, and your soon to be mom and dad also. So I am mommy Rhian and this is daddy Ford."
"Son, introduce yourself." Naku po di na kailangan. Kilalang kilala ko yan.
"I'm ...
"I'm Westh Josterford Howard nice meeting you Kasy."
Wow ha! Loko ba to? Porket Aesth to sa school, Westh sya dito? Hahaha don't me unggoy. Don't me.
"Hoy unggoy! Huwag ka na magpanggap I know you. How could you make my mom and dad believe that you're a nice man ha?"
Nakita ko namang nagulat sila sa sinabi ko. Pero di na talaga ako makapag pigil.
"Ha? This is my first time to meet you, so what are you talking about?"
"Tigil tigilan mo ko, binato mo kaya ako ng itlog sa school!"
Pagkatapos ko sabihin yun ay nagtinginan si Mom and dad pati sila Tito and Tita saka nagtawanan.
Wtfood? Ano meron?
"Kasy, we forgot to tell you that Westh is not your schoolmate in Elite Academy. That is Aesth. In short, Westh and Aesth are twins."
Hala nakakahiya!!!!
.
.
.
.
.
. di ko pala sya kakilala! Hala!Pinakyu ko pa sya kanina. Wahhhhhhhhh! Sana maglaho na ko dito! Nakakahiyaaaaa!