Sinet ko na ang alarm ko sa TAMANG oras at saka ako nag browse sa newsfeed ko sa facebook, nagtwitter din ako at nag ig.
Syempre inupload ko agad yung picture ko na kumakanta sa Lexin sa Ig at shinare ko din sa Fb.
After ilang minutes ay hundred na ang likes nito at may mga nagcomment, syempre nireplyan ko sila ng mga "thanks, mas maganda ka, mas maganda boses mo, nambola, etc" hanggang sa may nagcomment ulit, nang iopen ko yun, ito ang kinomment nya.
"So ikaw pala yun? Ang panget ng boses mo"
Aba yung dugo ko umakyat lahat automatically at agad kong inopen ang profile nung lalaking nag comment ng walang pakundangan sa picture ko.
Aesth Jamesford Howard
Aba JERK ikaw pala yan ha. Humanda ka sakin bukas sa school. Yung blackshoes ko di mo na binalik! Buti na lang namili na ko. Pakshete ka.
At di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Andito na ako sa classroom ng sobrang aga naman. Halos kokonti palang ang tao sa Elite A.
Halos lahat ng mga may anak na mga business owner ay dito pinapag aral. Yung iba anak ng artista, yung iba anak ng mga senator, may mga scholar din dito pero sa pagkaka alam ko, tatlo lang sila.
May ari kami ng isang restaurant, hotel, resort at kami din ang may ari ng isang school at yun ay ang Sky University.
***
Naglakad lakad ako papuntang music room at kinuha ang gitara at sinimulan ang pag strum nito.
Nang mapansin kong dumadami na ang tao ay lumabas na ako. Habang naglalakad ay kinuha ko ang Hershey chocolate at sinimulan ko ng kainin ito.
Dinala ako ng paa ko sa field.
Umupo ako sa damuhan at fineel ang simoy ng hangin. Malawak kasi ang Elite A. Pero hindi ganon kadami ang pumapasok dito, bukod sa napakamahal na tuition ay hirap na hirap makapasok ang iba dito dahil sa entrance examination.Tumawag si daddy sakin.
"Kasy, we're going in a business trip, nag iwan na ako ng allowance nyong tatlo. And please take care of bunso okay. She's not feeling well. Even though we have the maids to take care of our bunso, She needs you too."
"Dad, gaano kayo katagal doon?"
"1 week lang baby, but I'm begging you na after class umuwi na kayo ni Kuya Bert. Binilinan ko na rin sya."
"Uhmm yes dad. Ingat po kayo. Iloveyou"
"I love you too my little princess."
I ended up the call.
Pumasok na ako at after ilang oras, uwian na at napag desisyonan ko na rin na umuwi agad dahil yun ang bilin sa akin ni Daddy.Papalabas na ako ng gate ng biglang may binato sa akin at pagkapa ko ay ang lagkit. Pagtingin ko itlog. -_-
Nilingon ko kung sino yung nambato. At nakita ko yung Jerk na patawa tawa na lang at halos ikamatay nya sa sobrang lakas ng tawa nya.
"AESTH JAMESFORD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"