Chapter 7- Announcement.

0 0 0
                                    

Alam ko ga graduate na ako this year that's why I'm so excited. Syempre mag O OJT din ako. :')

Ginu goodvibes ko ang sarili ko dahil laging pumapasok sa isip ko yung kasal thingy.

"Kathleine!"

"Oh Rax, aga mo ha!"

"Syempre naman noh! Wala din kasing magawa sa bahay saka malapit na tayong magba bye dito sa Elite A. Ilang buwan na lang din"

"Gaga may 2nd sem pa"

"Oo alam ko no pero feel ko super iksi na lang ng oras na yun"

"Sabagay."

Papunta na kami sa building namin ng makita ko ang isang announcement.

"ELITE ACADEMY BATTLE OF THE BANDS"

This coming November 15 @6Pm
All students are required to attend the said event.

To those who are interested, get your registration form at MassComm Building.

"Bessssy! Sali tayo!"

Yaya sa akin ni Rax.

"Tse ano namang kakantahin natin? Saka sino pa ang iba nating kasama? Kailangan accounting din eh mga sunog kilay ang mga kasama natin"

"Huwag ka panghinaan ng loob Kathleine hahanap tayo!"

"Diba marunong ka namang mag gitara? So acoustic guitar ka tapos syempre drums na ako. Bali wala tayong pianist saka bass guitar"

"So dalawa na lang ang kulang?"

"Yup! Tara na maghanap na tayo!"

At ayun nga. Nakumbinsi na ako nitong si Rax na sumali. Saka medyo interesting dahil mapapakita ko ang talent ko.

Pagkapasok namin ng room ay may dalawa kaming kaklase na may hawak nung form.

"Marquisha, Racel, sasali kayo?"

"Yup, kaso dalawa pa lang kami"

"Ano ba tinutugtog mo?"

"Ako piano tapos si Racel guitar"

Nagningning agad ang mata namin ni Rax

"Oh! Di na pala kami mahihirapan eh. May lead vocalist na tayo, Si Kathleine tapos ako drummer! So Racel diba maganda din boses mo? Edi kumpleto na tayo!"

Sabi ni Rax na halatang excited na magpasa ng form.

"So kailan tayo magpapasa?"

"Ngayon na!!!!"

Sabay sabay nilang sabi.

C'mon lez do this!

***
                             -Aesth-

Nandito kami ngayong mag to tropa sa hallway nang mabasa namin ang announcement tungkol sa battle of the bands.

At kung hindi nyo naitatanong, itong grupo namin ay grupo ng mga magagaling sa instruments. Banda nga kami e.

Syempre wala nang tanong tanong pa ay pumunta na kami sa Masscom building at saka kumuha ng form.

Kawawa naman ang kakalaban sa min. Hahaha

***

                       -Kathleine-

Nagmamadali kaming umuwi ni kuya Bert kahit di pa kami tapos magklase, sinugod nanaman kasi si Ariella sa St.Lukes.

Katabi ko sa kotse si Kuya Aevee na naka earphone at natutulog.

Magkahawig na magkahawig sila ni Ariella, ako lang ang naiibang mukha sa kanila. Mas maputi din ako sa kanila. Ni isang features nila sa mukha ay wala ako. Saka gwapo itong si Kuya Aevee. Campus hearthrob din ito. Mukha kasing anghel.

Nandito na kami sa St.Lukes. Wala ulit sila Mom and Dad. Inaayos kasi nila yung business namin sa Canada. Sobrang mahalaga kasi sa amin yun. Dahil yun ang kauna unahan naming business sa ibang bansa.

Naiintindihan ko naman sila. Saka malaki na kami ni Kuya Aevee. Responsibilidad naming alagaan si Ariella habang wala ang mga magulang namin.

Hindi gumagaling si Ariella, mas lalo pang lumalala ang sakit nya. Nakikita ko syang nahihirapan at naiiyak ako don.

Mom, dad, come back home please. Ariella needs you.

A Journey To LoveWhere stories live. Discover now