Ilang buwan na kaming nasa St.Lukes dahil sa kalagayan ni Ariella. Minabuti na namin na dito na sya mag stay kaysa sa bahay.
May isang sakit pa ang hindi pa natutukoy dahil sa isang milyong tao sa mundo, 5 lang ang kaso nito. Kaya naman we're still hoping na may cure ang sakit na iyon.
Super thin and pale na ni Bunso. She still managed to smile but deep inside I know she's hurt.
Naaawa ako sa kalagayan nya.
Natuloy na rin ang plano namin na ipakasal ako sa Canada dahil taga doon ang papakasalan ko at tutulong sa amin para maitayo ulit ang restau. Unless, gentleman sya at willing syang dito ipakasal kahit private wedding lang. Duh! Wala akong balak na sabihin sa public na married na ako. Paano na lang yung lalaking nakalaan sakin? Saka alam kong ganun din ang iniisip nya. Kaya pag stable na ang condition ng lahat, after the contract wala na rin kami.
Iniisip ko, kaya naman namin kahit wala ang tulong nila because we have lot of businesses here in the country. Pero bakit kailangan pa nila ng partnership? Hayyy.
Ako ngayon ang bantay sa Hospital dahil may klase pa si Kuya Aevee sa Elite A. Two hours lang naman. I miss Rax. Di pa kami nakakapag practice para sa upcoming event na battle of the bands.
Calling... Daddy
"Yes Dad? Nasa bahay na ba kayo?"
"Kathleine, where are you?"
"Uhm nasa Hospital, bantay ako ni Ariella why dad?"
"Where's Aevee?"
"Dad may class sya. Pero patapos na po"
"Prepare yourself iha, ngayon mo mami meet ang future husband mo"
"Daddy.. What?!!! Daddy? Pakiulit? Hehe"
"Ngayon mo ma mimeet ang future husband mo"
"Ah.. Eh.. Masakit ulo ko dad eh saka m.. May.. May LBM ako t.. Tama! May LBM ako! naku daddy nakakahiya naman na biglang sumumpong yun doon hehe.."
"STOP LYING KATHLEINE ARISTOTLE"
"Ehehe sorry Daddy, eh kasi nabibigla ako. "
"Napag usapan na natin to baby saka diba ikaw pa nga ang open up nito? Then why are you acting like that? Mom will be angry to you."
"Opo dad. I'll wait Kuya Aevee then kuya Bert and I will going home na po"
"Goodgirl. Sige na. I'll hang up the phone. Iloveyou Kasy"
"Iloveyou most daddy"
Shems! Wala ng urungan to!
Bakit ba kasi ako pumayag?! Nakaka asar talaga! Saka paano napunta dito yung asawa ko?! Este mapapangasawa ko?! Ganun na ba sya ka hesitate na makita ako? Hayst!Ilang minuto na akong nakatitig sa closet ko. Shocks anong susuotin ko? Nak nang tokwa naman oh? No choice. Kinuha ko na lang yung dress above the knee color cream saka nag silver accessories, medyo pa balloon yung style kaya ang cute suotin. Nag make up lang din ako ng light saka kumuha ng stilleto.
Bumaba nako and nakita ko naman si Dad na naka suit so ibig sabihin super formal ng dinner na ito. Sobrang gwapo ni dad kahit medyo tumatanda na. Hehehe.
We're on our way to Lexin Restaurant ng naisipan kong mag twitter.
"Today is the day, who is he?"
"Sana gwapo ka"
"Sana mabango ka"
Tweet sent.
Whoo. This is it.
Pagkapasok namin, I saw...
I saw...
I saw...
I saw UNGGOY! Wait ano ginagawa nya dito?! Pasimple akong dumaan sa table nila at kinausap ng mahina.
"Huy anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa mokong na ito
"Do I know you?"
Aba loko to ah? Dinedeny ako sa harap ng mga tao.
"Fvckyou" sabi ko hahahaha.
Nakita ko syang nanlaki ang mata hahahaha nangamatis bwahaha.
Nakita ko sila Mom na may kausap at saka nakita kong papalapit sila sakin. Teka, nasaan yung lalaki? May special entrance ba sya? Hahaha.
Nakita kong lumagpas sila sakin saka umupo sa table na nasa likuran ko.
O_______O?
Don't tell me? Itong unggoy na to
ang mapapangasawa ko?!
Wahhh! Am I dreaming? Please wake me up!