12

374 13 52
                                    

"Re Mi, gising na"

Nakaramdam si Re mi ng paghawi sa buhok niya. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya. Nasa loob siya ng.... hindi pamilyar na kwarto.

Pag-tingin niya ng diretso, ay napatayo siya.

"J-jaemin?!"

Ngumiti ito sa kanya. Napatingin siya sa damit niya, iba na rin ang damit niya! Hindi na siya naka-unifom. Nakasuot siya ng pink -tshirt at blue pajamas.

"A-anong nangyari?!"

Napa-atras si Remie at kinakabahan siya. Nahalata naman ito ni Jaemin kaya ngumiti siya.

"Masakit pa rin ba?"

Mas lalong kinilabutan si Remie sa sinabi ni Jaemin.

"Anong m-masakit?"

"Kanina ka pa kasi umiiyak"

Biglang bumalik sa utak ni Remie ang mga nangyari kanina. Si Mark.

"Ah..." nanahimik si Remie.

Pero naalala niya ang damit niya. Kung paano to nag-iba. "P-paano pala n-napalitan yung .... damit k-ko"

"Ah pinalitan ni ate damit mo, nakasando ka pa naman daw."matapos non ay kininditan siya ni Jaemin.

Kinuha ni Jaemin ang isang baso ng gatas sa tabi niya at isang hiwa ng cheesecake.

"Oh ayan, kainin mo" sabi ni Jaemin at pinaupo siya sa may tapat ng study table niya.

Nagpapakipot pa si Remie nung una pero kinain din niya. Napangiti si Jaemin.

"Masakit ba talaga?" Tanong ni Jaemin.

Tumigil si Remie kumain at napatingin kay Jaemin. Namamaga ang mga mata ni Remie dahil sa kakaiyak. "Uh.. oo sobra"

Jaemin harshly closed his eyes. "Gago ka talaga Mark Lee" bulong nito sa sarili.

"Kumain ka muna, maguusap tayo mamaya tapos hahatid na kita" sabi ni Jaemin at lumabas ng kwarto niya.

Linibot ni Remie ang tingin niya sa kwarto niya. Doble ng kwarto ni Remie ang kwarto ni Jaemin. May mga led lights, lamp, tapos may mga artworks. Ang mas nakakamangha yung design kwarto niya. Aesthetic.

"Woow" nasabi niya sa sarili.

Tinabi ni Remie ang pinaginuman at pinagkainan niya at tumayo. Tinignan niya ang mga picture frama na nakasabit. Panay picture niya at ang nct. Tapos yung pinakamalaking frame yung siya at... mama niya.

Mayroon pang flat screen TV. At split type aircon. Tapos yung study table niya ang ganda. Pero nagulat siya nung may makita siya. Sa gitna ng study table niya, naksabit ang picture niya at pangalan niya.

Napangiti si Remie. Aaminin niyang kinilig siya. Bumagsak siya sa malambot na kama ni Jaemin. Gumulong gulong siya doon at nagpalundaglundag.

"Ang lambooot!!!" Sigaw niya at niyakap ang unan ni Jaemin..

"Hii cutiiee!" Sabi niya at pinisil ang isang teddy bear.

Tatalon na sana siya ng

"Remie mag usa--

Tatayo sana si Remi ng diretso kaso nalaglag na siya sa kama ni Jaemin.

Jaemin slightly laughed

"Ano sa kama na lang ba tayo magusap?" Nanlaki ang mata ni Remie at tumayo agad.

"A-andwae!!!!" Sigaw niya. "S-sa labas na tayo ng kwarto mo"

Nag-ok sign si Jaemin at lumabas ng kwarto.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon