41

168 11 12
                                    

JAEMIN

Parang nanlumo ako nung nabasa ko yung text ni Remie.

ANO BANG GINAWA KONG MASAMA.

kinakabahan ako eh! Ayoko tuloy umuwi ng bahay.

"Jenooo! Samahan mo na ako sa bahay. Maawa ka naman sa gwapo--

"Lalong di kita tutulungan"

"Eeeeh Jenooo!"

Binitawan niya ang kamay ko tapos tumakbo papalayo sakin.

"Goodluck Jaemin!" Sabi pa niya at tuluyan ng umalis.

Tss.

Kaibigan ko ba talaga yun?!!

Ayoko talaga umuwi!

Sa kanya na lang bahay ko. Nakakatakot naman kasi eh. Ayokong nag-aaway kami ni Remie tapos ngayon di ko naman alam kung bakit siya galit sa akin?!!

Iniiwasan ko na nga eh.

Aisshh...

Bahala na..

Goodluck bro.

----

Dahan-dahan akong naglalakad ngayon papunta sa bahay.  Syempre kailangam chill. 

Chill lang. Oo chill.

"HOY JAEMIN!"

"HA TANGINAAAAAAAAAAAA"

NAPATAKBO AKO NG DI ORAS AT NAGTAGO SA LIKOD NG SASAKYAN NG KAPITBAHAY NAMIN.

TALAGANG INAABANGAN NIYA AKO!

"Jaemin wag kang magtago, konti na lang pasensya ko sayo" nakita ko na yung paa ni Remie.

Hindi ko alam kung girlfriend ko ba to sa lagay namin.

"Jaemin oppa~, eodiya?"

Ah puta. Tinawag niya akong oppa. Isa na akong makasalanang tao.

"Jaemin-ah... eodiya?"

BAKIT ANG CUTE NG BOSES-- ANAK NG.

Naririnig ko yung sapatos niya. Nakakatakot yung tunog.

Bumibigat na ang paghinga ko. Malapit na siya.  Oo malapit na.... yung paa niya..

SHIII--

"HULI KA JAEMIN!"

Halos mawalan ako ng hininga-- t-teka.

S-saan siya..

"Huh?"

Nasa likod na niya ako!

ISANG MALING GALAW KO LANG--

"Nasaan na kaya yun?"

Nasa likod mo lang ako...

Bigla siyang naglakad papalayo.

"Babalik rin naman yun" sabi niya at naglakad na papalayo sa sasakyan.

Yung totoo...

Ganon na ba katanga si Remie? Seryoso ba siyang hindi niya ako nakita?

"HOY REMIE" sigaw ko

napalingon siya agad realquick. tapos galit pa mukha.

"nandiyan ka lang pala?" sabi niya tapos nagkamot ng ulo. may kuto ata to.

"akala mo makakalimutan ko?!" Sigaw niya bigla

"halika dito jaemin!" bago pa man ako makatakbo parang biglang nag extend yung kamay niya sa sobrang bilis niya.

"remieee!!!!! ano bang ginawa ko sayo? kala ko ba bati na tayo?"

"tss. bati bati. sigaw na ako ng sigaw sayo kanina di mo pa ako naririnig! tapos si sandy pala hanap mo! kayong dalawa ni jeno. taksil ka!" Sigaw niya tapos nagulat ako niyakap niya ako.

"u-uy.."

"sa susunod wag na wag mo ng uulitin yun ha?" sabi niya bigla. anong nangyari? bumait bigla?

"s-sorry... di kita napansin talaga kanina.." sabi ko tapos hinigpitan ko pa yung yakap sa kanya.

"sandy, sandy ka pa dito naman ako" sabi niya tapos hinarap niya ako.

"oo na" sabi ko tapos pinisil yung dalawa niyang pisngi.

Ang cute cuuuuute talaga ng isang to--

"HOY MGA BATA UMALIS NGA KAYO DITO ANG BABATA NIYO PA ANG LALANDI NIYO NA!"

napa-poker face lang ako.

ano bang pake niya?! kitang may momment kami dito ni remie epal masyado

hinawakan ko yung wrist ni remie at hinila siya palayo don.

"AALIS TALAGA KAMI DITO!"

-----

7:30 pm

pinaalis ko na si Remie sa bahay. gabi na baka mamaya ano pang mangyari dun.

nahiga ako sa kama at pumikit. ang sakit ng likod ko bwiset. binugbog kasi ako ni Remie kanina dahil sabi niya ayun daw ang parusa ko sa ginawa ko sa kanya.

hinayaan ko na lang sana pero ang lakas! putcha pakiramdam ko matatanggal lahat ng buto ko.

"tangina mo talaga jaemin alam mo yon? sumakit lalamunan ko kakasigaw tapos hindi mo ko papansinin ha?!" paulit ulit lang niya yan sasabihin.

hinahayaan ko ng gawin yung gusto niya, kasanalanan ko rin naman.

bakit ko ba kasi hindi napansin si remie kanina?

ang tanga ko nanaman. Pero buti bati na kami.

Para tuloy kaming bata na nag-aaway. Lagi kami ganto mag-away. Ewan ko ba. Siguro part talaga to ng relationship.

Siya naman yung pinaghirapan ko, kaya worth it lahat.

Kailangan lang talagang maghintay.

---

"Sinong bakla ang kasama ni Remie ngayon?" Banat ni Jelle

Sinama pa kasi tong Jelle na to pa-epal lang. Tss.

"Di ako bakla"

"Ikaw ba? O natamaan ka lang?" Gusto ko na talaga siyang batuhin.

Hindi ako nagsalita kasi mamaya kung saan nanaman mapunta yung sasabihin niya.

"Oh bat di ka nagsasalita? Totoo kasi no--

"Isa pang banat mo ibabato na kita" sabi ko sa kanya at sinamaan ako ng tingin.

Nakikinig lang si Remie tapos tumatawa.

"Edi ibato mo! Babalik ako at kahit anong gawin mo bakla!"

"Aba tong itlog na to--

"Hoy tama na yan! Awat ni Remie.

"Madadamay pa ako sa inyo eh" sabi ni Remie.

Sinamaan ko ng tingin yang si Jelle at inayos ang strap ng bag ko. Inirapan pa niya ako. Kapal, pasalamat siya mas matangkad ako sa kanya at may awa ako.

"Jaemiiiin" tawag ni Remie sakin .

"Oh?"

"Ice cream hehe"

Mapapagastos nanaman ako.

--

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon