28

219 9 57
                                    

JAEMIN

"Jeno, aalis na ako" sabi ko habang bitbit yung dala kong lunch. Syempre nagpaluto din ako no.

Baka mamaya sabaw lang niluto sakin nun, nagpagutom pa naman ako para ngayon. Hehe.

"Sige, ingat. Marami pa namang pulis diyan mapagkamalan ka pa." Tinignan ko na lang siya ng masama at umalis sa dorm.

Pumara ako ng Taxi. Wala pa naman kasi akong sasakyan katulad ni Mark Lee. May sasakyan kami pero sila daddy may gamit.

Pagpasok ko sa loob ng taxi--

"Deputa...."

ANG BAHO KINGINA.

Kaya gumawa ako ng palusot para umiwas. Gago ang baho talaga.

"Magkano po hanggang China?"

Sinarhan agad niya ako ng pinto. Tapos nagpatakbo agad. Anong akala niya hahabulin ko siya? Sa sobrang baho ng taxi niya kumikita pa ba siya?

Pumara na lang ako ng bago at doon na sumakay. At least mas matino to kaysa doon.

Pagtingin ko sa relo ko, 11:45 na. Malapit na naman na mag lunch sakto lang.

"Sa may ano po....." basta sinabi ko yung village ni Remie. Ayoko sabihin baka mamaya puntahan niyo ko. ;)

---

"Kamsahamnida" sabi ko at binigay yung bayad ko. Puta.

wala na akong pera.

HINDI NAMAN GANON KALAYO VILLAGE NILA TAPOS GANTO KALAKI?!!

wala na naka-alis na yung Taxi.

Wala na akong nagawa kaya pumasok na ako sa village nila.

Naglakad ako sa... Nctzen street. Ayun.

Parang apartment siya pero medyo malaki din. Pang 3rd floor daw.

Pero putek walang elevator. Tapos yung hagdan parang 100 steps kada floor eh.

Hindi naman ako gutom na gutom :).

*doorbells*

"Remie.."

Bumukas agad yung pinto. Bumungad sakin yung amoy pagkain.

Wala ng paalam pumasok na ako sa bahay niya.

"Wala kang galang?!! Jaemin ha!" Sigaw niya.

"Hehe, gutom na ako eh" sabi ko at nginitian siya.

"Hindi porket bisita ka, wala ka ng gagawin. Ikaw pa rin maghuhugas ng pinggan. Ok?"

"Eh?!" Bakit--

-_____-

"Oo na" kasi kapag tumanggi ako, onti na lang chance kong mabuhay.

"Good" umupo na siya sa tabi ko.

"May dala rin akong pagkain" sabi ko at pinakita yung dala ko.

"May kimchi diyan,binili ko kahapon. Tapos yung chocolates sayo na yan" sabi ko tapos kinuha niya agad yung lalagyan ng chocolates.

"Salamat!" Sabi niya at nilagay sa ref niya.

Nilapag ko yung dala kong pagkain sa mesa..

Mauubos ba namin to? Ang dami?!

"Game kain na!"

Sabagay, matakaw naman tong kasama ko.

Habang kumain kain kami, kuha lang siya ng kuha doon sa kimchi. Pati sa iba kong niluto.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon