65

209 8 8
                                    

JAEMIN

maaga akong umalis ng dorm dahil maaga daw dadating si remie. 9 am daw siya dadating.

it's currently 7 am. kakarating ko lang sa airport. since 9 am pa naman ata siya dadating tumambay muna ako sa isang coffee shop. kaya inagahan ko na rin ang gising ko para alive ako mamaya sa rehearsal.

naka-mask ako na black tapos naka white cap. mahirap na kapag makita ako ng ibang tao. o kaya makilala nila ako. kaya nakayuko na lang ako.

akalain mo yun, magiging idol pala ako. tapos napaka-totoy ko pa noong highshool. well, halos lahat naman kaming nct, ako lang talaga pinaka-gwapo.

um-order ako ng hot chocolate. tapos umupo na lang sa isang table.

tungkol last year. fresh pa yun sakin lahat. kung paano ako habulin ni seulbin, dahil crush niya ako, tapos yung debut namin. sobrang busy pero masaya.

ayun din yung time na bumalik si remie. noong nakita ko siya sa fansign event namin gustong-gusto ko siyang yakapin agad pero may pumipigil sakin.

naisip ko agad kung anong mangyayari sa kanya kapag ginawa ko yun.

kaya mas pinili kong palayuin na siya sakin. nung mga oras na yun pinagsisihan kong sumama ako kila taeyong hyung. pinagsisihan kong sumama ako sa pagiging idol ko.

akala ko hihinto na siya pagkatapos ko siyang pagtabuyan. nagulat ako nakita ko nanaman siya ulit. well siya naman yung tao na hindi sumusuko agad.

ayoko lang naman talagang ma-involve siya sa mga issues tsaka kung ano-anong rumors na pwede ibigay sa kanya.

pero ayaw niya talagang umalis sa tabi ko. ano bang magagawa ko. pinipilit niya talagam kahit anong gawin ko.

noong time na paalis na siya, noong kinausap niya ako. hindi ko naman na talaga mapipigilan yung sarili ko.

kahit iniwan niya ako noon, nang wala akong alam. biglaan na lang siyang umalis.

kahit galit ako.

nawala 'yun lahat noong kinausap niya ako.

bakit ba kasi mahal na mahal ko siya edi sana wala na akong pake sa kanya ngayon.

wala naman talaga sa plano ko ang pagiging trainee, or idol. nangyari lang naman 'to dahil sa galit ko. gusto ko kong ipakita noon kay remie na ako 'tong pinakawalan niya na, sinayang niya ganon.

pero noong nagtagal na ako sa pagiging trainee ko, na-realize kong, walang kwenta lang din yung ginagawa ko. bakit ko pa ba ipapakita sa kanyang sisikat ako.

pero wala na eh, pinangako ko sa mga kaibigan ko na hindi ako aalis. hindi ako sisira ng pangako kaya, pinagpatuloy ko.

kaya ayon, nag-debut ako. wala pa rin akong balita sa kanya. ang alam ko lang na nasa US siya. ayun lang.

buti nga kasama ko sila jeno at yung mga kaibigan ko kasi atleast may napagsasabihan ako ng nararamdaman ko.

lagi kong sinasabi sa mga oras na 'yun, worth it ba lahat ng ginawa ko para sa kanya? masyado bang kulang at hindi pa sapat lahat ng ginawa ko para sa kanya? or talagang minamalas lang talaga ako sa buhay?

ayoko kasing maging ma-drama sa harap ng nct kaya hindi ko yun sinasabi sa kanila. minsan si jeno lang din nakakaalam na umiiyak ako.

30 minutes na ang nakalipas. hindi pa naman ubos yung hot chocolate ko. um-order na ulit ako ng lasagna. oy minsan lang yan.

10 minutes pa daw ihahanda yung order ko. um-oo na lang ako matagal pa naman ako dito.

buti nga walang masyadong tao sa coffee shop. mga tatlo pa lang siguro kami dito sa loob.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon