35

182 13 18
                                    

JAEMIN

Nag-start  na ang test namin sa math. Pagpasa sakin ng papel nung nasa harap ko muntik na akong tumaob.

"Ano to"

Dapat pala nagreview muna ako kagabi bago ako humarot.

Tinignan ko si Remie at halatang nahihirapan siya pero may naisusulat siya.

Ako...wala pa rin.

Hay bahala na!

Manghuhula na lang ako ng solve dito.

----

*school bells*

"Hay sa wakas!" Sabi ng mga kaklase ko at yung iba napayuko.

Nasagutan ko lahat,kaso hula lahat.

Tinignan ko si Remie at kitang kita kong pagod siya.

Nilapitan ko agad siya tapos tinabihan.

"Kamusta?" Tanong ko at inayos ang buhok niya.

"Sakit sa ulo" sagot niya.

"Anong score mo ba Remie?"

"17/20, buti nagaral ako kagabi. Ikaw?"

Bigla naman akong nahiya. Ang taas ng score niya...

Samantalang yung akin, sa totoo lang 6/20  .

Nakatama ako don sa knowledge part. Yung solving, wala na.

"Ah, m-mataas kaya" sagot ko na lang. Nginitian niya ako hinila patayo .

"Lunch na tayo"

----

Nang makaupo kami, tinanong ni Remie kung ano ang gusto ko. Manlilibre ata siya.

"Fried shrimp" sabi ko tapos pumili na siya para um-order.

Kaming dalawa lang ang magl-lunch ngayon. Buti nga eh, walang mga makukulit.

"Hi Jaemin"

Napatingala ako kung sino yung tumawag sakin. Nanlaki yung mata ko.

TEKA BAKIT NANDITO ANG BABAENG TO.

"May I join you?"

"No-- i mean... K-kasama ko ang girlfriend ko n-ngayon" sabi ko.

"Please Jaemin?"

"Hindi nga pwede diba?"

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nung nakita ko si Remie sa likod ni Sandy.

Oo tama, si Sandy nga.

"I will just join you. I still dont have friends--

"Then find a friend" sabi ni Remie at inilapag ang mga pinggan na in-order niya.

Nakita kong umalis na si Sandy at umupo na lang doon sa kabilang table.

Nakaramdam ako ng... guilt.

"Oh ano, doon ka na lang?"

"Hindi sa ganon Remie. Mali yung ginawa--

"Halata namang may gusto siya sayo eh. Hahayaan ko bang makasama ka niya kung ganon?"

"Pero, wala pa siyang kaibigan dito. Samahan muna natin siya tapos kapag may friend na siya, doon na nati--

"Fine! Samahan mo siya, alam mo namang ayaw ko sa kanya diba?"

"Remie--

"Bayaran mo ko ng 100 pesos diyan, alis na ako" sabi niya at kinuha yung pagkainan niya at lumipat sa jeje girls.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon