43

164 9 33
                                    

JAEMIN

"jeno make a wish!" sigaw ng mommy niya. nandito kami sa bahay nila jeno.

medyo crowded na pero masaya.

binigay ko na rin regalo niya pero di pa niya nabubuksan.

lahat kami tumahimik habang hinihintay namin siyang hipan yung kandila.

sayang hindi kami kumpleto. daming wala. si taeyong hyung, winwin hyung, sila mark at johnny.

buti pa nga sila jungwoo, lucas at kun nakapunta.

"yey!!"

"salamat sa pagpunta niyo dito ha" sabi ni jeno sa amin.

"buksan mo na yung mga regalo" sabi ni taeil hyung.

"sige sige, upo muna kayo" sabi ni jeno tapos pinaupo kaming lahat.

kinuha niya yung naka-kahon. as in kahon lang walang balot.

"wala bang pambalot nag-regalo neto?" sabi ni jeno

"ayaw mo ba akin na lang, nagrereklamo ka pa" sabi ni lucas tapos binato si jeno ng unan.

"oo na ito na" sabi ni jeno tapos binuksan yung kahon.

"pucha lucas anong gagawin ko sa stove?!!"

tangina lucas.

"sabi ng nanay ko useful daw yung magagamit mo araw-araw edi nagpabili ako ng stove! wag ka mahal mahal niyan" sabi ni lucas. nagtawanan kaming lahat.

"kaya pala ang bigat tapos naka-kahon pa 'to" sabi ni jeno tapos dahan-dahang binaba yung stove.

sunod niyang binuksan yung naka balot na pink.

"hula ko galing kay MJ 'to"

"hoy di ako mahilig sa pink no"

"edi kanino"

walang umimik.

AYOKONG MAGTAAS NG KAMAY.

"hoy kanino to?" tanong ni jeno. kasi si remie eh, ayan yung pinambalot.

"buksan mo muna!" sabi ni taeil hyung.

binuksan niya yung regalo ko..

"wowww jenooo!!!" sigaw nila.

sinuot niya yung glasses na bigay ko.

"wow kanino to galing?" sabi niya.

"at may price tag pa, sinsingil ba ako neto?!" tanong niya tapos napalunok ako.

"remie! bat di mo tinanggal?" pabulong kong sigaw (sana gets niyo)

"sorry! inaantok na ako kagabi" sagot niya.

"kanino to?" tanong ulit ni jeno.

"kay jaemin!" sigaw ni remie.

putek talaga tong babae na 'to.

"kaya pala di nagsasalitaaaa!" sigaw ni chenle.

"manahimik ka nga" sabi ko kay chenle

"pero salamat sa 1,100 pesos na glasses" sabi ni jeno.

"ge lang"

pucha talaga remie, wala ka na talagang kasing tanga.

pero mahal ko yan oy.

----

"wooh ayan na yung beeeeerrrr!"

sigaw nila jaehyun.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon