44

164 9 12
                                    

JAEMIN

isang araw na ang nakalipas simula nung birthday ni jeno.

di ako pumasok sa school, wala akong gana.

"hoy tamad, maglinis ka mamaya" utos sa akin nung isa kong kapatid

"oo na" sabi ko.

humiga na lang ulit ako at pumikit ulit.

"jaemin! sabi mo maglilinis ka?!"

"sabi mo mamaya?!"

"sigurado ka mamaya ha" tumango ako at tinalikuran siya.

maglilinis nga mamaya eh kulit.

alam naman na siguro ng mga kaibigan ko kung bakit di ako pumapasok.

maliban sa bad mood talaga ako, alam niyo na.

*phone rings*

bumangon ako tinignan kung kanino galing yung tawag.

remie nanay ng mga anak ko calling......

huminga muna akong malalim, shet puta ito na hot seat!

"hmm?"

[bakit hindi ka nanaman pumasok?]

"wala lang"

[hoy jaemin may di ka sinasabi sakin?]

"ikaw? may hindi ka rin ba sinasabi sa'kin?"

nanahimik siya bigla.

"mamaya na remie, may gagawin pa ako"

[jaemin, magkita tayo mamaya.]

"san?"

[sa may kanto doon sa may mga jejs na katulad mo]

"saan nga?" wala ako sa mood talaga.

[sa *****, mamayang uwian diretso agad ako]

"sige"

*toot toot*

*phone vibrates*

from: remie nanay ng mga anak ko

i miss you already, sorry.

-----

nandito na ako sa loob ng store kung saan kami magkikita ni remie. nagpa-late nga ako eh, akala ko siya mauuna.

huminga akong malalim. lilipat pa rin ba siya kapag pinigilan ko siya?

"jaemin"

in-angat ko ang tingin ko at nakita ko siya. kagagaling niya lang ata ng school.

umupo siya sa harap ko. hindi ako nagsalita at hinayaan muna siya.

"hi, ito na po yung order niyo" sabi nung waitress samin. nilapag sa harap ko yung isang iced coffee.

"thank you" nakangiting sinabi ni remie.

uminom muna siya sa iced coffee niya tsala nagsalita.

"jaemin, alam mo naman ata yung sasabihin ko" ito nga yun.

"hindi ko naman balak mag-secret sayo, kaso di ko lang talaga alam kung paano sabihin sayo" dugtong niya. wala akong reaksyon sa mga sinasabi niya

"ayoko rin naman umalis ng ibang bansa, mas gusto ko dito pero dahil daw, mababa yung grades ko... sa ibang bansa nila ako pag-aaralin" uminom ako sa inumin ko at tinignan siya.

"kung sakaling aalis ka, hanggang kailan ka?"

"4 years ."

tangina. hindi ko kaya.

Tangina mo Na Jaemin! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon