THG: Chapter Twenty-One

2.8K 73 2
                                    


A/N: I forgot to attach the photo of knight, so here it is.

PS. By the way, I change the name of Jack. It's Jack Kennedy Seo, from now on! Hoho!

 It's Jack Kennedy Seo, from now on! Hoho!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

THG: Chapter Twenty-One

Xylean Xin Lee

Matapos sabihin ang pagkapanalo namin ay agad ko nang nilisan ang lugar na 'yon ng walang paalam kahit na kanino sa mga kasama ko.

Bubuksan ko nasa ang sports car na ginamit ko nang may humarang na kamay. Napaangat ang tingin ko dito. Katulad ko ay natatakpan din ang kalahating mukha niya.

"Knight," mahinang sambit ko. Tinignan lamang niya ako ng seryoso.

"What do you need?"

"Ikaw."

Inis ko siyang tinignan ng diretso sa mata. "Tapos na tayo," wika ko habang diretso pa rin ang tingin sa mata niya. Seryoso lamang din siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong nailang kaya't napaiwas ako ng tingin.

"Nope. We are not yet," sambit niya nang may diin sa bawat salita. Napairap naman ako sa pagkapikon bago ko siyang nilingon.

"Tigilan mo na. Ikaw lang din naman ang masasaktan," malamig kong sabi saka marahas na tinanggal ang kamay niya.

Mabilis kong binuksan ang kotche ko at agad na pumasok saka mabilis na pinaandar ito papunta kay Dad.

Habang nasa kalsada ay naaalala ko pa ang huling pagkikita namin ni Dad. It's been a year. Ganoon na pala katagal. Tanda ko pa ang paguusap namin bago pa ako lumayas ng mansion niya.

"Sana... ikaw na lamang ang kinuha nila! Hindi na sana ang pinakamamahal kong asawa at anak!" Galit na galit na sabi sa 'kin ni Dad. Napayuko na lamang ako at naiyukom na ang dalawang kamay ko.

Mapait akong ngumisi saka sinalubong ang nagaapoy sa galit na ama ko.

"Ano bang dapat kong gawin Dad?" Pigil ang emosyon kong sambit.

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Dapat mong gawin?! Nagbibiro ka ba?!" Sarkastikong natatawa niyang sabi habang galit na hinampas ang mesa niya.

Kasalukuyan kaming nasa office niya matapos ang nasirang party nila Dad. Dahil sa pagdakip sa ate at mama ko ng kalaban namin. At ako ang sinisisi nila kahit na walang bakas na presensya ko sa party. Dahil hindi naman ako imbitado. Nakakatawa diba? Ako ang tunay na anak pero ako pa ang mas tinuturing na anak sa labas kaysa sa dalawa kong kapatid.

"H-hindi s-sa ganon. Gagawin ko ang lahat para maibalik sila ate dito." Nauutal subalit derminadong sabi ko.

"Sigurado ka ba dyan, ha? Kapatid kong suwail?" Rinig kong pangangasar ng bagong pasok ng panganay kong kapatid.

The Heiress Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon